"Egeng wala daw tayong pasok ngayon. Mukhang malakas kasi yung bagyong tatama mamaya" text sakin ng katrabaho kong si Edgar.
Nanlumo naman ako pagkabasa ko ng text na iyon.
"Sige pre salamat" reply ko.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.
Kainis! Kelangan na kelangan pa naman namin ng pera ng kapatid kong si Ariel lalo pa sinusumpong sumpong na naman siya ng sakit niya.
Napatulala ako habang rinig na rinig ang hagapas ng hangin sa yero naming bubong. Nalagyan ko na ng mga pabigat ang bubung at pinapanalangin ko na sana ay huwag naman lumakas ng sobra ang bagyo dahil panigurado hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pampaayos.
Iniisip ko kung buhay pa sana ang magulang namin, hindi kami maghihirap ng ganito.
Disisais anyos ako ng mamatay si mama sa pangaganak sa kapatid kong si Ariel. Samantalang si papa naman ay bente anyos ako nung mawala siya dahil sa isang aksidente. Kaya naman hindi ako nakapagtapos ng high school dahil sa hirap kami sa buhay lalo pa lahat ng kita noon ng magulang ko ay para sa gamot ni Ariel.
Mula ng mawala na si papa ay ako na ang tumayong ama at ina ng kapatid ko.Namasukan ako bilang gasoline boy sa malapit samin. Sobrang hirap lalo pa ngayon hindi ko alam kung paano kami magkakaulam lalo pa wala akong trabaho ngayon at wala akong sasahurin ng isang araw dahil sa bagyo.
"Ate ayos kalang po?" Sabi ng kapatid kong maputlang maputla ang itsura.
Doon ako napabalik sa ulirat ng magsalita siya.
"Oo okay lang ako. Nagugutom kana ba?" Tanong ko.
"Mejo po ate eh. Hindi naman tayo nakapag agahan kanina" sabi niya.
Pilit akong ngumiti sa kapatid ko. Ayokong makita niyang nanghihina rin ako sa sitwasyon namin.
"Ganon ba. Oh sige Yiel uutang muna ako ulit kay aling Lumen"
Tumayo na ako at kinuha na ang sumbrero ko.
"Ate diba ang haba na ng listahan natin kay aling Lumen?" Nagkakamot sa ulong sabi ng kapatid ko.
"Ano kaba Yiel ako ang bahala kay aling Lumen. Matatanggihan niya ba itong pogi mong kapatid?" Sabi ko at nagkunwaring masaya.
Tumawa naman ang kapatid ko sa mga sinabi ko.
Lumabas na ako kahit na ang lakas ng hangin at ulan sa labas. Kelangan ng kapatid kong kumain lalo pa may sakit siya.
Basang basa akong pumunta sa tindahan ng kapitbahay naming si Aling Lumen.
Ilang katok pa ang ginawa ko ngunit wala pa ring sumasagot. Hanggang sa sumilip ako at nakita ako ni Aling Lumen. Nakabusangot ang mukha nito ng makita ako.
Hindi ako tumigil kakakatok dahil mas iniisip ko ang kapatid ko na kelangan niyang makakain.
Inis naman at nagdadabog pang pumunta si Aling Lumen at pinagbuksan ako ng bintana ng tindahan niya.
"Ano na naman ba yan Egeng? Ang haba na ng listahan mo rito! Hindi ka naman nagbabayad!" Galit na sigaw ng matanda sakin.
Nagkamot ako sa ulo sa mga sinabi niya.
"Eh aling Lumen pasensya na alam mo naman na may bagyo ngayon at walang trabaho kaya wala akong sasahurin. Tsaka nung nakaraan eh sinumpong naman si Yiel ng sakit niya" sabi ko
"Hindi ko kelangan ng mga dahilan mo Egeng! Ang kelangan ko ang bayad mo!" Namumula ng sabi nito.
"Relaks kalang aling Lumen ano kaba. Gusto mo bang mabawasan ang ganda mo? Nako nakakabawas pa naman ng ganda ang pagiging bugnutin" sabi ko dito.
"Eh pano ba naman kasi hindi kapa nagbabayad" malumanay ng sabi ng matanda.
"Aling Lumen sabi ko naman sayo nagipit lang talaga ako ngayon. Ngayon lang talaga promise yan. Nakita mo naman nung mga nakaraang buwan diba? Buo akong nakakabayad sayo at binibigyan pa kita ng paborito mong mansanas" sabi ko dito na kunwari eh batang nanglalambing.
"Tsaka aling Lumen kapag sumahod na ako ulit eh ibibili kita ulit ng mansanas na pampaganda lalo sayo. Dalawa pa!"
Ngumiti na ang matanda.
"Talaga Egeng? Siguraduhin mo lang ha"
"Oo naman kelan ba kita binigo?" Sabi ko at kinindatan siya.
"Oh siya sige ha. Basta bumayad ka pag ka sweldo mo at yung pangako mong dalawang mansanas" sabi nito na tinuro pa ako.
"Opo cross my heart hope to the die man!" Sabi ko na gumuhit ng pa ekis sa may puso ko.
"Oh siya ano ba kukunin mo"
Tumakbo na ako papuntang bahay dahil nakita kong nagsi tumbahan na ang mga puno ng saging sa daan.
Basang basa akong nakarating sa bahay. Uuga uga ang yero naming bubong dahil sa lakas ng hangin.
Agad kong nilapag ang nautang kong pagkain kay aling Lumen.
"Wow ate ang galing mo talaga. Nagoyo mo na naman si aling Lumen!"natatawang sabi ng kapatid ko
"Abah wala ka kasing bilib sa pogi mong kapatid eh"sabi ko sabay angat ng basa kong manggas at pinakita ang payat kong biceps na wala naman.
Tinawan naman ako ng kapatid ko.
Niluto ko na ang itlog at bigas na ginawa kong lugaw.
Pagkatapos ay pinakain ko na sa kanya.
"Ate bat hindi ka sumasandok ng sayo?" Takang tanong ng kapatid ko.
"Nako busog pa ako Yiel kaya ikaw nalang muna kakain"
"Busog? Eh hindi nga tayo kumain kaninang umaga" takang tanong niya.
"Huwag na maraming tanong. Sige na kumain ka ng marami para lumakas ka"
Magana naman siyang kumain.Awang awa ako sa kapatid ko habang pinagmamasdan ang kalagayan niya.Minsan gusto kong kwestyunin ang Diyos kung bakit ganito ang binigay niya saming buhay. Mahirap na nga kami bakit niya pa binigyan ng sakit ang kapatid ko?
Bago paman tumulo ang luha ko ay tumalikod na ako at pinunasan ang luha.
"Sige na bunsoy magpapalit lang ako" paalam ko sa kapatid ko.
Nang makapagpalit ako ay umupo ako sa luma kong higaan. Biglang kumalam ang sikmura ko ngunit pinilit kong iwala ang gutom sa isip ko. Hindi ako pwedeng kumain dahil hanggang bukas pa ang pagkain na niluto ko at imbes na kainin ko eh pagkain nalang ng kapatid ko.
Paglabas ko ay saktong tapos na kumain ang kapatid ko.
"Mukhang busog na busog kana ah" sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
Ngumiti naman siya sakin.
"Sige na at magpahinga kana. Magkumot ha lalo na malamig ang panahon"
"Opo ate"
Hinugasan ko na ang pinagkainan ng kapatid ko.
Napapaluha ako sa kalagayan namin dahil hindi ko alam kung bukas ay may pasok na kami. Arawan ang sahod namin doon sa gasolinahan kaya ngayon wala talaga akong pera.
Pinilit kong pinatatag ang loob ko at naging positibong magiging maayos ang lahat sa amin ng kapatid ko. Ayokong ipakitang mahina ako dahil ako nalang ang kinukuhanan ng lakas ng kapatid ko.
-xTinayy-
Hey guys! Eto na ang aking third story hihi!
Nasa mood ako magsulat kaya tinuloy tuloy na dahil tapos na ang This side of paradise, ngayon eh etong guyxtomboy story ulit.
Hoping na nagustuhan niyo tong chapter! Subaybayan niyo to ha ♡️
YOU ARE READING
He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13)
RomanceSi Angelina Ramos oh mas kilalang Egeng sa kanilang mahirap na lugar ay isang typical na tomboy, 26 years old, at may nakakabatang kapatid na lalaki na si Ariel sampong taong gulang. Ngunit mula ng ipanganak si Ariel ay may sakit na itong leukemia n...