Chapter 6 : first night with him

11 3 0
                                    

Hindi naman talaga dapat special ang day na ito, pero dahil nga makakasama ko si crushie ehh automatic na special. Naka-sweater lang ako at 'yung white pants ko. Pinuyod ko rin ang buhok ko na halos hanggang bewang ko na. Para mukha naman akong maayos, malinis at presentable sa harap ni crushie 'di ba? Okay, enough na sa kalandian ko.

Nagulat ako ng makarinig ako ng tunog mula sa cellphone ko. Akala ko kung ano na ehh, panira ng imagination!!

(Cedrick Silverio)
"hii miss, I just want you to know that I'm on way. where are you na ba?" he chatted me first.

O-M-G ina-update ba niya ako? Or sadyang ganiyan siya sa lahat? Kinikilig ako!!

Me :
"uhh nasa bahay pa ako pres ehh, pero papunta na'ko. anyways, ingat kaaa!! " ingat ka, future husband ko, char

Cedrick Silverio :
"thankyou miss, ikaw din"

Hindi na'ko nagreply, tanging react na lamang ang nagawa ko. Nagmamadali akong bumaba mula sa aking kwarto hanggang sa hagdanan. Muntik ko pang makalimutang magpa-alam kay papa.

"Ohh ba't pandalas ka? Masisira yata ang hagdan sa'yo ehh. " natatawa-tawang wika ni papa

"Ahh ehh, aalis na po ako pa. Alam niyo na po, project for school. " I said while smiling

"Ganda ng ngiti natin ahh? Project lang ba talaga? O may boypren na? " tanong ni papa habang may nakaka-lokong ngiti

"Papa naman ehh. Project lang po... " sagot ko. "Soon to be bf" bulong ko ng mahina, sapat na para hindi marinig ni papa

"Ohh siya sige, mag-iingat ka. "

"Opo, bye paaa. " pamamama-alam ko bago tuluyang lumabas ng bahay

Excited ako sobra!! Kasi imagine, ang tagal ko siyang hindi nakikita. Akala ko talaga stress na naman ako sa project na ito. Thank God ibinigay niya sa akin si Ced bilang partner ko... panghabambuhay kaya, kelan? Char, landi ko pala.

I sat by the bench near at the post. Nag-iintay kasi ako sa kaniya kaya naman minabuti kong maupo muna kahit na pandalian lamang. Sumakit din kaya ang paa ko dahil sa pandalas ako papunta dito. Haysssss, tagal mo naman crushie!! Can't wait to spend my night with you- joke for project purposes lang pala.

I open my phone, tumunog kasi ito.

(Cedrick Silverio)
"uhhh... hiii miss, where are you na? I'm here na kase ehh" he chatted me again first

Me :
"ohh uhmm hanapin mo lang 'yung girl na naka-sweater with a white pants and naka-ponytail malapit sa isang poste, nakaupo lang me"

Cedrick Silverio :
"ohh I see, thankyouuuu miss"

Hindi na'ko nag-tipa pa, alam ko namang makikita na niya ako ehh. Sa description pa nga lang ehh. Anyways, I'm sure and confident naman na magagawa namin 'tong project. I hope na maipasa agad 'to, para 'yung mga free time ay makapag-bonding kami. I just hope so...

Medyo nagulat ako at ramdam kong namutla ang labi ko dahil sa may umupong lalaki sa tabihan ko. Kasi naman  ehh, nag-iisip ako ng malalim. Magugulatin talaga 'ko.

"Hello uhm I'm Cedrick nga pala, it's nice meeting you in person, " he said smiling at inilahad pa niya sa'kin ang isang kamay niya

"Uhh... Hii I'm Katherine nga pala. " ngayon lang ako humarap sa kaniya dahil sa sobrang kaba ko. Kitang kita ko kung paano nagulat siya.

"Wait, you look familiar. I think I've seen you before? "

"Hoyyy, hindi ahhh. Ngayon mo lang ako nakita, " I teasingly said

Midnight sun (Midnight series #1) Where stories live. Discover now