Two weeks nang nakalilipas at two weeks na rin naming hindi nakikita't nakakausap sila Ian and syempre, pasalamat ako dun.
Dahil nung last time na kasama namin sila sa canteen, halos mapanis na laway ko dahil sa walang kumakausap sakin. Iniwan pa kaming tatlo dun sa canteen. Oo, tatlo! Ako, si Kyle at Diane. Alam kong sinasadya nila yun no (>_<)Tsk.
Pero happy happy na ulet ako. Back to normal na ang lahat. Tska two weeks ago naman na yon! Hehe
Breaktime na nga pala namin. Nagpaiwan ako dito sa room at nagpabili nalang ng pagkain kela Yanna.
Di rin nagtagal, and here they are..
"Uy Athena. May chika kame syo! Haha. Nakakakilig!!", sabi ni Yanna.
"Oh ano yun?", tanong ko naman.
"Alam mo bang pinagseselosan ka ng girlfriend ni Kyle?! At ayun ang issue sa room nila!"
"A-ano?!"
"Haha. Nakakakilig (^_^)", sabi naman nento ni Kate. Oo, nakakakilig na pinagseselosan ako, pero..
"Teka, bakit naman daw ako pinagseselosan?!", tanong ko.
"Yun na nga! Kasi bukambibig ka raw ni Kyle! Yieee." paliwanag ni Kate.
Oo nga. Nakakakilig yung part na bukambibig ako ni Kyle, pero pwede din ako makasira ng relasyon. Tsaka ayokong ma-issue no! (>_<)
"Hoy! Hindi ka man lang kikiligin jan?", tanong ni Yanna.
"Pano ko kikiligin kung issue ako dun no! Nakakahiya!", sagot ko.
"Eh wala ka namang malay eh." - Kate
"Ehh kahit na!"
"Wushuu kunyari ka pa."
**
Wala silang ibang bukambibig kundi yung lecheng usap-usapan dun sa kabilang klase. Naiirita na ko kaya lumabas nalang ako mag-isa. Kainis! Kelangan paulit-ulit sabihin?! Nabobother tuloy ako.
Siguro, kelangan ko ng lumayo? Ehhh, baka naman isipin nun na alam ko at apektado ako? Ayoko. Dapat sya ang umiwas. Tsk! (>_<)
At sa paglalakad ko, nakarating na ko sa --
SA LIBRARY?!
Bakit ako nandito? Dito pa talaga sa lumang library lang naman kung saan kami nagkausap at naglinis ni Kyle. (=_=)
Nagulat nalang ako nang biglang may lumabas galing sa library at si---- Kyle!
"Oh? Anong ginagawa mo dito?", tanong nya.
"Ah.. eh.. Ahmm..", taeeee! Bakit ako nauutal!
"Sinundan mo ko noh?! Stalker!"
Ha?! Ano daw?! Ako? Stalker? Utut ba sya? Epal kasing mga paa to eh! Kung saan saan ako dinadala.
"H-hoy! Di ako stalker no!"
"Sure ka? Weh? Eh bat ka nandito?"
"Wala. Baket?! Bawal ba?!"
"Padali mo. Teka, samahan mo nga ko sa loob."
"Ha? Kalalabas mo lang ah?"
"Eh may naiwan ako sa loob eh!"
"Edi ikaw nalang. Aalis na ko."
"Sige na please?"
"Psh. Saglit lang ha!"
"Osge. Pasok na."
"Ha?! Mauna ka na. Ikaw may kelangan eh."
"Ladies first :)", may pagngiti pa 'tong nalalaman!
Haaaaay. At dahil ayoko ng makipagtalo at makipagmatigasan dito sa mokong na 'to, ako na unang pumasok.
Pero....
"Wait! Hoy Kyle!!"
KYLE'S POV •
May evil plan ako para mapaamin sya ng husto. Hindi kasi ako kuntento sa sinabi ni Ian. Lol!
What's my plan? Haha. Kunyare may naiwan ako sa loob tapos papaunahin ko sya pumasok and since na sa akin ang lock, bwahahahaha! Ikukulong ko sya sa loob at mag-uumpisang magtanong ng kung ano-ano >:D
Sa huli, napapayag ko din sya na magpasama "kuno" sa loob ng library.
"Psh. Saglit lang ha!"
"Osge. Pasok na."
"Ha?! Mauna ka na. Ikaw may kelangan eh."
"Ladies first :)"
Psh. Ngitian ko lang pala 'to eh, wala na siyang nagawa kundi maunang pumasok and in ONE. TWO. THREE! LOCKED.
"Wait! Hoy Kyle!"
Bwahahahaha! Ang bright bright ko talaga.
"HOY KYLE! BUKSAN MO NGA TOH!!"
"KYLE ANO BA?!"
"KYLE ANG DILIM DITO!!"
"HOY BUKSAN MO NGA!!"
Hahahhaha tawang-tawa ko! Pero madali lang din naman akong kumalma. ;D
"Magtatanong muna ako!" - ako
"HA?! ANO NAMAN YUN?! PWEDE KA NAMAN MAGTANONG HABANG NASA LABAS AKO HUH!?? BUKSAN MO NGA TOH!!"
"Ayoko!"
"ARGH! KYLE BUKSAN MO NGA TOH PLEASE!!"
"Bakit mo ko sinusundan?"
"PARA SABIHIN KO SAYO! HINDI KITA SINUSUNDAN!! ASSUMING KA MASYADO!!"
"Eh bakit ka nandito?"
"NAPADAAN LANG! BAKIT BA?!! BUKSAN MO NGA TOH!"
"May gusto ka ba saken?"
"HA?! HINDI KITA MARINIG!"
"May gusto ka ba kako saken?!"
"OO MAY GUSTO AKO SAYO!! YUNG BUHOK MO! GUSTONG GUSTO KO SABUNUTAN!"
"Yung seryoso!"
"LOL KA BA?! WALA NOH! BUKSAN MO NA NGA!!"
"Bahala ka dyan."
"OO SIGE! MAY GUSTO KO SAYO! ANO?! HAPPY?! PWEDE MO NA BA BUKSAN?!"
At sa wakas, napaamin ko din sya kahit medyo, ang korni. Isa nalang ang dapat kong sabihin sa kanya..
"Masyado ng kumakalat at lumalala ang issue. Lumayo ka na saken."
Pagkasabe ko nun, kinalas ko na yung lock then, binitawan ko na.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^