Chapter 5. Miss Day Dreamer

71 3 0
                                    


Marco's POV

5:00 a.m

     Maaga akong gumising para pumasok sa isa ko pang trabaho bilang magpapandesal. Ou eto ang extra job na ginagawa ko tuwing madaling araw.

"Pandesal sa umaga! Bili napo kayo yohoo" sigaw ko habang bitbit ang isang karton ng pandesal.

"Iho pabili nga ako nyan" lumapit ako kay lola yung kapitbahay namin.

"Magkano po?"

"Mga bente pesos" sabi nya sabay abot ng pera, kumuha ako ng sampung piraso dahil tag dos ang isa.

"Ang gwapo mo namang magpapandesal iho, ang sipag mo naman" nakangiti nyang sabi kaya napakamot nalang ako sa batok.

"Ahehe salamat po" nagpaalam na ako at nagtinda.

~~~

Natapos din ako sa pagtitinda kaya umuwi nako para maligo. Papasok naman ako sa isa pang trabaho kung saan kami magkasama ni Ki. Napabuntong hininga ako ng maalala ko kung ano nangyare kay Ki kagabe.

"Bakit ka nga pala napatawag?"

[Pasensya na bf ha? Gusto ko lang kasi ng makakausap ngayon]

"Naku! Ano kaba naman ayus lang yun nuh! Parang hindi naman tayo mag best friend" tumahimik sa kabilang linya pero ilang sandali lang narinig ko syang humikbi.

"Teka? Umiiyak kaba? Ano bang nangyare?"

[Kanina kasi sinaktan nanaman ako ng bruha kong step mother,,tapos si pa-papa pinagalitan din ako..buti pa yung step sister ko malayang nagagawa ang gusto nya, nakakapag aral pa sya sa magandang school..pero ako nagtatrabaho para sa kanila] putol putol nyang sabi sa gitna ng paghikbi.

"......."

[Bf?? Nandyan ka paba?]

"Bukas na natin usapan yan bf ha? Magkita nalang tayo sa school ng maaga para makapag usap..sige tahan na wag ka na umiyak ok? Pati tuloy ako naiiyak na tch! Magpahinga kana dyan!

Bye i love you...." Mahina kong sabi sa dulo.

[Huh??]

"Este! I love you as my bestfriend"

[Ah ganun ba...sige bf I love you too bukas kitakits...mwahhh hehe]

Totoot***

     Napabuga ako ng hangin..ano ba yung pinagsasabi ko sa kanya nun? Haist!! Ewan! Maaga akong dumating sa school dahil ayokong paghintayin si Ki. Pero nagkamali ako nakita ko na syang nakaupo sa may lobby, nag iisa at ayan nanaman yung sakit nya ang hilig mag day dream Pfffft...

"One Wish" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon