Silence is still remaining..
Can someone please break it?!
**
Ang tahimik!! Di na kinakaya ng tainga ko! Kanina ko pa pinagdarasal na sana may pumasok dito sa library. O kaya magsalita nalang siya, sabihin na niya gusto niyang sabihin. Jusko, mamamatay ako sa awkwardness and silence!! Di kaya tulog na to si Kyle? Aruyjusko.
At dahil hindi ko na kaya, ako na ang unang bumasag ng katahimikan at nagbukas ng topic. (-_-)
"Alam mo ba, sabi nila kapag daw lagpas na ng four months ang pagkakacrush mo sa isang tao, hindi na daw crush yun kundi love na."
"Oh?"
"Oo nga."
"Eh ikaw? Ilang months mo na ba ako crush?"
Teka, ilan na nga ba? Ang pagkakatanda ko, September 14 ang 3 months. Ano ba ngayon? Hmm..
"Oy ano ba ngayon?" - ako
"Ha? Edi October 15" - Kyle
"WHAAAAAT?!"
"Oh bakit?!"
Kung September 14 ang 3rd month, edi October 14 ang 4th month. Sus! AsdfghjkOHMYGASH!
October 15 na. It means, kahapon ang 4th month?
Waaaaaaaahhh :">
JUSKO ATHENA STOP IT
"O-oy? Bakit?" -Kyle
"Wala. Masyado lang ako nagpapaniwala sa mga ganun! hehe."
"Ha? Saan?"
"Wala yun", slowpoke (-_-)
"Okay. pero naka-ilang months na ba?"
"Ha? Ah eh.. hindi ko binibilang eh (^_^) Ahm. Tapusin na natin paglilinis? Okay ka na ba?"
Pang-iwas lang sa tanong niya. Dahil alam kong magtatanong pa rin siya! :D
"Ah. Oo. Okay na ko. Sige"
*
FAST FORWARD
"Hayy. Tapos na rin sa wakas!", sambit ko.
"Nakakapagod!! Ikaw kase eh."
"Ano na naman yun?!"
"Di ka pa nga nagso-sorry saken, dinamay mo pa ko sa ganito! Alam mo bang hndi ako naglilinis sa bahay namen. Tapos dito paglilinisin lang ako!?"
"Bat ako sinisisi mo?! Sino ba kase yung nanggulo saken sa canteen? Ha?!"
"Eh kase kung hindi ka sumigaw edi sana hindi ako mapapagod!"
"Heh! Ang kapal naman ng ngalangala mo!"
Iniwan ko na sya sa library at dumiretso sa canteen dahil nag-aalburuto na yung tiyan ko. Nakakagutom din kasama yung mokong na yon! Tapos, awayin ba raw ako kung kelan natapos na namin maglinis. Hmp.
Bumili na ko ng pagkain ko then umupo sa tapat ng ceiling fan. Tas may halimaw na naman na biglang umupo sa tapat ko. (=__=)
"Hoy! Pare, nangchichix ka jan ah.", si Ian! Hayjosko. Salamat naman at dumating sya! Kundi masasapak ko na talaga itong halimaw na nasa tapat ko eh.
Tumabi sakin si Ian. Nasa right side sya tapos yung dalawa niyang tropa nasa left side ko. Bale pinapalibutan ako ng mga gwapong nilalang at pwede na kong mamatay. Wahahahaha JK.
"Tsk. Bat ba kayo nandito?", tanong ni Kyle.
Malamang! Nakikitambay sila, tsaka canteen to, bopols!
"Haha. Bakiit, naaabala ba namen kayo?"
"Ha? Hindi ah. Di nga namin kilala isa't-isa eh. Naki-upo lang yan jan. Ewan ko pero baka nanghihingi lang ng pagkain. Oh, ayan! Sayo na (^_^)", sabi ko sabay usod ng pagkain kay Kyle.
Halatang nagtaka sila sa sinabe ko. Lalo na si Kyle. WAHAHAHAHAHA
"Oy sige una na ko ahh", nakatayo na ko at handang umalis. Ang pangit kase dito eh. I smell something na hindi maganda and I also feel awkward.
"Uy mamaya na. KJ nento", sabi ni Ian.
"Ahhh. Hindi. May gagawin pa kase ako eh. Tsaka kanina pa ko wala sa room."
"Sus. Hindi yan.. sige na please?", nako naman to si Ian! Nananadya talaga eh (>_<)
"Psh. Saglit lang ah!", hindi na ko nakatanggi. Kase naman ihh (=_=)
"Oy, si Diane oh!", sabi nung Joseph!? Tas umupo si muchacha sa tabi ni Kyle. Nakaka-awkward talaga. Kainis!
"Athena, kanina pa kayo magkasama ni Kyle?", nanlaki yung mata ko at napatingin kay Ian.
Arghhhh! Baka sakalin ako nitong girlfriend ni Kyle eh! Mga walangya tong mga to!
"Ahhh.. Eh--", magdadahilan pa lang sana ko ng biglang magsalita si Joseph.
"Ay. Oo! Nakita ko sila kanina pumasok sa library. Tas dun pa sa luma!", sabay tingin kay Kyle! Kaya napatingin din ako at.... HAHAHAHAHAHAAHAHAHA! Ang sama ng tingin ni Kyle kay Joseph! Pati ako napapigil ng tawa!
"Ah. Naglinis lang kami dun.", sabi ko nang medyo naikalma ko na yung sarili ko sa nakita ko. :D
"Weh? Nung nakita ko kayo pumasok naka-akbay sayo si Kyle eh."
"Ano?!" gulat na sabi nung Diane. Waaaaaah. Pinagsasabe nitong mga 'to?! Sinisira nila ang image ko!! (>_<)
"Hoy! Ano bang pinagsasabe mo?! Hindi ako inakbayan ni Kyle no!", sabi ko sabay palo sa braso nung Joseoh. FC na kung FC. Hindi naman kase tama yung mga sinasabi nya eh.
"Hihi. Joke lang.", sabay nagpeace sign pa sya.
"Diyan na nga kayo!", sabi ko sabay alis. AT pag-alis ko, narinig ko silang naghalakhakan! Mga baliw!
*
Bumalik na ko sa classroom. At agad agad naman akong chinika ng dalawa kong katabi.
Saan daw ako galing? Bakit daw super late na ko? Bakit daw ang haggard ko masyado? Ano daw nangyari sa akin? Ang daming tanong! Edi ako naman to si daldal, syempre kinwento ko sakanila mula nung sa panggugulo ni Kyle sa canteen hanggang sa pang-iirita ni Ian sa canteen (-_-)
At ang mag loka, kinilig!
"Oy tara na kain na tayo!", pagyaya ni Yanna.
Then yun nga, nagpunta na kami sa canteen. Andun pa din sila at tinatawag ako. (-_-)
"Uy Athena, tawag ka oh." bulong ni Kate.
"Hayaan mo sila."
Nakabili na kami ng makakain at babalik na sana sa room ng bigla kaming hinarang nila Ian! Kaya wala na kaming nagawa kundi umupo sa table nila.
Sila Kate and Yanna, kausap sila Joseph, Ian at Carl. Ayjosko! Tapos ako, katapat ko lang naman yung dalawang mongoloid. Sila Kyle at Diane. The Yaya and Alaga Lovers. Lol, I'm so mean.
Ang nakakainis talaga eh, pinaupo nila ko dito tapos ako pa walang kausap?! Ang awkward tuloy. Kainis. (-_-)
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^