Fifteen

31 3 0
                                    

"ATHENAAAAAA!!" -Kate & Yanna

"OH?!" lumingon ako syempre.

"Di mo ba nabalitaan?!" -Kate

"Ha? Yung alin?" -ako

"Hindi ba kayo nagkakatext?" -Yanna

"Sino ba?" -ako

"Lilipat na daw sya ng school!!" -Yanna

"Eh sino ba kasi?!" -ako

"SI KYLE!!" sabay nilang sabi ng pasigaw.

"Oh? Eh ano naman?"

"Luh?! Wala lang sayo fre?!"-Kate

"Wala. Bakit? May pa-farewell party ba?"

"Para naman 'tong eng-eng. Di ka ba malulungkot?" -Kate

"Bat naman? Sus. Ayos nga yun eh! Tsaka ilang weeks nalang bakasyon na oh. Okay lang yun." -ako

"Haynako. May ginawa na namang kadramahan yung si muchacha sayo no?" -Yanna

"Wala ahh."

"Siguraduhin mo lang. Tskk" -Yanna

"Tara na nga sa room!" -Kate

"Wala na ba si Sir?" -ako

"Nakalabas nga kami diba? Edi wala na." sabay ulit nilang sabi

AUTHY!! Twins ba tong si Yanna at Kate? Magkadikit ba talaga yung utak nila?! =___=

So ayun na nga! Pumunta na kaming classroom. Ugh! I missed my chair! Lumipat kasi ako ng upuan. Nakipagpalit ako kay Yanna. Para naman kahit papano ma-forget ko yung kumag na si Kyle. WAHAHAHA! Move-on lang ang peg.

"Ahh. Miss Alba! Pakipuntahan nga si Kyle Corro ng III-Morning at papuntahin mo dito." -Miss Torres

"P-po? Ako po?"

"Yes. Go na."

So? Kakasabi ko lang kanina na para ma-forget ko yun nakipagpalit ako ng upuan tapos ngayon, uutusan ako dun?! Bakit ako pa? Teka nga, parang nautusan na din ako dati ah?

Psh. Edi pumunta na nga ako. May magagawa ba ako? -_____-

At ayun nga, tinawag ko si Kyle. Nakasunod lang ako sa kanya habang papunta ng room namin. Ang bagal nya pa maglakad (+___+) Napahinto ako. Huminto kasi sya.

"Anong pangalan mo?" -Kyle

HA? NAGKA-AMNESIA BA SYA?!

"Ha? Di mo ko naaalala?" -ako

"Hindi kita kilala eh. Ikaw ba yung partner ko?"

"Nang-aasar ka ba? -___-"

"Tapos, ikaw rin ba si Athena?"

"=______=" Pinanloloko lang ako nento eh ><

"Yung magiging...." dugtong nya pa at binigyan ko namna sya ng ANO-YUN-LOOK

"Yung magiging.... asawa ko?"

-______- --> O___O

WAAAAAAAAAAAAAAH!! IMPAKTO. NAG-IINIT YUNG MUKHA KO.

"Nakita ko lang sa ID mo name mo. Wag ka din maniwala sa mga sinasabi ko."

HA? YUNG TOTOO?! Anong trip nento?!

Hindi nya pala ako kilala ngayon ha. Ganyanan pala ha! Sige ><

"Ahh ganun ba? Sa susunod wag mo na akong pinagtitripan ha?!" -sabi ko sabay alis. Akala nya papatalo ako? Nahh. Nevaaah!!

"Athena.."

"Don't call my name again Mr... Stranger!"

Then dumiretso nako sa room at sumunod naman sya. Nakita ko din na kinausap sya ni Miss Torres.

"Okay class, you may take your break now. Ms. Alba maiwan ka."

OKAY. Ano na naman to? Andito pa din si Kyle. Mukhang uutusan ata kami? Haynako sana hindi.

"Okay, may mga english books pa sa old library. So, gusto ko eh kuhanin nyo sanang dalawa yun then dalhin nyo sa bagong library. Maghihintay ako doon. OK?"

"Ok ma'am."

Nauna na akong maglakad. Nakakainis naman! Teka, sa library ulit?! WAHHH. Dejavu ba itoooo?

Library.

"Oh.." nagulat ako ng may inaabot sya saken. Yung panyo ko.

"Ano to?"

"Panyo."

"Alam ko. Anong gagawin ko dyan?"

"Sinasauli ko! Bobo lang?" ABA!

"Hindi saken yan."

Go Athena! Kaya mo yan. Magsinungaling ka pa. Panyo ko naman talaga yun eh. Nagdedeny lang ako dahil naiinis pa rin ako sa nalaman ko!

Umalis ako sa harap nya at nag-umpisang maghanap ng english books. Agad naman kaming natapos sa tahimik na paraan. Walang nagsalita sa amin. At pagtapos nun, tahimik naman kaming pumunta sa bagong library.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon