Chapter 8

673 9 5
                                    

Pagkaalis ko sa bahay ng gunggung na lalaking yun ay diretso agad ako ng hospital para bisitahin ang kapatid ko.

"Mam Cristina kamusta po ang kapatid ko?" Tanong ko sa nurse na nagcheck sa kanya. Si nurse Cristina.

"Umo-okay na ang lagay ng kapatid mo dahil sa mga vitamins at gamot na tinuturok namin sa kanya. Hanggang ngayon naghahanap parin kami ng donor. Pero huwag ka mag alala Egeng, makakahanap rin tayo ng donor" sabi ni nurse at ngumiti.

Para naman akong matutunaw sa mga ngiti niya. Napakaganda talaga niya. Pasimple naman akong kinikilig dahil nakita ko muli ang babaeng hinahangaan ko.

Maya maya ay lumabas na si nurse Cristina at may titingnan pa daw siyang ibang pasyente.

Hinaplos ko ang buhok ni Yiel at napangiti ako. Kahit papano ay nawala na ang pamumutla niya.

"Yiel magpagaling ka ha. Gagawin lahat ni ate para gumaling ka. At tsaka papakilala ko sayo ang babaeng balak ko ng ligawan pag okay na ang lagay mo" sabi ko at parang ewan na kinikilig.

Maya maya ay narinig kong tumunog ang de keypad na cellphone ko.

Napakunot noo ako dahil hindi naka save na number ang tumatawag.

Sinagot ko iyon ngunit hindi muna ako nagsalita.

"WHAT THE HELL ANA! I'VE BEEN TEXTING YOU A HUNDRED TIMES AND YOU'RE NOT ANSWERING! DAMN IT!"

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa sigaw ng bruskong boses sa kabilang linya.

"TANGINA MONG LALAKI KA ANONG PAKIALAM MO KUNG HINDI KO SINASAGOT ANG TEXT MO? BAKIT IMPORTANTE KABA?" sigaw ko pero tinakpan ko ang speaker para hindi niya marinig.

Pagkatapos ko ring sumigaw ay kinalma ko ang sarili at muling tinutok ang cellphone sa tenga ko.

"Ana? Are you there?"

"O-opo. Pasensya na kayo kung di ko nasagot agad." Sabi ko habang nakayukom ang kamao ko.

"Just read my text. Now" sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero binaba niya na ang tawag.

Aba't!

Binasa ko nga ang text ng hayop na yun.

"Tangna bat andami niya namang text"

Binasa ko lahat ng message niya at isa sa nagpakuha ng atensyon ko ay ang sinabi niyang..

"I want you to live with me. If you complain, read again the contract you signed. I'll see you tomorrow, my Ana"

Nanlaki ang mata ko. Hayop na to ano yun gusto niya live in kami sa dalawang buwan?

Agad kong hinanap sa luma kong bag ang kontrata na pinirmahan ko.

Binasa ko sa pinaka baba ang sulat.

"Tangna!"

Napahilot ako sa sintido ko. Walanghiyang lalaki na yun. Hindi pa siya nakontentong babuyin ako, gusto niya pa araw arawin?

Napabuntong hininga ako dahil labag na labag sa loob ko ang lahat ng to.

Napatingin ako sa kapatid ko. Bumubuti na ang lagay ni Yiel. Kung hindi ako papayag ay matatapos agad ang kontrata at hindi maooperahan ang kapatid ko.

Muling tumulo ang luha sa mata ko at hinawakan ang kamay ni Yiel. Para akong tinakasan ng lakas at hindi ko alam ang gagawin ko.




-----------


Author's POV



Kanina pa tingin ng tingin si Lucas sa cellphone niya.

"The heck! Why she's not texting me?" Inis niyang sabi sa isipan.

He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13) Where stories live. Discover now