Chapter 15. I Love You Goodbye

41 0 0
                                    


Marco's POV.

      "Kyaaa... Ang cute naman ng mga toy's" napailing ako dahil kanina pa sya natutuwa sa mga nakikita nya.

"Pag nakuha ko yan ng isang beses ikaw naman ang manlilibre pero pagnakuha mo yan sayo na at ako na ang manlilibre" sabi ko at nakipaghamon doon sa alam nyo yun? Nandito kasi kame sa Tom's World tapos pagnaghulog ka ng token para masungkit mo yung laruan? Ahh.. Basta yun na yun!

"Sige ba! Deal" mayabang nyang sabi at tinaas ang longsleeve nya. Pinalayo nya pa talaga ako ng konti at nagsimula na syang humulog.

Ibinaba nya na yung pangsungkit at sumabit yun sa tag nung laruan. Nanlaki mata ko ng nakuha nya pa talaga yung pinakamalaking hello kitty. Nakipag apir sya saken at agad na niyakap yung nakuha nya. Napailing ulit ako dahil mukha syang bata pero natutuwa parin ako dahil napapasaya ko sya.

"Paano ba yan? Nakuha ko ng isang beses kaya ikaw ang manlilibre ha ha ha ha" inakbayan ko nalang sya at nagsimulang maglibot. Hinila nya ako sa nadaanan naming Toy Kingdom. Haisst!! Pasensya napo kayo isip bata yung kasama ko.

Nakapoker face lang ako habang hila hila nya akong naglilibot sa mga laruan ng pambata, pati mga manika nilalaro nya.

"Bilis marco isuot mo hahaha" wala akong nagawa kundi isuot yung mask ni spider man tsaka nya ako pinicturan.

"Hahaha etong wig isuot mo" kinurot ko nalang pisngi nya para mailayo nya saken yun. Pinagtritripan talaga ako nito.

"Tsk! Kill joy!" Hala nagtampo na ata? Una syang naglakad at naghanap ulit ng mapaglalaruan. Tahimik lang akong nakasunod habang nakapamulsa. Naabutan ko syang nakatitig doon sa maliliit na figurine na pusa. Yung unang box family sila habang kumakain, yung pangalawa naman parang nagkakasal, napahinto ako sa pangatlong box.

'Bestfriend is not forever because when the time comes up you realize you love each other so that's the start of forever' 

Tinakpan ko yung mata nya kaya napalingon sya sakin.

"Bakit?"

"Doon na tayo sa kabila may gusto akong bilhin" sabi ko at inilayo doon sa figurine na nagkahawak ng kamay.

Nakakita ako ng cute na hello kitty kaya hinablot ko at tinignan. Pffft parang si kitty lang, favorite nya kasi ang character na ito, lumapit na kami sa counter at binayaran. 

"Marco para kanino yan?" Tanong nya ng makalabas na kami.

"Huh? Eto? Hmm ibibigay ko sa taong special at at... M-mahal ko"

Nagpout sya bigla

"Akala ko saken"

"Meron kana kaya"

Tinignan nya lang yung nakuha nya sa tom's world.

"Pero mas cute yan e, ang swerte naman nya" pffft nagpaparinig ba sya?

"One Wish" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon