╔════*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*════╗
Sacred Relic: Astrophel's Fury
╚════*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*════╝
Eros
Hindi ako nakatulog dahil sa naging tagpo namin ni Daemon kahapon. Halos paikot-ikot lang ako sa kama ko kagabi hanggang sa abutan na lamang ako ng pagsikat ng araw.
Namalayan ko na lang ay kinakatok na ni Chelsea ang pintuan ng kwarto ko.
"Good mor—WHAT HAPPENED TO YOU?"
Bumungad sa akin ang malakas na boses ni Chelsea nang buksan ko ang pinto. Nanlaki pa ang mga mata nito.
"Wala. Namahay lang ako," paliwanag ko na lang para di na niya ako kulitin. Ayoko ring mag-alala siya sa nangyari kahapon. Gumilid ako upang makapasok siya sa loob ng kwarto ko.
Dumiretso naman siya sa may sofa at naupo sa may arm rest, parang may hinihintay.
Tiningnan ko siya nang ilang segundo bago niya ako kunutan ng noo.
"Teh? Maligo ka na. Di ka ba excited? Ngayon mo malalaman kung ano yung relic mo," pagpapaalala nito sa akin.
Muling bumalik sa akin ang mga nangyari kahapon. Kailangang-kailangan ko na talagang maprotektahan ang sarili ko. Who knows what dangers await me now that Brent's allies may have the information that I have something called Ishtaro.
"You're uncharacteristically non-hyperverbal," Chelsea said in a serious tone. "Did something happen at the Sleeping Forest?" she asked again.
"Wala. Ikaw talaga kung ano-ano iniisip. Ito na maliligo na ako!" Kinuha ko lang ang nakasabit na tuwalya na malapit sa hagdanan paakyat sa mismong tulugan ko.
Paglingon ko, nakahanda na ang kamay niyang ilabas ang relic niya.
"You know I can read your tone, right? Or do I need to remind you who I am?"
I just sighed. "Sige na. Maliligo lang ako saka ko ikukwento."
Biglang umaliwalas ang mukha niya at kumalma. Nakahinga ako nang maluwag.
"'Yan ang gusto ko! Chismis! Dalian mo at baka malate pa tayo!!" sabi nito at halos itulak na ako sa banyo para lang maligo na ako.
Ilang minuto rin akong naligo at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng banyo at magkuwento sa kanya. Inisa-isa ko ang mga pangyayari simula noong sundan ko iyong mga nimfa hanggang sa malaman kong may nagmamasid sa amin hanggang sa magpakilala si Daemon.
Habang kinukwento ko yung parteng sinalo ako ni Daemon, ngumisi-ngisi na siya. Marahan pa akong siniko nung sinabi kong nagugwapuhan ako kay Daemon. Pati tuloy ako, kinilig bigla.
"Sus! Kaya pala di nakatulog!" asar pa niya sabay sundot sa tagiliran ko. Panay naman iwas ko sa daliri niyang nakakakuryente.
"Baliw! Napogian lang naman ako!" depensa ko pa.
Nang makarecover kami sa tawanan, bigla siyang sumeryoso.
"Pero sino naman kaya yung nagsspy sa inyo? Ang alam ko lang na laging naglalagi sa Sleeping Forest ay si Daemon," takang pagpapaliwanag niya. "Maski ako iniiwasan yun dahil maraming mapanlinlang na nilalang roon," dagdag niya pa, ngunit taka niya akong tinapunan ng tingin.
"Bakit ka pala naroon?" tanong ni Chelsea, kita ang mapagmataas nitong isang kilay.
"Gusto ko kasi sanang maging pamilyar sa mga lugar dito sa Shinkai. Kaya naisipan kong maglibot-libot. Gamit ko pa yung mapa na bigay mo pero baliktad ata kaya ako naligaw," mahabang paliwanag ko.
YOU ARE READING
Arkana
FantasyIsa lamang si Eros sa halos pitong bilyong taong naninirahan sa mundo. Bahay, school, bahay, school lang ang ruta niya sa bawat umagang gigisingin siya ng nakakabulag na sinag ng araw. Normal na ito sa kanya at masasabi niyang tahimik na ang kanyang...