One

167 3 0
  • Dedicated kay Shai Lauzon Delcorro
                                    

ATHENA'S POV •

Crush means paghanga. Pero bago ang lahat, magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Athena Althea Alba. Oha?! Triple "A" yan. Saan ka pa? Yan kasi ang pinangalan sakin nitong si Ms. Author. Pero sige, okay na rin. Cute naman eh. Hihi

Marami akong crush. May mga naging puppy love's ng ako. Choss! dejok lang. NBSB kaya ako. Eh pano nangyari?

Mabait naman kasi akong tao, masayahin, malakas mantrip at medyo may pagkamataray lang. Simple lang naman akong babae kung titignan. Hindi man katangkaran pero ma-appeal. HAHA

Opo! Maliit akong tao. Dami nga namomroblema sa height ko eh. Nakakamatay ba maging maliit?? Kaya nga siguro walang nanliligaw saken kase kulang ako sa tangkad. :D

3rd year high school palang ako. Pero hindi daw halata . Pang-grade school daw kase height ko. Hays. Pero marami naman akong friends no. Bestfriends pa nga eh. Sila Yanna and Kate. Sila yung lagi kong kasama and asahan nyo na kapag kami ay nagsama-sama, magtatransform kami sa pagiging baliw!!

"Hoy Athena! Nagdedaydream ka na nman dyan ha!", tsk, si Yanna talaga. Alam na alam kapag nagsasalita yung isip ko.

"Leche. Hindi no!" sagot ko.

"Athena, sabi ni Mrs. Torres na pumunta ka daw sa section III-Morning. Puntahan mo daw si Kyle Corro, papuntahin mo daw sa faculty.", haynako, eto na naman ang dakilang taga-utos na lagi nalang ako yung inuutusan DAW ni Mrs. Torres. (-_-)

"Oh ayan! Sundin mo na. Hahahaha", pang-aasar pa ni Kate. PSH

"Heh! Ako na naman daw ba?! Kanina pa ko inuutusan ah!" sagot ko.

"Ehhh -------"

"Blah blah blah!", hindi ko na pinatuloy yung sasabihin nya kase alam na alam ko na palusot nya. Siya talaga ang inuutusan pero saken pinasa. (-_-) Wala naman akong magawa dahil President siya at ako ang secretary niya!

So ayun na nga, pumunta na ko sa section Morning. Wala na ko magawa eh. Sanay na rin ako.

Dumaan muna ko sa canteen para bumili ng candy para naman may nginunguta ako papunta at pabalik. Arte ko no?

"Araaaa---y ko naman!" sambit ko ng may mabangga akong tao. Pero nagulat ako at napatulala. Nararamdaman kong namumula ako. Uminit kase mukha ko eh!! Kaseee--- yung crush ko na, hindi ko alam ang pangalan ay nakabunggo ko :">

"Hoy babae! Di ka ba magsosorry o ano?!", namulat naman ako sa katotohanan at napailing. Siya ba talaga toh? Pero baket ang sungit?!

"HOY!" sigaw nya.

"H-ha?"

"Hindi ka man lang mag-sosorry?! HA!" takte ang sunget pala nento. Di ko na to crush putek, arte eh! Bakla!

"Ano ka?! Bat ako magsosorry? Chix ka ba?!" sabe ko. Kung masungit siya, aba! mataray naman ako no! >:)

"Wow ha. Kapal rin ng face mo eh!", aba?! Teka, tama ba ang nararamdaman ko? Bakla ba to?? Bakit ganito magsalita?! Shet.

"Mas makapal ang mukha mo! Letse. Jan ka na nga!"

"Hoy! At san ka pupunta?! Magsorry ka nga sabe eh!"

"Eh? At baket ako magsosorry?! Ano ka banal? Di ko kelangan magsorry sayo no! Mag-sorry ka mag-isa mo!", pagkasabe ko, nagpunta na ko ng section Morning at hinanap yung Kyle Corro na yun. Shemay. Pang-gay yung name. (-_-)

Kumatok na ko kahit walang teacher. Mabaet ako eh :D

"Ahm. Excuse me." - ako

"Yes po?"

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon