Chapter 2 : operation 1.2

24 5 0
                                    

Nagising na lang ako sa dilim ng paligid ko. Siguro nakatulog agad ako kanina matapos 'yon. Pero nakakapagtaka lang bakit hindi bukas ang ilaw sa kwarto? Nasaan si bea at si papa? Parang antahimik ng bahay ehh

Pagkabuhay ko ng ilaw sa'king kwarto nag-suklay lang ako saglit ng buhok dahil nagulo ito kanina. Bababa na rin sana ako para tanungin sila. Ngunit hindi ko pa nabubuksan ang pinto sa aking kwarto ay naririnig ko na ang pagtakbo ng isang tao na kilala ko naman kung sino walang iba kundi si bea. S'ya lang naman kase dito sa bahay ang tumatakbo ng ganon ehh

"Kat?! Gising ka na ba?" Kumatok pa s'ya sa pintuan ko ng tatlong beses bago pumasok

"Ayon naman pala ehh. Sa wakas, gising ka na katt! Ang tagal-tagal mo matulog ha?!" pagre-reklamo n'ya

"Aba, kasalanan ko bang mahaba ang tulog ko ha?!"

"Hala s'ya, ayan na naman si miss sunget ohh!"

"Miss sunget mo mukha mo!"

"Hindi. Joke lang kat, pero ano bang balak mo?"

"Ha? Saan?" nagtataka ako kung ano na naman ang gusto ng babaitang ito, kung hindi ko lang kaibigan 'toh!

"Hayy na'ko! 'Yung sa subway kase." napa-sapo pa s'ya sa ulo n'ya at umiling-iling

"Ahh 'yon ba? Payag naman talaga ako ron si papa lang talaga..."

"No worries teh! Tara magpa-good shot ka muna kaya kay tito?"

"Ha? Para san?"

"Para payagan ka 'di ba?"

"Sigurado ka bang gagana 'yan?"

"Oo HAHAHAHAHA ito naman, walang tiwala sa'kin ehh."

"May tiwala naman kase ako sa'yo, sa ugali mo lang wala HAHAHAHA"

"Amaccana teh! Tara na umpisahan na natin ang operation 1.2"

"Operation... 1- ano?!"

"Operation 1.2 tih! Ang slow mo naman,"

"Baket kase ganan tawag mo? Jusko naman!" Aba, sinabihan pa'ko ng slow?!

"Kase 'yung operation 1.1 ko ay makilala mo si- ayy muntik na!" napa-takip pa s'ya ng labi, akala mo naman may big plan ehh.

"Ewan ko sa'yo! Tara na nga,"

                       ************

Aba! Mukhang maganda ang plano ni bea ahh? Sabi ko 'yan sa sarili ko dahil natutuwa si papa sa mga ginagawa namin. Ewan ko ba ang dali-dali lang naman kase ng mga ginagawa namin.

"Baket kaya ang sipag n'yong dalawa ngayon ha? Siguro may gusto kayo ano?"

"Hehehe si tito naman ehh..."

"Ano ba 'yon kat? Bea? Sabihin n'yo na ibibigay ko ang gusto basta huwag lang ang makakasama sa inyong dalawa lalo na sa iyo kat,"

"Uhmm... A-ano po k-kase, " nauutal talaga akong mag-salita pagdating kay papa, he's not that strict when it comes to me and my happiness, he's just protecting me at all cost.

"Tito gusto ko po sanang ipag-paalam sa iyo si kat." dire-diretso n'yang sabi

"Hmm sige. Saan ba?"

"A-ano po kase, don po sa subway, "

"Ohh anong gagawin ni kat sa subway? Teka, sa labas 'yon ng village 'di ba?"

"Opo..."

"Kakanta po sana si kat don. Pero tito huwag ka pong mag-alala kasama n'ya po ako hindi ko po 'yan iiwan don ng mag-isa. Promise tito wala pong mangyayareng masama sa kaniya."

Midnight sun (Midnight series #1) Where stories live. Discover now