Chapter 12.2 Confess

26 0 0
                                    

KiTy's POV

     "Kye anong nangyari kay marco?" Napatayo ako sa upuan dito sa lobby ng hospital at mahigpit syang niyakap.

"A-ate sorry" humagulhol pa ako ng iyak dahil hindi ko alam ang gagawin pag may nangyaring masama kay marco. Naramdaman kong hinahagod nya yung likod ko.

"Sssshhh . . wag ka ng umiyak ok? Kilala ko yang si marco! Malakas kaya yun" humiwalay ako sa yakap at pinunasan yung luha ko.

Napatingin kaming sabay ng bumukas yung pinto ng ER.

"Doc ok naba yung kapatid ko?"

"Sa ngayon stable na yung lagay nya pero hindi pa namin alam ang result" sabi nung doctor at iniwan na kami. Nakita naming nililipat na sa ibang kwarto si marco kaya sinundan namin sya.

Maayos ng nakahiga si marco kaya lumapit na ako at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko yung right hand nya ng mahigpit.

"Bestfriend naman oh? Bakit ka natutulog dyan? Hehe (^_^) basta tandaan mo nandito lang ako sa tabi mo ok?" Nakangiti ko ng sabi, buti naman at ok na sya. Talagang kinabahan ako kanina, hiniga ko yung ulo ko sa kama nya at hinihintay syang magising . . hanggang sa bumibigat na yung talukap ng mata ko.  .

zzzZZZZZZZ..... (-o-)

After two hours . . .

     Naramdaman kong may gumugulo ng buhok ko. Kahit antok na antok pa ako ay tinignan ko. Nakangiti sya saken pero bumagsak ulit yung ulo ko sa antok.

Naramdaman ko ulit na may humalik sa pisngi ko kaya napadilat ako ng di oras sabay kusot sa mata.  Nanlaki mata ko ng gising nanga pala talaga sya.

"M-marco?"

Ngumiti sya at pinisil yung pisngi ko,

"Uwaaahhh... Bff marco kala ko iiwan mo na ako huhu" nakapout kong sabi, wala pacute lang haha.

Tumayo ako at niyakap sya ng sobrang higpit. Akala ko talaga iiwan na nya ako.

"H-hoy! H-hindi ako makahinga. . "

Humiwalay ako sa yakap at worried syang tinignan.

"Saan masakit? Dito ba?" Tanong ko sabay tingin sa kamay nya

"Or dito?" Sabay tingin ko naman sa ulo nya.

Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at tinapat sa puso nya.

"Dito. . dito ang masakit! Naririnig mo ba?"

Dug dug dug dug ♥ ♥

"Ang bilis naman ng puso mo bf!"

sagot ko pero binitawan na nya yung kamay ko.

"Tsk! Nevermind. . alam mo bang takot na takot ako kanina? Tapos nabalitaan ko pang sinaktan ka ng papa mo! Aiiishhh sorry hindi kita napagtanggol sa papa mo"

"One Wish" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon