Chapter 3. New Friend

67 2 0
                                    


Marco's POV

Pagkatapos namin maglasing umuwi nako ng bahay para makapagpahinga. Pagkabukas ko palang ng pinto mukha agad ng nanay ko ang sumalubong.

"SAAN KA NANGGALING HA MARCO!!? GINAGASTOS MO LANG PERA MO SA WALANG KWENTANG BAGAY!! BAKIT HINDI MO NALANG GAYAHIN ANG ATE MO HA!!? YUNG MASIPAG MAG ARAL!!" napabuga nalang ako ng hangin at pumasok.

"Nay pagod po ako" dinaanan ko lang sya at tuloy tuloy lang na pumasok ng kwarto, nilock ko muna at bumagsak akong humiga sa kama.

"Hayy...nagsinungaling ako kay ki, hindi ko sinabi ang totoo kung bakit ayaw kong mag aral"

i'm sorry best- *hik*

hindi ko na kayang labanan ang antok kaya pumikit nalang ako.


Ki POV

Pagkahiwalay namin ni Bf marco kanina, bumalik muna ako sa school at tumungo sa library para magbasa. Lumingon lingon ako sa paligid, pwede naman siguro magbasa dito kahit walang I.D, kumuha na ako ng libro at umupo sa sulok. Nahiligan ko talaga ang pagbabasa hindi dahil sa bored ako, kundi dahil narin sa kagustuhan kong matuto. Pinagtitinginan lang ako ng mga studyante, siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito at isang hamak na tagalinis lang ako.

Sila (,>>) ako (-//-)

Nahiya na ako sa tingin nila kaya binalik ko nalang yung libro at nagmadaling lumabas. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko pero parang ang sakit sa pakiramdam. Parang naiiyak na ewan, yumuko nalang ako habang tumatakbo ng biglang-

*tuggs*

"Ano ba!! Hindi kaba tumitingin sa dinaraanan mo ha?"

Napayuko ako lalo ng sigawan ako ng isang studyante. Napapikit ako ng bigla nya akong tinulak kaya natumba ako sa sahig.

"Stupid!! Pulutin mo yan!! At pakibilis pwede ba!!" Nginudngod nya ang mukha ko sa sahig kaya feel ko naiiyak nako.

"So-sorry po, hindi ko sinasadya pasensya na po" pinulot ko at inayos ko agad ang mga nagkalat nyang gamit tsaka inabot sa kanya. Pero bigla nyang hinampas ng malakas yung kamay ko kaya tumilapon ulit yung mga gamit nya. She rolled her eyes at tinaasan ako ng kilay.

"Stupid! Get my things away from me! Napakarami na ng virus ang kumalat dyan!" Pupulutin ko pa sana ulit ng magulat ako sa sumigaw.

"NICHOLE VALENCIA!! Tumigil ka na nga! Porke't kayo may ari ng school nato pwede mo ng gawin ang gusto mo" she rolled her eyes again at tinuro ako.

"She ruined my day excuse me??" Depensa nya sa sarili kaya tumayo na ako at yumuko sa harap nung proffessor.

"Sorry po maam ako po may kasalanan, bi-binangga ko po sya"

Sabi ko na nakayuko parin.

"Shut up! You stupid girl! Isa kalang hamak na tagalinis dito!"

Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya ang hindi umiyak. Tama nga sya isa lang akong hamak na tagalinis. Tumakbo ako sa may gym alam ko wala ng tao doon. Umupo ako sa may hagdan at niyakap ang mga tuhod ko tsaka ako umiyak.

"Miss are you ok?" Napaangat ako ng ulo at pinunasan agad ang luha ko. Umupo sya sa tabi ko at tinap ako sa likod. Ang ganda nya, kahit nakasalamin pa sya.

"Ok lang ako" ngumiti ako ng pilit.

"Ano pala pangalan mo?" tanong ko dahil hindi ako aware na may mabait palang studyante ang nag eexsist dito sa school. Nakita kong pinasok nya muna ang librong hawak sa bag at nakipagshake hands saken.

"Ako nga pala si Key Sea Torn... Ikaw?"

"Ako nga pala si Ki Ty Chua hehe" nagulat ako ng bigla syang pumalakpak ng isang beses at tumingin saken na parang isa akong bituin.

"WOW! May kaparehas na pala akong weird name mwahahaha"

Eh? Napakamot nalang ako ng ulo akala ko pa naman ang hinhin nya LOL xD

"Ba-Bakit??"

Huminto sya at sumimangot ng tignan ko lang sya ng parang tinubuan ng tatlong ulo.

"Wala naisip ko lang na same nga tayo ng name na napaka weird pffft" ngumiti sya ulit at niyakap ako.

"Saan pala galing ng magulang mo ang name na yan? Mukhang kakaiba nga?" Tanong nya saken na nakataas ang kilay.

"Huh? Eh sabi ni mama sa kiti kiti daw" sabi ko sabay iwas ng tingin. Tumahimik sya ng ilang minuto at kita kong namumula na sya.

"Bwahahaha kaya pala ki ty kasi kiti kiti hahahaha" tawa nya na nakahawak pa sa tyan.

"Eh? Ikaw buh?"

Bored kong sabi tss tinawanan yung pangalan ko. Tumigil sya sa pagtawa.

"Ako? Sabi ni mama sa tabing dagat daw ako pinanganak kaya 'Sea' tapos naging susi ako ng pagmamahalan nila kaya 'Key' ahm yun sabi nya kaya key sea"

"Ou nga nuh? Ang lalim huh! At weird nga!" Tumaas ang kilay nya at tumawa nanaman

"Mas weird yung sayo kiti kiti?? Hahahaha" napangiti nalang ako , buti pa sya napakasiyahing tao.

-

"Hindi kapa uuwi?" sabi nya sabay tayo.

"Uuwi na" sabi ko at tumayo narin.

"Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Tanong nya ng nasa corridor na kami naglalakad.

"A-ano kase may problema lang ako hehe" i faked smile

"Sus! Kahit hindi mo sabihin alam ko may nangyari sayo kanina..pero atleast napatawa kita"

"Ou nga e. Thanks by the way" ngumiti na ako ng totoo.

Ang saya pala magkaroon ng babaeng kaibigan. Naiintindihan nila ang nararamdaman mo. Tumigil na kami sa gate at nakipagkamay ulit sya.

"Nice to meet you ki ty" inabot ko iyon at nakipagshakehands din.

"Nice to meet you too Key Sea" tumalikod na kami sa isa't isa. Sana magkita ulit kami bukas.

"Wait ki ty" lumingon ako sa likod

"May ipaalala pala ako sayo! Mag ingat ka dito at wag mong babanggain ang impaktang babae dito Nichole Valencia ang name nya...uhmm wala sige pinaalala ko lang sayo bye bye" kumaway sya at tumalikod, ganun din ginawa ko.

"Salamat sayo dahil kahit sandali nawala ang lungkot ko" bulong ko sa sarili ,

lakad hinto lakad hinto ako ng maalala ko sinabi nya kanina.

Nichole Valencia

"Teka? Parang narinig ko yun kanina ah?" Nagkibit balikat lang ako at nakangiting nagpatuloy sa paglalakad.

To be continued...

"One Wish" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon