-xTinayy-
Hey guys sorry paputol putol tong story ko😭
Just a quick share to you guys, Nagkaroon kasi kami ng emergency. Last September namatay yung kapatid ko. Di namin alam na may leukemia siya, parang ewan lang kasi yung sakit ng kapatid ng character kong si Egeng eh same sa kapatid ko. Kaya ayaw ko muna magsulat nung nakaraang buwan dahil nalulungkot ako pag naaalala ko ang word na leukemia. Sana naintindihan niyo. Ngayon nalulungkot pa rin ako pero kahit papano eh mejo okay na di na kagaya ng dati. So yeah I'm ready to write again, I'm back guys! Just be patient lang kasi need ko pa irefresh ulit. Thank you for reading!
"Buti naman Dude nakasama ka? Himala ata dahil mula nung mapalapit ka kay Egeng eh di kana nasama samin" ani ni Liam.
"I agree. So what's up brother? Diba parang ayaw mo na mawalay kay Lucky Girl mo?" Ngumingising sabi ni Ronan.
"Shut up" maiksi niyang sabi at sabay inom ng beer.
Naiinis siya sa isipan niya dahil ayaw niya naman talagang pumunta pa ng bar kung hindi lang siya sinet up ng babaeng minamahal niya.
Malapit na kasi ang flight nila kaya naman nakiusap ang babaeng lesbian na kung pwede ay bantayan niya muna ng dalawang araw ang kapatid nito sa hospital. Una ay hindi siya pumayag pero nagmatigas ito at sinabing hindi na ito sasama sakanya at tatakasan siya nito kaya naman wala na siyang nagawa pa.
"Hey handsome" rinig niyang sabi ng babae sa harap niya.
Malagkit siyang tiningnan ng babae at animo'y inaakit siya. Umupo ito sa kandungan niya at ginalaw galaw ang bewang.
Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya sa ginawa ng babae.
Hahalikan sana siya ng babae ng buhatin niya ito at iniupo sa gilid niya.
Nagulat at may dismaya sa mukha ng babae dahil sa ginawa niya.
Walang salita ang lumabas sa bibig niya at tumayo siya at naglakad patungong comfort room.
"What the fck" bulong na sabi ni Dave.
Samantala dali dali naman umalis sa eksena ang babae dahil napahiya ito sa ginawa ng napakagwapong lalaki dahil iyon ang kauna unahang pagkakataon na natanggihan siya.
Naghilamos si Lucas ng mukha at inayos ayos niya ang buhok. Napatingin siya sa repleksyon niya. Napangisi siya sa sarili dahil paikot ikot sa isipan niya si Ana. Pero biglang nagbago ang expression ng mukha niya ng maalala niyang hindi niya makikita ng dalawang araw ang lesbianna.
"No fcking way!" Sabi niya at muling ngumisi.
Wala na siyang amor sa mga nag gagandahan oh nag sesexyhan na babae. Tanging ang lesbian na si Ana na lamang ang nakikita ni Lucas. Wala ng iba pa.
Binuksan niya ang dalawang botones ng kanyang polo dahil pakiramdam niya ay naiinitan siya habang iniisip ang lesbianna kaya naman sumisilip ang kanyang malapad na dibdib.
Lumabas na siya ng comfort room at habang naglalakad siya ay pinagtitinginan siya ng mga babae. May iba pa na kinakausap siya ngunit ni isa sa mga yun ay wala siyang pinansin. Tinext niya nalang ang kapatid niya na uuwi na siya.
Habang nagdadrive papunta sa isang lugar ay di maalis alis sa isip niya si Ana. Para itong drugs na naadict siya at hindi niya mapigilan pa.
Napangiti siya sa sarili dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na umibig siya.
Napakasaya sa pakiramdam.
Pagkarating niya sa hospital ay agad na siyang dumiretso sa kwarto kung saan naroroon ang kapatid ng lesbianna.
YOU ARE READING
He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13)
RomanceSi Angelina Ramos oh mas kilalang Egeng sa kanilang mahirap na lugar ay isang typical na tomboy, 26 years old, at may nakakabatang kapatid na lalaki na si Ariel sampong taong gulang. Ngunit mula ng ipanganak si Ariel ay may sakit na itong leukemia n...