Chapter 1. First day of school 'NILA'

227 4 1
                                    


[AN: This Story is full of drama sana maintindihan nyo kahit papaano dahil habang sinusulat ko ito nagbase ako sa totoong buhay hindi sa imagination lang]


"Haaayyy....nandito narin ako sa wakas!!" nakangiti akong nakapikit habang nasa harap ako ng napakagandang skwelahan, eto na ang pangarap ko matutupad na mehehehehe...\(^_^)/

**Imagination**

"Uy..sabay na tayo friend first time ko kasing mag college dito," inakbayan ko si BFF marco habang nakangiti.

"Anong room ka ngayon?" tanong nya.

"Sa room 202 tara sabay na tayo?" tumango lang ako at naglakad na kami papasok ng napakagandang school.

**End of imagination**

Natauhan ako bigla ng may bumatok sa likod ko.

"Hoy! Miss Day Dreamer! ano pa tinutunganga mo dyan ha?" nilingon ko naman kung sino at nakita ko si BF 'Bestfriend'

"Wa-wala lang may iniisip lang ako na imposible mangyari!"

*pout*

"Tsk! tara na nga! malelate pa tayong pumasok baka mabawasan pa ang sweldo natin ang liit na nga lang mababawasan pa!" Ngumiti sya tapos nag akbayan kami.

Ako nga pala si Ki Ty Chua mwahaha xD parang kiti kiti daw kasi ako sabi ni mama ko nung baby pa ako, kaya Ki Ty pinangalan sa akin >_< astig ba? Pero mas astig naman ako sa pangalan ko, kasi napakaboyish ko lahat nalang ng kaibigan ko puro boys, pero ahem! wala akong balak sa mga unggoy kong kaibigan. Pumasok muna ako sa CR para mag salamin este! maglinis ng napakabaho at napakaduming lugar sa buong MUNDO! ang banyo.

"Ki sa lalaki ako ikaw sa babae ha?" sinilip ko muna sya sa labas.

"Ou naman syempre! anong gusto mo? palit tayo? ikaw sa babae ako sa lalaki?" sumilip din sya sa kabilang banyo.

"Hoy! ano kala mo sakin mamboboso? Tsk! baka ikaw may balak! Halaka? namamanyak na pala yung bf ko," napalakas ako ng tawa

"Mwahahaha xD ulol! joke lang yun noh! ikaw naman napakaseryoso.bwahahaha" kumunot lang ang noo nya at pumasok nako para maglinis.

"Urgh! ang baho naman dito! yung iba talagang babae napakadugyot! tsk!".

Natapos nadin kaming maglinis sa banyo sa labas at sunod naman target linisin ang Gym.

"Hoy! bf marco napakaseryoso mo naman! Ngiti naman dyan!" Umiwas lang sya ng tingin kaya ito nalang alas ko para mapatawa sya.

"Chik chik chik" nakita kong kumunot ang noo nya at tinignan ako ng 'What the heck are you doin?' Nagpatuloy parin ako sa pag chicken dance hanggang sa—

"Pfffftt Hahahahaha grabe di ko na kaya" napangiti ako ng nagtagumpay ako sa pagpapatawa sa kanya. Hindi na sya huminto sa kakatawa kaya pinagtitinginan tuloy kame.

"Pssst tumahimik kana pinagtitinginan na tayo oh?" Suway ko sabay takip sa bibig nya.

"Yuck! Galing ka sa banyo tapos pinantakip mo sa bunganga ko!"

Natawa ako sa reaction nya mukha kasi syang bakla na nahuli  ng tatay. Tinuro ko nalang yung mga nakatingin samen kaya tumahimik na sya.

"Pfft ikaw naman kasi mukha kang tanga kanina" kahit naman mapahiya ako basta mapatawa ko lang ang mga taong malapit saken ayos lang, ayoko kasing nakakakita ng nakasimangot! Nakakairita kasi tignan!

"Tara na nga't maglinis!" Niyaya ko na sya para magsimula na kaming maglinis, habang naglalakad kami sa corridor parang biglang huminto ang mundo ko ng makita ang isang napakagwapong lalaki.

"Kyaaa kurt papicture naman please?" Isang napakagwapong lalaki ang papalapit saken este dumaan pala. Hindi naman pinansin nung lalaki yung mga babae at derederetso lang sya sa paglakad hanggang madaanan nya ako. Napanganga nalang ako ng makita ko syang tumingin saken tapos derederetso ng naglakad.

**imagination**

     "Hey babe...kamusta ang first day of school?" Inakbayan naman nya ako at nagsmile sa kanya.

"Uhm o-okey lang masaya nga eh, pero mas masaya kung kasama kita" tapos pinisil nya pisngi ko.

Nakaramdam ako ng sakit at—

**end of imagination**

     Napahawak ako sa pisngi kong napakasakit.

  "Ano ba masakit kaya yun babe!"

Nanlaki mata ko ng makita ang pagmumukha ni marco na sobrang lapit. Agad akong napaiwas ng tingin at namula ata ako sa hiya.

"Babe?? Sinong babe? Bwahahaha ayan nanaman si Ms. Day Dreamer uh! Pinapangarap mo bang maging babe kita?? Wuuy in your dreams! At pakipunas naman ang laway mo tumutulo yan kanina! Eww ka!"

Napabuga nalang ako ng hangin sa dami nyang sinabi wala akong naintindihan.

"Babe pa more" paguulit nya kaya hinabol ko sya para masakal.

"Hoy mga Janitor at Janitress ! Nakukuha nyo pang maglaro samantalang ang dami nyong lilinisan?! Di na kayo nahiya!"

Napahinto kami ng biglang nagsisigaw yung panot na professor.

"Pumunta kayo dito para maglinis! Hindi para maglaro!" Napayuko nalang kami dahil sa kahihiyan.

"So-sorry po sir! Pasensya na di na po mauulit" sabay naming sabi at napatingin sa isa't isa. Pagkaalis nung panot na teacher napatawa nalang kami ng mahina.

&quot;One Wish&quot; (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon