Chapter 2

0 0 0
                                    

╔═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╗

Ad Astra

╚═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╝

Eros

Napasapo ako sa mukha ko. Nasa tabi ko ang envelope na galing kay Miss Marana. Tinitigan ko ito na parang ito na ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko. Sa tuwing titingnan ko ang envelope ay parang binabaliktad ang sikmura ko at ayoko ng ganoong pakiramdam.

Ano na gagawin ko ngayon? Hindi ko pa gustong mamatay. Ayaw kong malagay ang sarili sa kapahamakan.

Napataas ang ulo ko nang makarinig ng katok sa pinto kasabay ang pagtawag sa akin.

"Anak? Kakain na tayo. Lumabas ka na riyan," aya sa akin ni Papa, at muli ring umalis. Napatayo ako kaagad dahil miss ko na ang luto ni Papa. Tatlong araw ring hindi ko natikman ang luto niya. Himala ngang hindi ako masyadong ginutom.

Pagkababa ko sa kwarto ko, naamoy ko agad ang bango ng niluto niyang Kare-kare. Ito nga yung namiss ko.

"Maupo ka na dyan, anak. Kuha lang ako ng kanin natin," sabi ni Papa at nagsandok na ng kanin. Ako naman ay inayos na ang lamesa bago maupo.

Pagkasandok ay nilapag niya ang mga plato sa mesa.

"Oo nga pala, nabalitaan ko kay Chelsea na nakapasok ka daw sa Shinkai Academy?" panimula nito ng usapan. Napatigil naman ako sa pagsasalin ng tubig sa baso.

"Ah, opo," tipid kong sagot. Nilapit ko ang plano sa akin at kumuha na ng ulam. Napapikit pa ako nang maamoy ang bango at maramdaman ang init nito na dumidikit sa aking mukha.

"Ngayon ko lang narinig 'yang school na 'yan. Kailan ba ang pasukan dyan? Magkano ang tuition? Mamimili na ba tayo ng gamit?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Uminom muna siya ng tubig bago simulang kainin ang nasa plato niya.

Hindi ko sinagot ang mga naunang tanong dahil wala pa akong ideya rito pero, "sabi po ni Chelsea, sasamahan na lang niya akong mamili ng gamit."

"Sige. Bibigyan na lang kita ng pera. Ihahatid din kita sa school mo kapag meron ka nang mga gamit," sabi niya lang at tahimik na uling kumain.

∘₊✧──────✧₊∘

Kinabukasan, nagbihis ako agad para maaga akong makarating sa lugar kung saan kami magkikita ni Chelsea. Ayaw ko kasing mahuli at ayokong may pinaghihintay ako. Kahit na hindi ko naman talagang gustong gawin 'to dahil gusto ko ng normal na buhay na walang pumapatay sa akin.

Pagkalabas ko ng bahay, tinawagan ko kaagad siya. Hindi niya ito sinagot kaya nagtext na lang ako sa kanya na paalis na ako.

Kinakabahan ako dahil wala akong ideya sa Shinkai Academy. I tried searching sa internet pero wala namang results na lumalabas. If academy sila dapat may site sila diba?

Sa pag-iisip, hindi ko namalayang nasa may parke na ako kung saan namin napag-usapan ni Chelsea na magkikita.

Ilang minuto rin akong naghintay bago siya nakarating.

"Are you ready to discover the wonders of Shinkai?" nakangiting tanong niya sakin pagkarating niya sa pwesto ko.

"Uh, I guess?" sabi ko, nagdadalawang-isip. Natawa namans iya sa reaksyon ko.

"Promise. Exciting 'to. Halika na." Hinigit niya nag kamay ko at nagpatangay naman ako dahil wala naman akong ideya kung saan kami pupunta.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami.

ArkanaWhere stories live. Discover now