Chapter 25

17 3 0
                                    

CHAPTER 25

Viel Dela Vega

"What are you doing here?" Wil asked when he saw me outside his classroom. Itinaas ko ang dala kong paper bag. "Bakit mo ba ako dinadalhan ng pagkain?"

"Napaka ungrateful brat mo talaga. Ikaw na nga ang dinadalhan ayaw mo pa," ayaw ko rin naman kaso may bayad 'to. Sabi nga ni Tito, I should be proud kasi I am a working student. 100 pesos a day kaya ang kinikita ko sa pagdadala ng pagkain ng pinsan kong ito. Plus libreng meryenda pa sa bahay nila kahit anong oras ko gusto.

Napaka galing ko talaga.

"Para naman akong bata e. Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain!'' Naiinis na sabi niya. I understand him. Kahit ako maiinis din e kapag nag-utos si Dad or Mom kaso hindi sila kagaya ni Tito. "Sige na. Salamat pa rin. Next time, 'yung may sabaw naman. Puro prito ang dinadala mo sa akin e. Tsaka 'yung rice pakidagdagan. Mabubusog ba ako sa isang rice?''

"Baliw. Napakasama talaga ng ugali,'' sinamaan ko siya ng tinggin. "Huwag ka muna mag-girlfriend ha. Ayusin mo muna ang ugali mo. Tsaka bata ka pa. Mag-aral ka muna ng mabuti.'' Ginulo ko ang buhok niya at tinapik siya sa balikat bago umalis. Narinig ko pang minura niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Sa canteen ako dumiretsyo. Bumili muna ako ng paborito kong lugaw itro. Ang sarap kasi ng luto nila plus ang mura. Iyon pa man din ang trip ko, kung saan ako makakamura.

Naghanap muna ako ng upuan bago um-order. May ID pa sa ibabaw ng lamesa ang bakanteng upuan na nakita ko. Ang mga kabataan talaga ngayon, napaka pabaya. Habang naghihintay sa pagkain ko ay tiningnan ko muna ang ID. Na-curious ako kung sino ang may ari.

ESTEBAN, MARY SHANTAL

H.E SECTION A

Pamilyar ah. I think I've seen her before. She looks pretty kahit sa ID picture kaya siguro ang lakas ng loob iwanan. Feeling ko iniwan talaga 'to at hindi nawala e kasi napakaayos ng pagkakalagay sa table. Tiningnan ko ang likod at buti na lang may nakalagay na cellphone number 'don. Tinago ko na lang muna ang ID sa bulsa ko. Mamaya ko na isasauli, uunahin ko pa ba naman 'yon? Gutom na ako.

"Viel!'' itinigil ko ang paggagawa ng school activity ko nang tawagin ako ni Hazel. Kaklase ko siya dati at malapit ding kaibigan kaya naman noong kailangan niya ng trabaho para sa anak niya ay pinilit ko si Mom na rito na lang sa bahay namin magtrabaho si Hazel. Gago kasi nang tatay ng anak niya e, iniwan sila. "Girlfriend mo ba 'to?''

"Akin na 'yan!'' mabilis akong lumapit para kuhanin 'yung ID na napulot ko kahapon. Nakalimutan kong isauli. May nag-aya kasi sa akin mag-basketball e.

"Ikaw ha. Naglilihim ka na. Sino 'yon?'' Tinaasan niya ako ng kilay. "Nililigawan mo? Grade 11 pa lang siya.''

Nililigawan agad? Gagi, tamang hinala naman 'tong kaibigan ko. Hindi ko nga 'to kilala.

"Wala, hindi. Marites ka rin e ano?'' tinawanan lang niya ako. Mabuti na lang umiyak ang anak niya kaya hindi na niya ako tinanong pa. Tinapos ko lang sandali ang activity ko bago ako nagpunta sa school nila.

To: Ms. ID

I have your ID. Let's meet later at the gym. After class.

Maghihintay na lang ako. Baka maistorbo ko pa siya sa klase niya. Mabuti na lang din at may kakilala ako rito at inaya ulit akong sumali sa basketball kaya hindi ako nainip. Kaagad kong nilapitan ang may-ari ng ID nang makita ko siya. Baka kasi mahilo siya kakahanap sa akin, ang init pa naman ng panahon.

"You're Mary?'' I asked at bakas ang gulat sa mga mata niya nang lingunin niya ako. Ang liit pala niya or maybe matangkad lang ako? But damn! She looks prettier in person. I remembered her now. She's Annavel's bestfriend. The last time I saw was when I was still elementary. Siya 'yung batang madaldal at mataray na Grade 1. She's grown up na pala.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now