Chapter 15

208 9 2
                                    

Yamot na yamot ako sa gagong Lucas nato. Naisip pang isama ako. Oo gusto ko makapunta abroad pero ayokong kasama siya. Gusto kong makasama sana ngayon ang kapatid ko lalo na at malapit na ang operasyon niya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman na akong magagawa sa desisyon ng Lucas nato.

"Ana let's eat?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang kotse niya.

"Ikaw bahala" walang gana kong sagot sakanya.

Inakbayan niya naman ako.

"What's the matter?" Tanong niya sakin.

Napatingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Wala"

Ngumiti siya at pinsil ang ilong ko.

"Aray ano ba!" Sabi ko at inalis ang kamay niya.

"Just accept the fact that you will be with me forever, Ana. No one will ever change that. Even you" sabi niya at seryosong napatingin sakin.

"Ewan ko sayo" sabi ko at sinimangutan siya.

"Anong forever pinagsasabi mo? Eh malapit na matapos kontrata ko sayo. Tsaka ilang linggo nalang titiisin ko sayo" sabi ko sa isipan ko.

Ngumiti ako at iyon na lamang ang tinatak sa isipan ko.

Konting tiis nalang babalik na ulit kami sa normal ni Yiel.

-------

Isang araw pa nga ang lumipas at pinaasikaso na ni Lucas ang passport ko. Walang gana ko lang siya sinunod.

Pagkatapos naming asikasuhin lahat ay umuwi na kami. Hindi ko pinapansin si Lucas kahit na dinadaldal niya ako.

Naglinis muna ako ng buong bahay. Tinuring ko na rin na bahay ko to kaya kapag bakanteng oras ko ay naglilinis talaga ako.

Tulog pa si gago at mabuti na yun ng walang mang istorbo sakin.

"Teka nga makapagpatugtog nga muna" sabi ko at kinuha ang cellphone na bigay ni gago.

Binuksan ko iyon at nagpatugtog.

Pakanta kanta pa ako habang naglilinis dahil gusto ko mawala sa isipan ang inis ko kay gagong Lucas.

Feel na feel ko ang kanta kahit na napaka sintunado ko. Nakakagaan talaga ng araw kapag may tugtog akong naririnig. Ginawa kong gitara ang walis tambo at ginawa itong gitara animoy nagcoconcert ako.

Hanggang sa matapos ang kanta ay nag bow pa ako na akala mo may audience. Tawang tawa ako sa sarili ko habang ginagawa ko iyon.

Maya maya pa ay napatingin ako sa sofa at nakita ko si gagong Lucas. Ngiting ngiti siya habang hawak ang cellphone niya at nakatutok ang camera sakin.

Automatic na nabitawan ko ang walis tambo at hinang hina na napahawak sa pader.

"Ka-kanina kapa jan?" Nauutal komg sabi.

"Apparently yes, Ana. And I've seen you enjoying the music. You danced like a pro" sabi niya at ginaya gaya ang sayaw ko kanina.

Pulang pula ang mukha ko habang parang baliw siyang sumasayaw. Takte! Ganon ba yung sayaw ko kanina? Gusto ko nalang lamunin ng lupa.

"Baliw! Nag video ka ba kanina?" Sabi ko at pilit na kinakalma amg sarili sa kahihiyan.

"Yes Ana. I want to stored it on my phone. You know what, I wanna see you dance like that on bed.. when we're making love" sabi niya at ngiting ngiti at may pang aasar sa pagmumukha niya.

He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13) Where stories live. Discover now