Chapter 4. Ma nasaan kana?

59 1 0
                                    


Ki POV

"Hayy nakauwi rin sa wakas" pagkapasok ko palang ng bahay sinalubong na agad ako ng step mother ko.

"Saan ka galing?" Aba't tinaasan pa ako ng kilay.

"Wala kang pake! Kung saan ako galing" pambabara ko at nilagpasan sya sa pintuan.

"Aba't ang bastos mong bata ka!" Nagulat ako ng hinila nya ang buhok ko kaya napabalik ako sa kanya.

"Bitawan mo nga ako! Wala kang KARAPATAN na pagsabihan at saktan ako hindi kita nanay-"

Pak!

"Kinakausap kita ng matino kanina! Sabi ko saan ka galing, bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

Tss ang ayoko sa lahat pinapakealaman ako. At paki nya ba kung saan ako galing?? Wala naman silang pakialam saken pati pagpunta ko kung saan kailangan nila malaman?? What the hell!

Huminto na sya at parang nakonsensya sa pagsabunot saken. Tss ang plastik sarap sunugin. Inirapan ko sya at nagkuyom ng kamao.

"Malamang nagtrabaho! Diba ito gusto mo?? Hindi ba??" Sigaw ko ulit kaya nakatikim nanaman ako ng sampal.

"Wala kang karapatan sigaw sigawan ako ! Ako na ang bago mong nanay hindi mo ba tanggap yun? Ako na ang mahal ng tatay mo! Kaya sumunod ka sa utos ko! Maliwanag ba?"

Hindi ko sya pinansin dahil nakahawak lang ako sa pisngi kong namamanhid sa lakas ng sampal. Tumalikod na ako at papasok na ng kwarto ng may biglang sumigaw.

"NAPAKA IRESPONSABLE MONG BATA KA! Nag aalala lang ang tita mo sayo nakuha mo pa syang sagutin?" O_O si papa.

"Pa pagod po ako, kaya gusto ko ng magpahinga wala ako sa mood" pinihit ko na ang doorknob at nagmadaling pumasok at nilock.

Napaupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod. Eto nanaman ako at naiiyak, kailan ba mauubos ang luha ko? Humagulhol na ako ng iyak dahil kay papa. Nagbago na sya simula ng iwan kami ni mama. Pinunasan ko na ang luha at sipon ko at tumayo para makahiga. Napatitig ako saglit sa kisame ng may maalala ako.


**Flashback**

"Anak dalawang taon nalang gagraduate kana tapos mag kokolehiyo kana. Tapos naku dalaga kana nun nak!!" Sabi ni mama habang nagrereview ako sa sala at sya naman nagluluto ng hapunan namin.

"Ou nga nak! Magsisikap pala ako ng husto sa trabaho nyan. Kase magkokoleheyo kana sa susunod na dalawang taon" pag sang ayon naman ni papa habang nanunuod ng NBA basketball.

"Grabe naman kayo Pa! Ma! 2 years pa ang daraan bago ako magkoleheyo! Mas excited pa kayo saken" ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Iniisip lang namin ang future mo nak!" Natatawang sabi nilang sabay at nagkatinginan. Nakisabay narin ako sa tawanan nila.

**end of flasback**

Bumuga ako ng hangin at pumikit sabay may tumulong luha sa mga mata ko.

Marco POV

Aiiishh bakit hindi ako makatulog? Kanina lang nakatulog nako e pero bigla akong nagising.

Hindi kaya nakokonsensya ako sa pagsinungaling kay Ki? Nangako kasi kami sa isa't isa na walang magsisinungaling. Pero ginawa ko parin. Napasabunot ako sa sarili, aissshhh para akong sira na palakad lakad.

Tapos hihiga - tatayo - lalakad ulit. _ shet nababaliw na ata ako.

Napatalon ako sa gulat ng may kumatok.

"Marco? Ayos ka lang? May kausap kaba dyan? Anong oras na oh! Magpatulog ka naman!" Sigaw na pabulong ni ate.

"A-ate mary.. Nagpapraktis lang ako hehe" (>\\<)

"Huh? Ng ano? Para sa school? Hindi ka naman nag aaral diba? ... Uwaaah don't tell me ginagawa mo yung ano alam mo kung ano yun"

huh? O_o

"Ate ok ka lang?" Tanong ko ng tumahimik sya.

"HOY MARCO! Kung ano man yang pinapraktis mo dyan mag isa ng ano yung ano basta! MATULOG KANA!" Woooh O_O kumalabog bigla sa kabilang kwarto.

*sigh*

~12:30 a.m

'Mahal kita pero di mo lang alam~
Mahal kita kahit di mo lang ako tinitig-'

Aiisshh sino bang distorbo nato.

"OH BAKIT??"

[Hello marco? Nadistorbo kaba? So-sorry pero hindi kasi ako makatulog best huhu]

Napadilat ako ng mata at tinignan yung caller si Ki.

"Hindi naman bf.. Bakit kanga pala napatawag?"

To be continued....

&quot;One Wish&quot; (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon