Chapter 1

1 0 0
                                    


╔═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╗

 Ilang Siglo, Mula Sayo

╚═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╝


Eros

"Gising! Hindi pa tapos ang laban!"

Napabalikwas ako nang may humawak sa balikat ko. Kaya naman agad akong lumingon para alamin kung sino ang nasa likuran ko. Medyo malabo ang nakikita ko ngayon at tanging itim na buhok na mistulang ilog at umaalon-alon ang nasisilayan ko.

Pamilyar ang boses at pakiramdam ko ay kilala ko siya, na parang hindi.

"Alam ko, Keli. Pero hindi ko na kaya. Tama na 'to," sagot ng issang boses na hindi ko rin kilala. Ang alam ko lang, kusang gumagalaw ang labi at katawan ko. Hindi ko rin narerecognize ang sarili ko. Iba ang pananamit ko, ang lugar na nakapalibot sa akin ay nababalot ng makakapal na hamog at usok, karagatan ng mga duguang katawan, at mga nasusunog na gusali.

"Kailangan na nating gawin ang tama. Ibigay na lang natin ang Ishtaro kay Ibarra. Paniguradong makakatakas tayo sa digmaang ito," suhestiyon ng boses na hindi ko makilala, ngunit galing sa akin.

Nakakagulat na alam ko ang ibig niyang sabihin na Ishtaro. Ayun ang katumbas ng SD Card sa atin. It stores files, and memories. Ganoon rin ang Ishtaro. Dito nakatago ang kapangyarihan ng mga Diyos at Diyosa.

Huh? Gods and Goddesses? What am I talking about?

"Mali ka, Libulan. Hindi lang 'yon ang solusyon. Saka manghihina ka kung mawawala sayo ang Ishtaro. Ang malala ay pwede mo pa itong ikamatay kapag nagapi ka ng sumpa ng mga Bathaluman sa lugar na ito," paliwanag ni Keli habang tinatapos ang isang higanteng lumilipad na robot na papunta sa direksyon namin.

"Pero hindi tamang pumatay tayo," pagtabla ko sa argumento niya. Nilabas ko mula sa katawan ang Ishtaro. Hugis chess piece ito ngunit hindi ko alam kung anong piece.

Tinitigan ko ito habang malalim na nag-iisip. Nang makapag-isip ako nang maayos, agad kong ginamit ang ulap at mga bituin ko para makaalis sa digmaan,

"Bumalik ka dito, Libulan!!! 'Wag mong ibibigay kay Ibarra ang Ishtaro!" rinig ko pang sigaw ni Keli pero hindi ko na ito pinansin pa.

"GISING! HINDI PA TAPOS ANG LABAN!!"

Napabalikwas ako sa narinig. Huh? Narito na naman ako? Anong nangyayari?

Pagkalingon ko sa pinanggalingan ng sigaw, nakita ko ang isang babaeng may mahabang buhok na animo'y ilog na umaalon-alon. Sa pag-alon ng mala-ilog niyang buhok ay ang pagtinta ng kulay ng dugo sa buhok niya.

Hindi gaya kanina, nakahiga na siya ngayon. Nakatitig sa akin. Isang espada ang nakatarak sa kanyang dibdib, ang kamay ay nanghihina, pilit akong inaabot at nanghihingi ng tulong.

"Eros, tulong," nanghihinang sambit niya, kasabay ng mga luhang unti-unting pumapatak sa kawalan ng pag-asa.


"CHELSEAAAAA--!!!"


"--AAAAAHHHHH!!!!"


ArkanaWhere stories live. Discover now