Chapter 10 : party

3 2 0
                                    

Pagka-alis ni Papa ay sakto naman ang pagdating ni Bea. Suot na niya ang couple naming dress.

"Okay kana? Ano, tara na?" tanong niya

"Yep, let's go na."

Umalis na kami ng bahay at nag-paalam na din ako kay Papa. Hindi naman siya mukhang napipilitan lamang na payagan ako.

Siguro ay gumana na naman ang plano nitong si Bea. Ano kayang sinabi niya kay Papa?

"Anong pinag-usapan niyo ni Papa kanina?" puna ko habang naglalakad kami

"Wala naman, bakit?" diretsong saad niya

"Ang tagal niyo kasing magka-usap kanina, akala ko may kung ano na." muli kong paratang

"Wala, ipinaliwanag ko lang naman kay tito ang plano natin ngayon. Alam mo naman ‘yon, masyadong protective sa‘yo.."

"Ahh, okay. Sabi mo e,"

Hindi pa kami nakakalayo sa villa ng harangin kami at tawagin si Bea ng mga babae. Sino naman kaya ang nga ito?

Lumapit silang dalawa sa amin.

"Hii, gurls!" bati nung isa
"Uyyy, Bea!" bati naman nung isa pa

Naka-ayos silang dalawa. I admit, maganda sila pareho! Swerte naman ng magiging boyfriend nitong mga ‘to!

"Ayaw mo sumama sa amin, Bea?" tanong ng isang babae naka-ngiti ito sa amin.

"Masaya doon, marami ding tao. You can both join naman e," tumingin muna ‘yung isa akin bago tumingin kay bea.

"Pass muna, kami naman muna ng bff ko!"

"Isama mo na lang kaya siya? Para naman ‘tong hindi ka-kilala e," naka-ngiting alok nung babaeng matangkad

"Oo nga, ayaw niyo ba?" pagsusumamo naman nung isang babaeng katabi nung matangkad

"Saan ba?" tanong ni Bea habang naka-tingin sa akin

"Doon ohh," turo nung babaeng matangkad sa bahay na may malawak na bakuran, may second floor sila. Infairness, mukhang bongga

"Ahh, sige. Iwan niyo muna kami at mag-uusap muna kaming dalawa,"

"Okay, seeya there girlies!" sabi ni gurl na matangkad pagkatapos yapusin si Bea

Umalis na ‘yung dalawa at naiwan kaming dalawa ni Bea doon.

"Anong pag-uusapan natin?" pagbasag ko sa katahimikan

"Gusto mo ba sumama tayo sa kanila?"

"Ikaw, mukha naman silang matitino at mabait e."

"Seryoso?"

"Oo naman, kaibigan mo naman sila e."

"Seryoso, gusto mo ba? Gusto ko ‘yung ikaw mismo sasagot, hindi dahil sa akin ha?"

"Ito naman parang ano e, oo nga baliw."

"Sure ka? I know naman na you're not comfortable sa ibang bahay e,"

"Thankyou for saying that, pero g ako. Kasama naman kita at alam kong hindi mo ako pababayaan doon,"

"Oo naman, lagot ako kay tito kapag may nangyari sa‘yo!"

Nagtawanan kami pareho. Para kasing sira, ayaw pa maniwala sa akin! Akala mo naman talaga aawayin ko pa siya para doon.

"Tama na nga ang kakatawa, masakit na ang tiyan ko sa iyo e." saad ko habang hawak ang tiyan ko

"Hindi na ako makahinga," sagot niya habang nagpipigil ng tawa

Lumipas pa ang ilang minuto bago kami naka-usad sa pagtawa. Magkaibigan talaga kami, parehong may topak!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight sun (Midnight series #1) Where stories live. Discover now