Prologue

3 2 0
                                    

Asty's POV

"Come on Asty, your practical exam will be held tomorrow and today na yung due ng payments mo, if you can't pay until this day, baka hindi makapag-take bukas and possible na you'll get a failed mark." our professor said, pilit akong lumunok ng ayos at pilit na nagkukunwaring ayos lang ako. Pero deep inside? I'm exhausted, sobrang pagod na ako sa maraming bagay na hindi ko naman dapat nararamdaman.

"Nandito po talaga ako to tell you something.You don't have to worry prof, I'm going to... drop out." matapang na saad ko kahit na labag sa kalooban ko.

Hindi ko na talaga kaya pa suportahan ang pag-aaral ko kasi tuition and miscelanous fee lang naman ang sakop ng scholarship na meron ako. Yeah, I can handle those kind of payments back then dahil na rin sa sandamakmak na part time jobs na meron ako pero hindi na yun sapat ngayon. Kahit pa siguro hindi na ako matulog para lang makapag-trabaho, hindi pa rin yun enough sa kailangan ko. As I'm going into my senior year,  naging triple na ang bayarin especially ngayon for our first practical exam.

Magpapalipad na kami ng eroplano.

I can't now afford those additional payments na hindi sakop ng scholarship ko tapos nadagdagan pa ng isa pang problema.

"What?What do you mean you're dropping out?" iritadong tanong nito sa'kin.

"I can't afford those expenses na po, and I think mas hindi ko kakayanin banda-banda pa diyan." I replied. Pasikreto pa akong napangiwi dahil sa sakit ng katawang isang linggo ko nang dinadamdam.

If ever man na makapagbayad ako for tomorrow's exam, for sure hindi ko rin iyon magagawa ng tama dahil sa kondisyon ng katawan ko.

"Pero sayang, Ms. Celaeno, you're about to graduate this year."

"Hindi ko na po talaga kaya eh." mabilis na tugon ko. Kita ko sa mata ng propesor ko ang lungkot at paghihinayang na kagaya rin ng nararamdaman ko.

I really want to be a pilot.

Pero anong magagawa ko kung pinagkaitan ako ng mga bagay na tulay ko sa pag-abot nun? Hindi naman kasi totoong sipag lang ang puhunan. Kasi bakit ako?Alam ko sa sarili kong masipag ako pero hindi pa rin yun enough para suportahan ang gusto ko. In short, talo ka pa rin kapag mahirap ka.

"What about?I'm paying for your expenses muna para makaabot ka sa due then saka mo na lang ako bayaran gaya nung dati?" tanong pa nito, napangiti na lang ako subalit umiling ako. Thankful pa rin ako kahit papaano kasi lahat naman ng mga professors na may alam ng sitwasyon ko, tinutulungan talaga nila ako all throughout the years.

"Salamat po pero hindi ko na po matatanggap iyon, marami pa pong nakapilang bayarin at tiyak na matatambakan at matatambakan lang po iyon. But then thank you po talaga for everything, sobra." tugon ko pa, pinahid ko ang mumunting luhang nangilid sa mga mata ko at iniwanan siya ng malaking ngiti.

"Hindi ko na ba mababago isip mo?" tanong niya pa ulit sa'kin kaya umiling ako sa pangalawang pagkakataon.

"Sayang Asty, ikaw pa naman sana yung kauna-unahang babaeng magiging piloto sa pangangalaga ko. Sigurado ka ba talaga? Matutulungan ka pa namin." ulit niya pa kaya mapait akong napangiti.

"Baka po hindi talaga para sa'kin ang pagiging piloto. Siguro, napataas po yata yung pangarap ko kaya ganito." I replied, isang yakap mula sa kanya ang natanggap ko, hindi ko na ininda pa yung sakit ng katawan at hinayaan na lang siyang yakapin ako sa huling pagkakataon.

"Hindi totoo yan Asty, lahat tayo ay may karapatang mangarap kahit pa gaano kataas yan. Nanghihinayang lang ako at kung kailan patapos ka na, saka ka pa sumuko." sagot pa nito, hindi ko naman siya sinang-ayunan this time.

"Hindi po ako totally sumuko. I'm just going to find myself again and babalik po ako sa inyo kapag okay na ako at kapag kaya ko na ulit suportahan ang sarili ko.Mag-aaral ulit ako." I said, niyakap ko siya sa huling pagkakataon at nagpaalam na rin.

Huling kita ko na nga sa kanya, nagsinungaling pa ako.

Ang totoo niyan, ayokong tumigil sa pag-aaral at gustong-gusto kong tanggapin yung alok niya pero hindi ko kaya. Bukod sa may pumipigil sa'kin ay kailangang harapin ko ang reyalidad na ito na yung hangganan ko at hindi na ako makakabalik.

Hindi na.

Pagkalabas ko ng campus ay nilapitan na ako ng isanh itim na sasakyan, pagkatapos ay sinenyasan akong pumasok sa loob. Kahit na natatakot ako sa kasunod nilang gagawin ay sumunod pa rin ako kasi wala naman akong pamimilian.

"Napakatagal mo." reklamo nito.Napalunok na lang ako ng di oras ng maramdaman ang isang matulis na bagay na naka-abang sa tagiliran ko.

"Mabuti naman at tumigil ka na diyan sa peste mong eskwelahan. Ngayon, wala na kaming kahati sa sweldo mo kasi kulang pa itong buhay mo kapalit sa perang ninakaw ng magulang-magulangan mo."

HIDDEN : Amestris High - On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon