Chapter : 4 normal day

13 4 0
                                    

(Kinabukasan)

Nakatulog yata ako kagabi habang masaya? Basta ang alam ko lang pag-mulat ko maliwanag na. Pero dahil siguro sa inaantok pa ako, hindi agad ako bumangon sa higaan ko.

May kumakatok sa pinto ko, sinabihan ko lamang ito ng "pasok" 'yan lang ang nasabi ko dahil sa sobrang antok.

"Good morning, my princess. How's your sleep? Musta kagabi? Did you have fun?!"

"Good morning din pa. I'm still sleepy, pa. It's okay pa, nothing to worry about last night and of course pa, I have so much fun!" syempre hindi ko masabi kay papa kung anong nangyare kagabi. Baka ma-issue pa'ko nito. Kung hindi n'yo lang naitatanong, medyo strict si papa tsaka you know wala naman akong pinakilala kay papa na lalake buong buhay ko. Baka magtaka pa si papa, kase isang gabi lang akong nakalabas may ipapakilala na agad akong lalake?! Khet sino naman yata magtataka ron!

"By the way, papasok na'ko sa trabaho ha? Late na pala ako makaka-uwi mamaya, huwag mo na akong hintayin. Matulog kana pag dating mo ha? May aasikasuhin lang akong kaso sa opisina. "

"No worries, pa. Pupunta naman po dito si bea ehh, "

"Sige, princess ko. Tulog ka muna ha? Nasa ref lang 'yung breakfast mo, ang aga pa ehh. "

"Sige po, pa. Ingat." hi-nug ko si papa at ki-niss ko 'yung cheeks n'ya then I gave him a sweet smile

"Byee, princess. Sleep tight!" he kissed me sa forehead ko.

In instant ayon nakatulog agad ako. Pagod na pagod lang teh? Ewan, siguro tinatamad lang talaga akong bumangon. Bahala na, may oras pa naman ehh.

Bumangon na ako. Anong oras na ba? Alas-otso na pala, sayang hindi ko yata maabutan ang first period. Nagtataka ba kayo? Hindi talaga ako nakakapasok ng school, pero i have an access na makapag-aral. My school and Cedrick school is the same. If I'm right nga, we're classmates rin ehh. Sayang 'di ba? Mas nanghihinayang tuloy ako! Bumaba na ako after kong mag-ayos ng higaan at ng sarili.

"Goodmorning!" saad sa akin ni bea

"Hala, uyyyy! Morning, kelan ka pa andito?"

"Kanina lang, siguro mga 10 minutes ganorn? " naglabas pa s'ya nang kanyang mga daliring maliliit para magbilang. Ang kyut ng daliri niya, parang mga kikiam!

"Ahh... tara kain!"

"No thanks, sasamahan lang kita kumain."

Nagtaka ako sa tono ng pananalita n'ya. May nangyare kaya? May problema ba toh? Bakit bigla n'yang inaayawan ang pagkain? Ito pa naman ang paborito n'ya. She's a food lover!

"May problema ba?" tanong ko

"Sino? Ako? Hindi kat, wala."

"Oo, para kasing meron."

"Kat... sabi ni tito.." nanlulumong saad ni bea

"Ohh ano raw sabi ni Papa?" nanguya pa ako

"Ahmmm... magpapa-check up ka raw bukas." naiiyak na saad niya

"Ohh baket? May masama ba ron?! Simple check up lang naman ehh." simpleng-simple na saad ko

"Wala naman. Kalimutan mo na nga 'yon, uminom ka na ba ng gamot mo?" pagpapalit n'ya ng usapan

"Hindi pa, iinom pa lang pagtapos ko kumain."

"Ahhmm.. may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman, bukod ron sa ipapasa sa biyernes ni Papa. Teka may pasok ka ngayon 'di ba?"

"Ha? Vacant namin ngayon, hanggang mamayang lunch pa'ko rito."

"Ahhh.. buti na lang vacant kayo, baka may mais-share ka naman d'yang notes mo?"

"Meron, doon tayo sa kwarto mo mamaya na lang. Tapusin mo muna pagkain mo."

"Okay."

"Ohhh inom na ng gamot." ini-abot niya sa akin ng gamot ko

"Eto naman. Apaka mo." saad ko

"Uminom ka muna, ako na magliligpit n'yan!"

"O-okay?" nagtataka na ako rito sa babaeng toh

"Sige na, akyat kana sa taas."

Pagkasabi n'ya umakyat na ako. Sumunod din naman agad siya. Tinuruan n'ya ako sa mga lessons na same kami ng subject. Matalino din naman kasi itong si Bea medyo lalake nga lang kung kumilos. Halos ilang oras din kaming ganon lamang ang ginagawa. Natapos kami ng 11:28 na ng tanghali.

"11:28 na Bea, kain ka muna bago ka umalis." pagsusumamo ko sa kanya

"Sige na nga! Anlakas mo talaga sa akin ano?!" kinurot n'ya ang pisngi ko

"Beaa naman! Ang sakit kaya! Hmp!" napanguso tuloy ako!

"Tara na nga, kakain na'ko. Baka ma-late pa'ko nito."

"Oo na, ikaw lang naman ang mabagal."

Natapos rin ang tanghalian at aalis na siya. Nag-usap lang naman kami tungkol sa mga pangyayari sa school. Pero, i can tell that there's something na bumabagabag kay Bea. She's not her usual self. Meron tong hindi sinasabi sa akin, at hindi ko naman pwedeng pilitin siya. She have her own privacy that I can't invade. Maybe, she need time to tell me.

"Ohh siya, aalis na'ko ha? Huwag kang lalabas ng bahay, dadaan ako rito mamayang awasan! I-lock mo 'yung pinto." pagsasabi niya na akala mo nama'y bata pa ako

"Opo... Nanay Bea!" pang-aasar ko at tumawa

"Ikaw talaga, pero seryoso kat. 'Yung mga bilin namin sa'yo ha?" tumawa rin siya but her expression change to serious

"Yes, i know." i gave her a reassuring smile, i know she's worrying about me. Lalo na ngayon, late sila ni Papa makakauwi dito.

"Sige na, ingat kaa." i bid my farewell to her

"Babush, lock mo toh!" turo niya sa pinto. Then, she leave me para pumasok sa school

I locked the door. I made sure na walang naiwang nakabukas. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. May second floor toh at 'yung buong second floor halos puro akin lang ang naroon. Si Papa? Nasa baba ang kwarto niya.

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakasilip lang sa bintana. Lumilipad ang isip ko, ewan ko kung saan toh papunta. Weird, pero dahil medyo sinisipag ako ginawa ko na 'yung mga schoolworks ko na sa friday pa naman ipapasa. Inabot ako ng halos tatlong oras don. Finally, natapos ko 'yon.

"Ahhhh... ang sakit ng batok at likod ko! Makahiga nga muna."

Kinuha ko 'yung phone ko at nag-scroll na lamang sa twitter. Cedrick's profile appeared!

Cedrick Silverio - 865 followers - 97 following - 5 post

Napa-ayos agad ako ng upo. I stalked his account, wala itong masyadong post. Puro tag lang ng mga barkada at magulang niya.

Midnight sun (Midnight series #1) Where stories live. Discover now