Matapos namin magusap ni Lucas ay nawala ang inis ko sa kanya. Napalitan ng awa,kasi akalain mo yun? Perpekto pa sa perpekto ang buhay niya...pero napakalungkot niya naman.
Dati akala ko kapag sobrang yaman mo kaya mo ng bilhin lahat ng gusto mo at magiging masaya ka. Siguro sa una lang masaya kapag may pera. Yun yung napagisip isip ko sa sitwasyon ni Lucas. Kasi kung tutuusin talaga nasa kanya na lahat pero siguro sa sobrang perpekto niya eh wala ng thrill ang nangyayari sa buhay niya, wala ng problema. Ano pa nga ba naman ang poproblemahin niya? Yung kinabukasan siguro ng anak ng anak nga anak at yung mga susunod pang anak ng mga anak niya eh buhay na buhay na kahit di pa sinisilang. Sa yaman ba naman ng Lucas nato.
Ako gusto ko rin yumaman, pero ngayon siguro yung sakto nalang siguro. Yung hindi kami ganito kahirap pero hindi kasing yaman ni Lucas.
Hindi na rin ako masyado naiinis sakanya na nagustuhan siya agad ni nurse Cristina kasi di nga naman niya kasalanan. Kasi sino nga ba talaga ang hindi magkakagusto sa Lucas na yun? Mukhang ako lang ata kasi nga babae gusto ko at hindi katulad niya. Pero syempre di ako papatalo. Gusto ko ligawan si nurse Cristina kapag natapos na ang serbisyo ko sa gagong Lucas na yun.
"Ana are you ready?" Tanong niya sakin.
"Oo" sabi ko sa kanya.
Naglakad na nga kami papuntang kotse niya.
Bibisitahin kasi namin yung isa sa business partner niya raw dito sa Pilipinas. At kagaya ng dati syempre sasama niya ako.
Nakasakay na kami pero hindi pa siya umaandar kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sakin.
"Bakit?" Takang tanong ko. Bigla ko naman hinawakan ang mukha ko dahil baka may kung anong dumi.
Ngumiti naman siya sakin at linapit niya ang mukha niya.
Hindi naman ako agad nakakilos sa ginawa niya.
Wala na akong nagawa nung halikan niya ako sa labi.
Matagal bago niya iyon inalis at hinawakan niya ang pisngi ko.
"I really like you, Ana"
Napalunok ako at tinitigan ang seryoso niyang mukha.
Araw-araw ganyan lagi ang sinasabi niya. Na gusto niya raw ako.
Wala naman akong sinasagot kasi hindi ko naman siya gusto.
"Ewan ko sayo" sabi ko at sinimangutan siya.
Tumawa naman siya at saka nagdrive.
Habang bumabyahe kami ay nakatingin lamang ako sa labas at nagtitingin tingin sa paligid. Ito talaga yung isa sa mga gusto ko kapag bumabyahe, ang tumingin tingin sa paligid.
Nagpatugtog naman siya ng radyo.
Dalawang linggo na rin pala kami magkasama nitonh si Lucas. Kahit papano nakikilala ko na siya. Mabait naman siya ayun nga lang minsan parang may saltik kasi sinasabihan ako lagi na gusto niya ako.
Sana makahanap na ng donor at ng maoperahan na si Yiel para maging okay na siya.
"Ana..."
Napalingon ako sa kanya. Nakatingin naman siya sa daan.
"Can you please tell me about you? Like I wanna know more about you" sabi niya at tumingin sakin saglit.
Napaisip naman ako kung mag kekwento ba ako sa kanya oh hindi.
Sabagay, siya nga eh nagkwento tungkol sa buhay niya.
"Obvious naman diba na tomboy ako. Mula pagkabata ko ganito na talaga ako. Wala na akong magulang, kami nalang ni Yiel ang magkasama sa buhay. Sa kasamaang palad eh may sakit ang kapatid ko kaya kinailangan ko ng pera. Ang bahay namin ay napaka payak lang. Hindi kagaya ng bahay mo na mansion. Naalala ko nga yung huling bagyo, muntik na masira yung bubong namin dahil nga gawa lang yun sa yero. Isang kahig isang tuka lang ang buhay namin. Hindi ako nakapag tapos ng high school kasi kelangan ko magtrabaho, para sa kapatid ko. Isang araw non inatake si Yiel ng sakit niya, walang wala akong pera non. Maghapon ako kakahanap kung saan kukuha ng pambayad sa hospital para lang madugtungan pa ang buhay ng kapatid ko. Pero isang malaking himala na may isang babae akong nakasabay non tapos sumali pala siya sa ginawa niyong magbabarkada. Sabi niya hindi naman nga ako mapipili kasi hindi naman ako kapili pili." Tumigil ako sa pagkekwento at inalala ang nakaraan.
YOU ARE READING
He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13)
RomanceSi Angelina Ramos oh mas kilalang Egeng sa kanilang mahirap na lugar ay isang typical na tomboy, 26 years old, at may nakakabatang kapatid na lalaki na si Ariel sampong taong gulang. Ngunit mula ng ipanganak si Ariel ay may sakit na itong leukemia n...