It would be probably awkward if I would join Rai. We don't know each other and it's kinda rude if will be asking him a favor. Magpapatigil pa ako sa palengke, nakakahiya naman. Mukhang ginto ang oras nito.
Nahismasan ang sarili ko ng kahihiyan kaya pinili kong sumama na lang kay Ceasar. Pumayag naman si daddy at sinabing i-text ko na lang siya pag nakauwi ako.
Rai left after that. Hindi na siya nagpumilit at umalis na rin para dalhin ang sasakyan ni daddy. Kasama ko ngayon si Ceasar na naglalakad papuntang parking.
"Anong gagawin mo sa palengke?" wika niya sabay pindot ng isa sa button ng susi para umilaw ang sasakyan.
Bago ako sumagot ay inintay ko munang makasakay kami sa loob ng sasakyan. I sat on the passenger side. Sanay na naman akong makisakay dito kay Ceasar. That's why I don't mind it.
"Balak ko sanang bilhan sina manang at ang ibang katulong ng prutas. Kahit isang piling ng saging o kaya ay ubas man lang." sagot ko habang nagsusuot ng seatbelt.
"Wala bang prutas sa bahay niyo?" tanong niya habang nagmamaniobra.
"Bibili pa ba ako kung meron?" biro ko. Labis na natawa naman itong si Ceasar.
While on the road, my phone suddenly beeped. It's a notification from our gc including our adviser. Mukhang importante ito. Dalawa kasi ang groupchat namin. Isang walang adviser at isang meron.
Binuksan ko ang akong phone at tinignan ang gc. Nakalahad dito na puwede na raw namin tignan ang scores namin sa nakaraang quiz sa entrep!
I immediately open my school portal kung saan puwede i-view. Tinatapik-tapik ko ang aking paa dahil sa kaba na namamagitan saakin ngayon. Lord, please. Perfect score please.
Dahil naka-data lang ako, medyo mabagal ito mag loading. Nagintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang makapaglog-in. I was refreshing the quiz page until the results came out.
Your final grade for this quiz is 30.00/30.00.
Lubusang saya ang naramdaman ko kaya napasigaw ako ng malakas. Napakapit ako sa mga bagay sa tagiliran ko dahil sa patuloy na emosyon.
"Shit! Am I driving so fast? Pasensya na. Teka lang." nagaalalang boses ni Ceasar.
"Gaga! Perfect ako sa quiz ko sa entrep!" hawak ko sa kaniyang braso.
Napalitan ng malapad na ngiti ang kaniyang pagaalala at lubusang tumawa ng husto.
"Wala bang thank you sa nagpahiram ng reviewer?" dagdag asar ni Ceasar.
"Muntik na akong pinahamak ng reviewer mo." tutol ko sa kaniya habang hindi nawawala ang tingin ko sa aking phone.
"How so?" nagsalubong ang kaniyang kilay.
"May isang term at definition na magkaiba tayo. Iba ang nasa notes ko at iba ang nasa notes mo. I followed yours." sabi ko habang nawawala na ang ngiti sa mukha ko.
"Isa lang ang ibigsabihin non." sinilayan niya ako ng pilyo niyang ngiti.
"Oo na. Oo na. Ikaw na magaling. Ikaw na tama. Sayo na ang korona." I sounded like a defeated opponent.
Puro tawa lang ang iginawad nito hanggang sa makarating kami ng palengke. Mabuti at nakahanap si Ceasar ng magandang parking kung saan puwede itigil ang sasakyan. Bumaba na agad kami upang makabili agad.
BINABASA MO ANG
Reach The Top (Dream Series #1)
Genç KurguLimited chapters only. I temporarily stop writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in ever...