PROLOGUE

3 0 0
                                    



Prente akong nakaupo sa upuan ko sa may tabi ng bintana sa ikaapat na hilera. Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang unti-unting pagsilip ng araw mula sa guhit-tagpuan. Maririnig rin ang pag-awit ng mga ibon pati na ang pagbusina ng mga sasakyan sa kalapit na flyover. Malapit kasi ang school namin sa syudad.

I looked away as the sun's blinding rays reached every corner of my eyes and the room.

"Ang liwanag!" asar kong bulalas sabay hinila yung kurtina para matakpan ko ang bintana. Tinukod ko ang siko sa lamesa at sinalo ang mukha.

Wala pa namang tao dahil maaga pa. Maaga lang akong pumasok dahil nasa akin ang susi ng classroom. Maganda ring mag-stargazing dito kapag alas-tres ng madaling araw. Mabuti na nga lang at close kami ni manong guard kaya hinahayaan niya akong makapasok nang maaga.

Habang nakatitig sa pisarang may sulat pa ng aralin namin kahapon, may narinig akong mga yabag. Hinanda ko ang tenga dahil senyales iyon na tapos na ang mapayapa kong araw.

"EROS!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. "Napakadaya mo talaga! Sabi mo kasama mo kaming mag-s-stargazing!" reklamo ni Chelsea, nakahalukipkip. Kasunod niya naman si Brent na abala sa pagbabasa ng manga.

"I tried calling your cells kaninang ala-una. Tagal niyo sumagot, so I figured na ako na lang mag-isa pupunta," paliwanag ko, tapos kinuha ko yung cellphone ko para ipakita sa kanila ang nakuhanan ko kanina.

"Sayang di niyo 'to nakita," pangongonsensya ko sa kanila tapos hinarap ang video na nakuhanan ko. Ngumisi ako sa naging reaksyon nila.

Sinara ni Brent ang librong binabasa at inayos ang salamin upang mabuting makita ang nasa cellphone ko. Si Chelsea naman ay yumuko upang mausisang mabuti ang video.

"Meteor?" taas kilay na tanong ni Chelsea na parang wala lang 'yon. "So ano na--" Nanlaki ang mata niya maski si Brent dahil sa sunod na nangyari.

The meteor passed over my head, a few kilometers away. It's not that big, but it landed on a nearby forest. May kalayuan naman ang gubat na pinagbagsakan ng meteor sa school namin, pero pinagmulan ito ng maliit na sunog. Hindi naman gaanong malaki at nawala rin agad kaya hindi na ako tumawag pa ng tulong.

"OMG!!! Sabi ko kasi sayo dapat di na tayo natulog, e!" nanghihinayang na sabi ni Chelsea sabay hampas kay Brent. Hindi natinag si Brent na naka-poker face na. Tapos na yung excitement niya kasi tapos na rin yung video.

Binigyan ko sila ng "Ang galing ko diba?" look with matching kibit-balikat pa, saka ko tinago ang phone sa bulsa ko.

"'Yan napapala ng mga tulog mantika. Sumali pa kayo sa club ko." Bumuntong-hininga ako sa kanila.

Sinimangutan lamang ako ni Chelsea at naupo sa harap ko habang si Brent ay tahimik lang na bumalik sa pagbabasa sa pwesto niya, sa tabi ko.

Ilang saglit pa, nakarinig kami ng mga sirena ng bumbero, pulis, at ambulansya. Sunod-sunod. Papunta sila doon sa lugar kung saan naglanding yung meteor kanina.

Siguro may ibang nag-report kaya hinayaan ko na lang. Ngunit ang nakakapagtaka, napakalapit nung meteor sa akin kanina. Dapat nalusaw na siya sa Mesosphere, pero, surprisingly, intact pa rin siya. Kailangan kong makita yun mamaya. Sana lang ay hindi sila ganoong mahigpit.

"Psst," pagtawag sa akin ni Chelsea, tinapik niya pa ako.

"Oh?"

Tinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya. Isang live news broadcast iyon sa crash site.

"Nandon si Tito sa crash site ngayon, oh. Alam kong pupuntahan mo 'yon kasi hindi siya nalusaw sa atmosphere."

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. I mean, pupuntahan ko naman talaga, di ko lang magets yung biglang pagpapatingin sa akin ni Chelsea ng balita.

ArkanaWhere stories live. Discover now