Hi there! Ako nga pala si Lee Min Ho, dejoke. Ako si Kyle Corro. 15 years of age. Hmm, matangkad at medyo pang-koreano ang mukha. HAHA! Pero pure Filipino ako. Antagal ko na ding nagp-POV dito pero ngayon palang ako papakilala? Langyang author!
Yung ugali ko? Hmm, masama, isnabero, masungit, cold, killjoy, malakas mantrip! Kaya feel ko, marami akong haters. Lalo na sa classroom. Hehehe \papeymus/ Pero di ako nawawalan ng kaibigan. Marami nga akong ganun eh. (^_^)
Sa love? Apat na ang naging girlfriend ko. Lahat yun seryoso. Pero si Diane yung pinakamatagal. Siya yung legal. Mahal na mahal ko yun kaso siya na yung bumitaw. Ayoko na syang habulin kase baka masaktan ko pa sya lalo. (Authy: ANG DRAMA MO!) Che, umalis ka nga dito! POV ko to. Layas shooo!! >< (OKAY SIGE SIGE! TULOY MO NA. HAHAHAHA)
Ayun nga, kilala niya kasi ako. Halos isang taon ko din syang niligawan. At sa loob ng isang taong yun, nasaktan ko pa sya. Kaya second chance nalang yung na-take ko at yun nga, naging kami. Tapos ngayon, nasaktan ko ulit sya. Alam nya kasing madali akong magkagusto sa iba tulad ng naranasan nya nung nanliligaw ako sa kanya noon. Dahil bukod sa kanya, na-fall pa ako sa iba. Pero buti naagapan ko agad. Kaya lang, sobrang hirap pumili kung sino sa kanilang dalawa.
At ngayon, ganun na naman nararamdaman ko. Ang gulo. Wala na akong matinong nagawa!
Mahal ko si Diane pero,
nahuhulog na ata ako kay..... ARGH! Hindi pwede! Kung bakit pa sa makulit na yun?! HAYS.
"Pare, lapit na prom ah?" -Ian
Oo nga pala, February na ngayon. Hayyy, bilis ba?!
"Huy! Nayaya mo na ba si Diane?" -Carl
"Ha?" -ako
"Ang bagal mo kamo! Yayain mo na!"-Ian
"Ayoko." -ako
"Pare, ayusin nyo yan!" -Joseph
"Si... A-athena..." -ako
"Ha? Napano si Athena?" -Ian
"Ay.. pare sya ba gusto mo?" -Carl
"Ayiee sige sasabihin ko" -Joseph
=___________=
"Ahh. Pare, labas lang kami ha?" -Ian
Sus, natakas na yang mga yan. Alam kse nila na baka masapok ko sila. Ang iingay ng mga bunganga.
Lumabas na din ako since break time na din naman. As usual, nagpunta ako ng canteen.
After 2 months, ngayon ko nalang ulit nakita si Athena. Nakita ko syang bumibili. Namiss ko kakulitan nya. >< After kase ng scene sa canteen, yung nadapa sya, hindi ko na sya nakausap. Iniiwasan nya ako sa tuwing lalapitan ko sya. Ngayon, gusto ko syang kausapin. Hayy
Nakita ko silang papaupo na sa may dulong upuan. Gumanda sya lalo. Yung pagtawa nya, ang ganda. Aish. Ang korni ko na.
Umalis sila Yanna at Kate. Yes! Eto na yung chance ko :D Nilapitan ko sya at halatang nagulat sya.
"K-kyle?"
"Hello." umupo ako sa tapat nya.
"Ahm, musta?" -ako
"Okay lang."
"Ahh. Good! Teka, may date ka na ba sa prom?"
"Ah. Wala, di na kelangan."
"Sino partner mo? Alam mo na ba?"
"Eh diba sa exact day pa malalaman? =____="
"Ahh oo nga pala."
AWKWARD SILENCE.
"Kung saka-sakali, ikaw gusto ko ha." lakas loob kong sabi.
"Ha? Ewan."
"Athena? Bat mo ko iniiwasan?"
Natahimik sya saglit. "Pinaninindigan ko lang yung sinabe ko sayo. Tsaka para magkaroon pa kayo ng chance sa isa't-isa."
"Bakit mo ginagawa yun?"
"Kasi ayoko ng may umiiyak sa harap ko."
"Umiiyak sayo?"
"Balikan mo na sya please?"
"Bakit?"
"Para friends na ulit tayo. Sige na Kyle, please?"
Anong connect ng pagiging friends namin sa pagbabalikan namin ni Diane? Ang labo. Instead na magtanong ako, I just smiled at her. A fake one.
"Thanks Kyle."
"In one condition."
"HA? Ano?"
"Be my prom date. And also my partner."
"Bobo. Di pwede yun---"
"After that, babalikan ko sya."
"Ahh. Parang unfair naman diba dapat----"
"Wag ka ng umangal." pinitik ko noo nya. "Pagbigyan mo na ko."
"Aray!" sabay pout nya >///<
"Sige na. Oo na."
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^