Chapter 3 : unexpected meet up

14 5 0
                                    

Siguro, dahil sa sobrang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay hindi ko na namalayang nasa subway na pala kami. Nagulat na nga lang ako ng kalabitin ako ni bea. Ewan ko, nakakaramdam ako ng kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro ay kinakabahan lamang ako sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako ay kakanta sa harap ng maraming tao.

"Kat?! Hello?!"

"Ha? Baket?"

"Gaga, andito na tayo. Tara lapitan natin si kuyang guard don,"

"Sige, "

"Ohh mga ineng saan ang punta n'yo? Ubos na ang mga ticket kaya hindi na kayo aabot pa sa tren. Nagbababa lang ng mga pasahero ang tren."

"Ahh, hindi po kami sasakay ng tren. "

"Ahh ganon ba? Pag-pasesnsyahan n'yo na ako ha? Akala ko ay sasakay kayo. Ano nga pa lang ginagawa n'yo rito?"

"Okay lang po, san nga po pala 'yung pwestong bakante?"

"Ineng, doon malapit sa babaan ng mga pasahero. Mag-iingat kayo, may mga mandurukot pa rin sa parteng iyon. "

"Opo, salamat po. "
"Sige po. "

                       *************

Magsisimula na akong kumanta. Ang storage box ng gitara ko ang nagsi-silbing lagayan ng mga barya, pagkain o bigay ng mga manlalakbay. Hindi naman talaga 'yung mga bigay ang habol ko rito, kundi ang experience o karanasan. Sinimulan ko ito sa pag-galaw ng aking mga daliri sa bawat string ng aking gitara. Ang mga dumadaan ay napapatigil ng kauntian ngunit dumi-diretso rin sa kanilang paroroonan.

Ang kantang ito ay nag-papaalala sa akin sa nag-iisang lalaking aking hinangaan sa loob ng halos 10 taon. Oo, hindi niya ito alam. Itinago ko ang aking nararamadaman sapagkat alam kong wala akong tyansa. Kaya't hanggat sa aking mga musika s'ya pa rin ang aking inspirasyon.

You walked in
Caught my attention
I've never seen
A man with so much dimension

May nagbigay sa aking isang batang babae ng isang tsokolate, nakangiti siya at sinabing "Ang ganda po ng kanta n'yo," tanging ngiti na lamang ang aking naitugon sa kanya. May mga ilan namang nagbibigay ng barya. Habang patuloy lamang ako sa pag-awit.

It's the way you walk
The way you talk
The way you make me feel inside
It's in your smile
It's in your eyes
I don't wanna wait for tonight

So I'm daydreamin'
With my chin in the palm of my hands
About you
You
And only you
Got me
Daydreaming, with my chin in the palm of my hands
About you
You
And only you-

Nagulat ako dahil may lalaking umupo sa tabihan ko. Naka-ngiti ito at mukhang na-sorpresa pa siya nang makitang naka-tingin na ako sa kanya. Napatigil ako sa pag kanta. Hindi ako maaraing magka-mali. S'ya 'yun, ito s'ya ang lalaking hinangaan ko at ang lalaking naging inspirasyon ko sa kantang ito. Hindi ako makapaniwala, pero dahil sa sobrang kaba ko isinara ko at inayos ang aking mga gamit. Hindi ko alam, nahihiya ako sa kanya.

"Hiii" bati niya sa akin
"Hiiii" bati ko rin heto na naman kinakabahan na naman ako!

"Ang ganda naman ng boses mo" ngumiti siya sa akin

"Ha? H-hindi kaya!" tumayo na ako ngunit bigla siyang nag-salita kaya hinarap ko s'ya

"Teka, aalis kana? Tapos na ba 'yung kanta mo?" parang nagmamakaawa ang kanyang mga mata sa akin. Para bang humihiling na sana ay ituloy ko ang aking kanta. Pero wala na, nahihiya talaga ako.

"O-oo ehh,"

"Hmp! Sayang naman, kakarating ko lang. Hinanap ko pa naman 'yung nakanta tapos pag dating ko aalis na agad? Kawawa naman ako!"

"S-sige na, alis na'ko" nauutal kong sabi. Baket ba kase ako nauutal? Hayssss, kainis naman ohh! Ngayon pa talaga, kung kelan kausap ko s'ya?!

"Teka, kelan ka babalik dito?"

"Hindi ko alam," diretsa kong sabi

"Sige. Anong pangalan mo?" tanong niya

"At baket ko naman sasabihin sa'yo?!" nag-taray ako d'yan para ma-itago ang aking nararamdamang kilig sa kanya. Ewan, iba kase ang dating sa akin! Parang double meaning pagdating sa akin.

"Wala lang, ako nga pala si Cedrick!" pagpapakilala n'ya

Hindi ko na naman kailangan pang itanong ang pangalan n'ya. Dahil dati pa lang ay alam ko na ang pangalan n'ya. Actually, ipinatanong ko pa kay papa ang pangalan n'ya. Weird 'di ba? Oo weird na kung weird pero gusto ko s'ya ehh.

"Ge na, alis na'ko" as much as I can, I tried so hard to make it sound cold but, I failed.

"Byee, ingat ka. Wait, hatid na kita!" he's voice is so sweet! hala, ano 'yan?! hindi ako 'yan ha?!

"Huwag kanang mag-abala pa, malapit lang ang bahay ko rito." I tried to re-assure him pero hindi ko kaya ehh.

"Hindi, ihahatid pa rin kita. Sa ayaw at sa gusto mo tsaka sa may village din ako nakatira." alam ko, oo huwag mo nang sabihin enebe joke.

Ang tigas talaga ng ulo ehh. Wala na akong magagawa, wala rin naman akong kasama ehh. Ang balak ko ay kahit doon na lamang sa may gate ng village, pero ang nangyare naihatid n'ya ako hanggang sa tapat ng bahay namin. Buti na lang at nasa likod pa ang bahay nila. Oo magkapit-bahay lang kami, pero ayaw ko sa kanyang i-paalam ito. Bale, nasa kabilang dulo o kanto lang kami ng kanila. Syempre, papasok pa banda don sa dulo ang sa kanila kaya madalas ay nakikita ko s'yang nags-skate board palabas ng bahay nila. Dati pa nga inaabangan ko s'ya mag-skate ehh! Oo! Kung tinatanong n'yo kung baket ko alam 'yan, syempre s'ya kase 'yung long-time childhood crush ko at oo hindi n'ya alam 'yan. Ba't ko naman sasabihin 'di ba? Ako at si bea lang ang tanging nakaka-alam niyan. Wala akong pinagsabihang iba bukod kay bea. Mahirap na, alam kong maraming nagkaka-gusto sa kanya, sa tingin n'yo may pag-asa pa kaya ako? Syempre, wala! Natigilan na lamang ako sa pag-iisip ng bigla siyang nagsalita.

"Ito na pala ang sa amin, paalam. Byeee!" paalam niya sa akin

"Sige, thankyouuu." nginitian ko na lang s'ya

"Hmm... hindi ka pa ba aalis?" tanong ko

"Uhmm... wait sa'n ka ba nakatira? Hatid na muna kita bago ako umuwi,"

"Huwag na, ito na ang bahay namin. " I gave him a reassuring smile para 'di na s'ya mag-alala pa kahet deep in side kinikilig ako "ikaw ang malayo pa ang bahay ehh."

"Sure ka bang ayaw mong ihatid kita?"

"No need, I can manage naman."

"Okay, ingat. "

After kong makapasok sa loob...

Pagpasok ko ay wala na si papa sa sala, siguro natutulog na ito. Sabagay, alas-onse na rin naman ng gabi. Hindi ko maalis sa aking isip kung paanong kinausap niya ako kanina. Ewan ko, nababaliw na yata ako. Napapa-ngiti na lang ako ng basta basta. Hindi ko alam ang rason ng nararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ako 'yun ay masaya ako sa ginawa niya kanina. Hindi ko aakaling gagawin niya iyon. Kinikilig ako ng todo, hindi ko alam ang gagawin ko. Yapos yapos ko na ang unan ko tas hinahampas ko na rin ito sa kama ko. Muntik ko na ngang makalimutan na may mga tulog na pala. Sa sobrang tuwa at kilig ko, naibalot ko ang sarili ko sa kumot ko na para bang akala mo'y shanghai o turon. Oo na, weird na'ko kiligin ba't ba?! Nakatulog yata ako nang ganto ihh. Assuming na kung assuming kasalanan n'ya toh ehh. Joke, tulog na nga ako! Mas nakaka-inlove pala s'ya pag malapitan, sana siya ang nasa panaginip ko!

Midnight sun (Midnight series #1) Where stories live. Discover now