Chapter 7

442 8 0
                                    

Author's POV

Tatlumpong minutong naging isa ang katawan ni Lucas at Egeng sa kotse. Sabik na sabik si Lucas na animoy iyon ang kauna unahang pakikipag siping sa buong buhay niya.

Samantalang si Egeng ay pagod na pagod na at ang sakit sakit na ng buong katawan.

Nang mapansin ni Lucas na hindi na umuungol ang babae ay tumigil siya at ng tingnan niya ito ay nakatulog na pala ito.

"Ana?" Malambing niyang sabi sa babae.

Masuyo niyang hinawakan ang pisngi nito ngunit mahimbing na itong nakatulog.

Napansin niya ring may mununting luha sa mga mata nito.

Napakagat siya sa labi niya. Alam niyang labag sa loob ng lesbianang ito na makipagsiping sa kanya. Alam niya ring pera lang ang dahilan kung bakit pumapayag itong makipagtalik sa kanya.

Napabuntong hininga siya at inayos ang pagkakahiga ng babae upang maayos itong makatulog at nilagyan niya ng kumot attuluyan ng pinaandar ang kotse ng wala siyang ni anumang damit.

Napagdesisyunan niya ng umuwi sa rest house na nabili niya. Agad agad na siyang pumasok at kahit hubot hubad siya ay wala namang makakakita dahil mataas ang gate ng bahay.

Dali dali niyang binuhat ang babae na hindi parin magising gising. Pasimple siyang napangiti dahil mukhang napagod niya ito ng sobra.

Binuksan niya na ang kwarto at aircon. Maingat niya itong inihiga sa kama.

Napamura siya sa isipan at muling mag init ang katawan ng napatihaya itong nakahiga. Kitang kita niya ang buong katawan ng babae.

Pinagpawisan siya kahit na bukas naman ang aircon.

"Let her rest Lucas!" Pagkausap niya sa sarili.

Kumuha siya ng beer sa mini ref niya at agad iyong ininom.

Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil pag dating sa lesbianang ito ay nagiging halimaw siya sa kama at iyon ang hindi niya malaman kung bakit siya nagkakaganon.

Pagkatapos uminom ng beer ay humiga siya at tumabi sa babae.

Pinagmasdan niya ang buong mukha nito at masuyo iyong hinaplos.Hindi ito maganda katulad ng mga babaeng nakasiping niya ngunit hindi rin ito pangit. Napakasakto lang ng mukha nito. Makapal ang kilay, may katangusan ang ilong, at manipis na labi at maliit na mukha. Ewan niya ba pero sa lahat.. iyong mukha ng babae ang gustong gusto niyang makita.

Muli siyang napangiti sa sarili dahil kakakilala lang niya rito ngunit ang gaan gaan ng loob niya sa lesbianang ito na animo'y ilang taon na silang magkakilala. Maging siya ay naiinis na natatawa sa sarili dahil para na siyang baliw sa babaeng ito dahil gustong gusto niya itong makita palagi at makasama.

"You're a fcking crazy Lucas!" Sabi niya at hinaplos ang maikling buhok ng babae.

"You... you're the only one who did this to me"

Muling bumalik sa isip niya lahat ng mga ginawa niya noon. Lahat ng babae ay lumalapit at madali niyang nakukuha. Magaganda ang mga ito, may artista, model, mayayaman, ngunit ni isa sa mga iyon ay walang nakakuha ng atensyom niya. Dahil naiisip niyang lahat ng babaeng yon ay gusto lamang ang katawan niya at dahil sikat at mayaman siya.

Hindi alam ni Lucas kung anong nararamdaman niya sa lesbianang ito. Basta ang alam niya lang ay komportable siyang nakikita at nakakasama ito kahit na kakakilala lang nila.

Nakontento na lamang muna si Lucas na pagmasdan ang babae ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Ng tingnan niya ay ang step brother niyang si Ronan.

He's Obsessed with a Tomboy (Rated R-13) Where stories live. Discover now