ATHENA'S POV •
"Masyado ng kumakalat ang issue. Lumayo ka na saken."
Pagkasabi niya nun, narinig ko nalang ang pagbagsak ng lock. Parang gumuho yung mundo ko nung sinabi niya yon. Ang sakit sakit!
Pero joke lang, tinry ko lang magdrama. Okay lang naman. Lalayuan ko siya tulax ng sinabi niya, for their relationship's sake. Kahit na di naman dapat ako yung lumayo. Hays! Tama na nga drama kainis.
Lumabas na ako sa library at bumalik nalang sa classroom.
"Hoy Athena! Saan ka galing?!" - Yanna
"Kahit saan.", malumanay kong sagot. Wala talaga kong gana. Hindi pala, bigla nalang ako nawalan ng gana.
"Hoy. Anyare sayo?"
"Wala."
"Eh baket ang lungkot ng tono mo?"
Bumwelo ako para sabihin sa kanila yung totoo. Dahil kapag di ko sinabi kung bakit ako nagkaganito, buong araw ako kukulitin nentong mga 'to. Kaya dineretso ko na.
"Layuan ko na daw sya."
"Ha? Sino? Baket daw?!"
"Si Kyle. Dahil sa issue."
"Oh?! Apektado sya?"
"Ewan. Ayaw nya lang siguro masira relasyon nila."
"Ayjosko. Hindi yan!"
Natapos ang buong araw ng wala akong ginawa kundi sumimangot.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumukomok. Gusto kong umiyak kaso bakit naman? Di ko naman sya kaano ano eh. Tsaka, hindi mababaw luha ko no!
Teka, bakit ba ako nag-eemote dito?! Kung gusto niyang layuan ko sya, edi layuan ko sya! Duhh.
Pero bakit ang lungkot? Oo, di naman kami close nun pero bakit, nalulungkot si heart?!
HALA?! Ano ulit sabi ko? Peste. May nalalaman pa kong heart heart?! Eww. Korni ko.
Naghalfbath na ko pagtapos, humiga sa kama at tumingin sa kisame't nagmuni-muni.(-_-)
Bakit ba kasi iba ako ngayon?! INIS.
* BZZT BZZT *
Fr ( Kyle )
"Hi = )"
Bakit naman kaya to napatext?! Kanina lang sabi niya layuan ko na sya tapos ngayon, magpaparamdam sya! Bahala sya! Di ko sya rereplyan.
* BZZT BZZT *
FR ( Kyle )
"Hi ganda = )"
WAIT! Ganda daw? Weh?! Psh. Replyan ko na nga. XD
To: ( Kyle )
" ha? Wrong send?! "
Fr: ( Kyle )
" Hindi ah. Ganda mo kaya. :> "
To: ( Kyle )
" Wag mo ko utuin. "
Fr: ( Kyle )
" Bakit? Maganda ka nman talaga eh! "
To: ( Kyle )
" Hindi ako maganda okay?! "
Fr: ( Kyle )
" Bahala ka nga! Basta maganda ka. Kung ayaw mo maniwala edi wag! Basta sa nakikita ko maganda ka!"
Awwww. Kinilig ako bigla sa compliment nya! Kahit joke lang nya yun, atleast sinabi nya! JOKES ARE HALF MEANT :">
To: ( Kyle )
"Oo na. Salamat nalang."
Fr: ( Kyle )
"Tumingin ka na ba sa salamin?"
To: ( Kyle )
"Oo nman! araw araw."
Fr: ( Kyle )
"Eh bakit hndi mo nkikitang maganda ka?!"
To: ( Kyle )
"Bakit ba?! Edi ikaw tumingin!"
Fr: ( Kyle )
"Tsk. Ganyan ka ba tlga?"
To: ( Kyle )
"oo bket?"
Fr: ( Kyle )
"alam mo mas gusto kong ipakita yung totoong ako kesa sa magpakitang tao."
To: ( Kyle )
"Baket, ako nman talaga toh ah. It's up to you kung sa tingin mo hndi ako toh. basta alam ko sa sarili ko, eto na yung totoong ako!"
Fr: ( Kyle )
"HAHA good! = D Ge nyt na dn."
To: ( Kyle )
"goodnight."
Fr: ( Kyle )
" i love you kulet = )"
WAAAAAAAAAAAAAAAAH! MYGOODNESS! KINIKILIG AKO! SUPER! WAAAAH :""">
Kinikilig ako sheemay! Bakit ba ang sweet nento minsan?! At minsan ginugulo niya talagang sadya ang isipan ko!
Imbes na putulin ang kumunikasyon nmin sa isa't isa, ehh mas nagiging close pa ata kami minsan eh. XD
Psh. kanina lang ang lungkot lungkot ko sa sinabi nya.. tapos ngayon.. WAAAAAAAAAAAAH! VERY HAPPY ULET! :">
Sana kase, wala nalang naging issue eh. Para close kami ng crush ko :)) XD
* BZZT BZZT *
Fr: ( Kyle )
"Kokotongan kita!"
Ano nanaman kaya problema nento?!
To: ( Kyle )
"Edi kotongan mo! Kala mo nman takot ako :p"
Fr: ( Kyle )
"Humanda ka bukas!"
"TALAGA.", simple kong sagot.
Tapos di na sya nag reply. Kala niya nman natatakot ako! Hmp!
PERO...
Bakit nya nman kaya ako kokotongan?! Atsaka, nakalimutan na niya na ba talaga yung sinabi niya kanina?
Anong trip nya?! (-_-)
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^