╔═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╗
Welcome to Shinkai
╚═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╝
Eros
Ilang minuto rin kaming naghintay rito sa tapat ng gate ng Shinkai. Kasama yung tatlumpung iba pa na kasama ko.
Umupo ako doon sa may parang natumbang puno dahil ngalay na ngalay na ako sa ilang minutong pagtayo. Maya-maya, biglang bumukas ang gate ng Shinkai.
Niluwa niyon ang tatlong batang lalaki na hanggang bewang ko lang ata. Napatayo ako agad nung magsalita sila.
"Maligayang pagdating sa Shinkai Academy, mga Irelio at Sisidlan. Napakalayo pa ng pinanggalingan ninyo. Sumunod kayo sa amin," utos ng mga batang lalaki na nagsalita.
"Seryoso? Akala ko kagaya ni Alfred sa Batman ang sasalubong sa atin. Mga bata lang palang walang kwenta," rinig kong sabi ng isang kaedaran ko. Di ko na lang ito pinansin, inayos na ang mga gamit ko, at naglakad na palapit sa kung nasaan ang mga bata.
"Pfft. Walang kwenta naman 'tong school na 'to. Excited pa akong malaman na may superpowers ako," kumento pa ng isa.
Pagkapasok ko sa gate, tinitigan ako nung isang batang babae na nasa gitna nung dalawang batang lalaki. Poker-faced.
She examined me from head to toe. Tumindig ang balahibo ko sa blangko niyang ekspresyon.
Sa pagtingin niya sa akin ay mas lalong lumakas ang kaguluhan sa likuran ko. Nag-aaway-away ang mga kasamahan ko. May ibang gumamit na ng kapangyarihan nila para lang makipagbugbugan.
"Tumigil kayo at sumunod sa amin," sabay-sabay na utos nung tatlong bata.
Nakaramdam ako ng kaba at takot sa tono ng boses nila. Sumabay pa ang hangin na mas nagpakilabot sa akin.
Biglang tumakbo palapit yung dalawang batang lalaki para paghiwalayin yung mga nag-aaway. Napakabilis nilang gumalaw ngunit hindi pa rin nila naiwasan ang pag-atake sa kanila.
Habang abala ang mga batang lalaki sa pagpigil sa riot na nagaganap, itinaas nung batang babae ang sleeves ng damit niya at may lumabas na mga karayom sa pagitan ng mga daliri niya.
Walang pag-aatubili niyang ihinagis ang mga karayom sa mga estudyanteng walang kaalam-alam. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi niya ba alam na pwedeng magkaproblema ang school na ito kung sasaktan niya ang mga estudyante?
Pagtama ng mga karayom sa katawan nila, ang mga ito'y biglang nawalan ng malay.
Ang iba sa kanila'y nakatalon. Siguro may anim o pitong nakaiwas sa mga karayom na inihagis nung bata.
"Mahusay. Lahat ng nakaiwas sa karayom ko, sumunod kayo sa akin," muling utos niya.
Naglakad ito palayo at sumunod sa kanya halos lahat ngunit naiwan ako. Di pa rin ako makamove on sa nangyari.
Biglang may lumapit sa akin. "Naguguluhan ka siguro, noh?"
Napalingon ako sa nagsalita at tumango ng isang beses bago siya taasan ng kilay.
"Non-fatal ang mga karayom ni Nui. 'Wag ka masyado mag-alala. Although, makakalimutan nilang may kapangyarihan sila dahil di nila deserve ang maging isang Irelio," paliwanag sa akin nung babaeng nagsalita.
Siguro nakapinta sa mukha ko ang pagtataka at pagkagulo sa sinabi niya at kung sino siya, kaya napahagikhik siya.
"Su-An. Ako si Su-An," pakilala niya sa akin. "Nice to meet you, Eros." Inilahad niya ang kamay sa tapat ko na tinanggap ko naman. Pagtapos non ay naglakad na siya palayo.
YOU ARE READING
Arkana
FantasyIsa lamang si Eros sa halos pitong bilyong taong naninirahan sa mundo. Bahay, school, bahay, school lang ang ruta niya sa bawat umagang gigisingin siya ng nakakabulag na sinag ng araw. Normal na ito sa kanya at masasabi niyang tahimik na ang kanyang...