Chapter 11

131 9 2
                                    

AUTHOR'S POV

Naramdaman ni Lucas na bumangon na sa kama ang katabi niya. Kaya naman hinintay niyang makalabas ito ng kwarto.

Pagkalabas nito sa kwarto ay nagmulat na siya ng mata at saka nagayos na. Ewan niya ba sa sarili kung bakit niya gagawin ang bagay na hindi niya naman gawain. Susundan niya ang lesbiana para alam niya kung saan ito pupunta. Di niya rin mawari sa sarili kung bakit ayaw na ayaw niyang mahiwalay ito sa paningin niya. Nais niya lamang na nasa tabi niya ito, dahil ito lamang ang nagparamdam sa kanya ng ka komportoblehan sa buhay. Pakiramdam niya ay back to boring life siya pag wala ito.

Tiningnan niya ito sa bintana at nakita niyang naglakad na ito papalabas ng bahay. Oo pumayag siyang mag day off ito pero hindi siya papayag na mawala ito sa mata niya kahit isang segundo lamang.

Sumakay na siya sa kotse niya at sinundad na ang tricycle na sinakyan ng lesbiana.

Nagkaroon siya ng pagtataka kung bakit sa isang hospital ito pupunta.

Pinark niya na ang auto niya at pasimpleng sumunod sa babae.

Nakita niyang pumasok ito sa isang private room for patient. Sumilip siya sa bintana, nakita niya ang isang batang lalaki na pasyente na tulog.

"Is that her brother she's calling Yiel?" Tanong niya sa isipan.

Napatingin naman siya sa lesbiana at nakita nyang may kausap itong nurse na babae.

Kitang kita niya kung pano kumislap ang mata ng lesbiana sa nurse na kausap nito.

Nagkaroon ng kaunting kurot sa puso niya dahil ganun niya tingnan siya, pero siya naman ay ganun ang tingin sa iba.

"What the fck is this feeling?" Mahinang sabi niya.

Naiinis siya dahil ang saya saya nito makipagusap sa nurse na iyon. Gusto niya ay sa kanya lamang ganon ang babae.

Huminga siya ng malalim dahil naiinis siya. Umalis muna siya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na pumasok doon at gumawa ng eksena.

Pumunta siya sa information center at naisipan niyang magtanong tungkol sa binisitang pasyente ng lesbiana.

"Hi" bati niya sa mga nakaupong staff.

Napatingin sakanya ang babae at isang tingin niya ay binabae.

Para namang naestatwa ang mga ito pagkakita sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatigil at hindi mapapatitig sa taglay niyang kagwapuhan?

"A-ah Hi Sir" bati ng dalawa at malanding ngumiti sa kanya.

"I just wanna ask what's the name of patient in the room number 17?" Sabi niya ng nakangiti.

Kilig na kilig naman ang dalawa sa ngiti niya at para ng matutunaw ang nga ito.

"Nako bakla apaka gwapo naman nito" sabi ng babae na hinahampas hampas ang kasama.

"Oo nga.. siguro di naman tayo naiintindihan ni pogi."

Natawa si Lucas sa sarili dahil akala ng mga ito ay hindi siya nakakaintindi ng tagalog.

Lucas cleared his throat kaya naman napabalik ang dalawa sa pagseryoso.

"Ah Sir our files here is confidential so we don't say any names or whereabouts of our patients here" sabi ng isa.

"Oh is that your regulations here?" Sabi niya at ngumiti.

"Yes Sir.. but you're an exception. We will tell you about what you've asking for" sabi ng binabaeng staff gamit ang malandi nitong boses.

Ngumiti siya dahil kagaya ng inaasahan eh madali lang talaga umayon ang mga taong nasa paligid niya sakanya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong senaryo. Gamit lamang ang kanyang pamatay na karisma at kagwapuhan eh lalambot agad kung sino man ang kausap niya... maliban na lamang sa lesbianang iyon.

He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13) Where stories live. Discover now