Kinabukasan ay mabuti nalang at may pasok na kami. At salamat naman dahil hindi naman lumakas pa ang bagyo.
Pinakain ko na ng tirang lugaw kagabi ang kapatid ko.
"Hindi ka parin kakain ate?" Tanong sakin ni Yiel.
"Hindi na. Doon nalang ako sa trabaho kakain. Bilisan mo na jan at baka malate ang pogi mong kapatid"
Pagkatapos niya naman kumain ay binilinan ko siya ng kagaya ng dati.
"Oh yung mga bilin ko sayo ha."
Iniiwan ko muna kasi ang kapatid ko sa kapitbahay naming si Ate Elen. Mabuti nalang at mabait siya at tiwala ako sakanyang mababantayan niya ang kapatid ko habang nasa trabaho ako.
"Opo ate" sabi niya at sumaludo. Sumaludo rin ako sa kanya.
Pagkatapos ay nagtawanan kaming dalawa.
"Yiel wala muna akong iiwan na pagkain mo mamayang tanghalian. Pero uuwi ako rito at didiskarte ako ulit ng pagkain" sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
Ngumiti naman ang kapatid ko at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Pagkahatid ko sa kanya kila ate Elen ay ginamit ko na ang luma naming bike para makapunta sa trabaho.
Pagkarating ko sa trabaho at nag simula na ang duty ko ay hindi tumigil ang tyan ko kakatunog.
"Hoy Egeng hindi kaba kumain?" Tanong ng ka duty ko na si Bogs, tomboy rin na kagaya ko. Parehas kaming lalaki manamit,kumilos at maikli ang buhok. Mataba lang itong si Bogs samantalang ako eh payat.
"Oo eh. Meron kaba diyan? Penge naman oh" sabi ko at uminom ng tubig.
Kahapon pa ako tubig ng tubig ngunit hindi nadadala ng tubig ang gutom na nararandaman ko.
Pumunta siya saglit sa locker namin at may inabot saking tinapay.
"Bait mo talaga Bogs. Salamat ha" sabi ko at nilantakan na ang tinapay.
"Sus wala yun noh" sabi niya at nag apir pa kaming dalawa.
"Nga pala Egeng mamaya papakita ko sayo yung bago kong chix pag break time natin" sabi niya habang ngumiti ng nakakaloko.
Babaero kasi tong si Bogs kahit na hindi naman masyadong kagwapuhan hindi kagaya ko na gwapo kahit papano.
Umiling iling nalang ako. Mabuti nalang at wala pa kaming customer kaya nakakapag kwentuhan pa kami.
"Mamaya papakilala ko sayo yung kaibigan ng chix ko pre ano game?" Sabi niya pa.
"Alam mo naman pre sagot ko jan diba? Pass ako jan lalo pa nagkukulang ang pera ko dadagdag pa ba ako ng papakainin?"
"Haynako as usual naman pre" sabi niya at napailing na rin.
Nang break time na namin ay pinakita nga sakin ni Bogs ang kaibigan ng chix niya. Maganda nga pero hindi pwede. Ni minsan eh hindi pa ako nagkaka girlfriend lalo pa ang focus ko lagi ay sa kapakanan ng kapatid ko. Iniisip ko kasing gastos lang ang mga babae. Kaya nakontento nalang ako sa pasulyap at paghanga sa mga babaeng natitipuhan ko.
"Boss pwede ba ako bumale?" Tanong ko sa manager namin.
Tumango naman siya at binigay na ang sahod kong 400 pesos.
Agad akong nagpaalam kay Bogs na uuwi saglit dahil walang pagkain ang kapatid ko.
Pagkauwi ko ay nakita ko siya sa sala nila ate Elen na namumutla at nanonood ng tv.
"Bunsoy ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kapatid ko.
Ngumiti naman siya at tumango.
"Sina ate Elen?" Tanong ko.
YOU ARE READING
He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13)
RomanceSi Angelina Ramos oh mas kilalang Egeng sa kanilang mahirap na lugar ay isang typical na tomboy, 26 years old, at may nakakabatang kapatid na lalaki na si Ariel sampong taong gulang. Ngunit mula ng ipanganak si Ariel ay may sakit na itong leukemia n...