Chapter 4

24 11 62
                                        



"Bakit ngayon ka lang?"

Pambungad ni tatay pagkalapat na pagkalapat ko pa lang ng aking paa sa harapan ng pintuan ng aming bahay. Muntik na akong mapaiktad sa sobrang kaba.

"T-tay... Natagalan po kasi kami nina Lena sa paggawa ng group project namin."

"Siguraduhin mo lang Louvelle. Kapag nalaman kong nag bubulakbol ka. Humanda ka sa akin."

"Opo tay."

Halos pigilin ko ang aking paghinga hanggang sa makaalis si tatay sa aking harapan. Namawis nang malamig ang aking mga palad. Pagpasok ni tatay sa loob ng kwarto ay nag madali akong pumasok sa aking silid. Napabuga ako ng hangin matapos kong isara ang pinto. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso na animoy hinahabol ng isang daang kabayo.

Naupo ako sa aking kama upang maikalma ang aking sarili, mas na pagod pa ata ako sa interogasyon ni tatay kaysa na mga ginawa namin ni Lucio sa buong araw. Bahagya akong napahiga sa aking kama, dinama ang lambot nito, hinanap ng aking mata ang oras sa loob ng aking kwarto.

"7:00pm na pala. Ginabi na ako."

Sinapo nang dalawa kong kamay ang aking mukha, na giguilty kasi ako. At ilang beses na akong nag sisinungalin kina nanay at tatay. Hanggang kailan ko pa kaya matatago ang relasyon namin ni Lucio? Kapag na huli ako siguradong patitigilin ako ni tatay sa pag-aaral.

Tunog ng cellphone ang pumukaw sa aking lumilipad na  utak. Mabilis akong bumangon at kinuha iyon sa loob ng aking bag.
Limang text mula kay Lucio at isa kay Lena ang  aking na tanggap. Inuna kong bukas ang text galing ky Lucio.

From Lucio:
Baby?

From Lucio:
Nakauwi kana?

From Lucio:
Hey! Please text back im worried.

From Lucio:
Louvelle.  Baby. Are you alright?

From Lucio:
I Miss you already.  Baby🙁

Napangiti ako ng mabasa ang sunod sunod na text ni Lucio. Kung pwede lang akong mag titili sa kilig, ginawa ko na. Pero syempre ayoko naman mahuli ako ni nanay at tatay na parang baliw na nagsasaya dito sa loob ng kwarto.
Mabilis akong nagtipa ng reply sa mga text ni Lucio.

To Lucio:
Hmmp para namang hindi tayo magkasama kanina eh kakahatid mo lang sa akin. Naka uwi kana ?

Tumunog ang celphone ko tatlong minuto makalipas ang pag rereply ko sa kanya. Halatang walang ginagawa. Halatang nag aabang sa bawat reply ko.

From Lucio:

God. Im so worried bakit ngayon ka lang nag reply baby? Im home. Nakahiga na ako sa kama. Wish you were here.

To Lucio:

Pasensya na pinagalitan pa kasi ako ni tatay ginabi na kasi ako. Ikaw kasi! Im glad naka uwi ka nang maayos.

From Lucio:

Im sorry baby. Kung pwede lang kitang ipagpaalam sa kanila.

To Lucio:

Basta konting time nalang pagkagraduate. Promise. Wag na malungkot ang Baby ko.

From Lucio:

I want to hug you.

To Lucio:

Kapag nagkita tayo hug kita mga 10x.

To Lucio:

Looking forward on that.
Take your rest Baby. Maaga ka pa bukas. I love you.

From Lucio:

I love you goodnight. Pahinga ka na din.

Love over Lies (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon