Chapter 8. Pain

32 0 0
                                    


    Ki  POV

Hindi ko alam kung saan ako patungo, hinayaan ko lang ang mga paa ko na maglakad kung saan ako mapadpad. Wala ako sa sarili ko, durog na durog ang puso ko sa nalaman.

"Nung araw na iniwan kayo ng mama mo nalaman nya kasi na may sakit syang nakakahawa, mahal na mahal kayo ng mama mo, lalo na ang papa mo mahal na mahal nya. . . kahit masakit para sa kanya na iwanan kayo ginawa nya parin dahil ayaw nyang pati kayo magsakripisyo. Ayaw nyang mahawa kayo sa sakit nya at mamatay tulad nya. Maraming pangarap sana ang mama mo sayo ki pero mukhang hindi na nya natupad. Nalaman ko ang lahat nung binisita ko sya sa ospital, sinabi nya lahat sakin. At ang binilin nya na wag na wag kong sasabihin sa inyo.. Mas mabuti ng kamuhian nyo sya kaysa mahawa sa sakit nya. Pero hindi ko matiis na hindi sabihin sa inyo pero mukhang huli na ako. Pumunta ako sa bahay nyo nun pero may iba na palang asawa ang papa mo. . . yun din ang panahon na pumanaw ang iyong ina" 

    
    

Nanginig ang buo kong katawan ng maalala ulit ang sinabi sakin ni tita. Napatakip ako sa mukha at humagulhol ng iyak. All this time galit ako sa kanya pero ngayon sobrang sakit! Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakealam sa kanila. Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng ulan sa mukha ko at nakita ko rin ang mga tao na nagtakbuhan para makasilong.  Pero ako nanatili paring nakaluhod sa daan. 

"Mama ang sama mo talaga!!"

"Bakit mo nagawa yun??"

     Nagsisigaw na ako sa sobrang kalungkutan.. Sobrang saket. . . Ang sakit talagang mawalan ng ina ng hindi mo man lang nasilayan ang huli nyang paghinga. Napatingin ako sa langit at napapikit dahil dinaramdam ko ang patak ng ulan sa mukha ko.

"Kiiii!!"

Narinig ko ang sigaw ni marco at patakbo syang papunta sa kinaroroonan ko. Napangiti ako hanggang sa mawalan ako ng ulirat.

Marco's POV

        Tumakbo ako papunta kay ki ng nakita ko sya sa gitna ng malakas na ulan. Nataranta ako ng mawalan sya ng malay kaya binuhat ko nalang sya. Tinitigan ko ang maamo nyang mukha. Mukhang umiyak sya ng umiyak. Hindi kaya may nalaman sya? Ano ba kasing ginagawa nya dito?

"Hahanapin ko lang si mama"

     Naalala ko na. . .

Dinala ko nalang sya sa bahay at agad akong sinalubong ni ate.

"Anong nangyare sa kanya?" Tanong agad ni ate at tinulungan akong alalayan si ki.

"Mamaya ko na sasabihin, ate pahiram muna ako ng damit mo"

"Yosh! Pero wag mo sabihin ikaw magbibihis sa kanya?"

Tinignan ako ni ate sabay tingin ulit kay ki.

"Pfffft gago! Gusto mo naman? Wag ka nga! Magbihis kana doon at ako na bahala sa kanya"

     Pumasok na ako ng kwarto at nagbihis. Kumatok ako sa kwarto ni ate at mukhang tapos narin nyang bihisan si ki.

"Dyan ka muna magtitimpla lang ako ng kape" paalam nya at lumabas. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni ki na natutulog. Hindi ko man alam kung ano nalaman nya pero sigurado akong sobrang sakit nito. Lumapit ako at hinalikan sya sa noo.

"Best. . . sleep well. . youre be safe here from now on, nandito parin ako na best friend mo . . proprotekta sayo habang ako'y nabubuhay"

Bulong ko sa kanya at napangiti.

Nag vibrate yung phone ko kaya sinagot ko agad ang tawag.

"Hello? Oh bakit?"

[Marco sabi ni papa alam mo daw kung saan si ki?]

Sasabihin ko ba?

"Ewan ko basta nasa—"

Napahinto ako ng makita ko ang Papa ni Ki.

"Alam kong nandyan ang anak ko"

"One Wish" (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon