╔═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╗
Arkana
╚═══*.·:·.✧ ✦✧.·:·.*═══╝
Eros
"At Arkana," dugtong niya.
Napaawang ang bibig ko at pakiramdam ko nagniningning na mata ko ngayon. "Ang astig naman ng mga factions dito! Pano sumali sa mga yun?"
"Oh, hindi ka sasali doon. Doon ka maaassign base sa abilities and affinity mo. For example, if apoy ang kapangyarihan mo, sa Rahavtan ka na," paliwanag niya sa akin.
"So, saan ako? Wala namang light na faction. San ako lulugar niyan?" natatawa kong sabi na may halong pangamba. Napasipsip tuloy ako sa milktea na pinaorder ko kanina.
"Well, si Nui na bahala don."
Pagkasabi niya noon ay biglang may naglanding sa may harapan namin. Napakabigat ng pagbagsak niya kaya nasira ang ilan sa mga mesa dito.
"Sumunod kayo sa akin, Valkyrie at Sisidlan," walang buhay nitong utos, nakaluhod pa rin hanggang ngayon.
Napatitig sa akin si Chelsea kaya kinabahan ako dahil naging seryoso bigla ang atmosphere ng paligid pagkarating ni Nui.
Tumayo si Chelsea and waved her hands. Pagkatapos noon ay unti-unti nang nanumbalik ang ingay sa paligid.
"Halika na, Eros. Kailangan na nila tayo."
Tayo? Bakit kasama ako?
Napabalik ako sa katinuan nang hilahin ako ni Chelsea.
"Para kang estatwa dyan. Palitan mo na kaya si Magister of Restoration," sarkastikong sabi niya sabay hinila ako patayo.
Ang mga kasunod na nangyari ay parang bula kaming nawala at napunta sa kung saan. Isa lang ang alam ko. Nasa pasilyo kami sa loob ng Shinkai Academy.
Di pa ako nakakarecover sa biglaang pagbabago ng senaryo pero lumingon pa rin ako kay Chelsea na kinindatan lang ako.
"It's Nui," she mouthed.
Si Nui naman ay madaling pumunta sa harapan namin para buksan ang malaking pintong harang papunta sa kabilang kwarto. Pagkabukas niya nito, bumungad ang tatlong pigura na di ko gaanong maaninag dahil sa liwanag ng bintanang nasa likod nila.
May dalawang lalaki ang nandito. Mistulang tore sa tangkad yung isa. Malaki rin ang katawan at may katabaan. Hindi rin kaaya-aya ang nakakatakot nitong mukha. Sa di malamang dahilan, may kaba akong naramdaman nang magawi yung tingin ko sa pwesto niya.
Yung batang lalaki naman ay nakasuot ng beret at nakaupo sa balikat nung higante habang nagbabasa ng libro. Kapansin-pansin rin ang pagkinang ng kulay ginto niyang mata sa kanan. Para namang nalulunod ka sa panaginip kapag nadadatnan mo ang pula niyang mata sa kaliwa.
Yung babae naman ay sa mesa ang pwesto. Tinanggal nito ang pagkakayakap sa tuhod at may ginawa itong handsign na naging dahilan upang matumba si Nui.
Nagulat ako sa nangyari kay Nui. Ang katawan nito ay mas lalong lumiit at mistulang naging manika. Matapos ay kinontrol niya ito para mapalapit sa kanya at doon niya niyakap ang manika.
"Kanina pa kami naghihintay dito." Binaba nung batang lakaki yung libro niya at tumalon pababa sa balikat nung higante.
"Kayo lang? Where is he?" Chelsea asked as she walked towards the girl on the table.
"He's there again as usual," the boy answered, like it should be basic knowledge.
Nagkibit-balikat lang si Chelsea. "Hmm. Magtatakip-silim na rin pala," puna niya sa kalangitang pininturahan ng kahel ng araw.
YOU ARE READING
Arkana
FantasyIsa lamang si Eros sa halos pitong bilyong taong naninirahan sa mundo. Bahay, school, bahay, school lang ang ruta niya sa bawat umagang gigisingin siya ng nakakabulag na sinag ng araw. Normal na ito sa kanya at masasabi niyang tahimik na ang kanyang...