KYLE'S POV •
"Simula nung umamin ka, parang ayaw na kitang tigilan."
ARGHHH!! Ang korni ko talaga. Naiinis ako kapag naaalala ko!! (><)
Andito ako ngayon sa classroom. Tama nga si Athena, usap-usapan na naman yung nangyari kanina. Naging isang malaking issue na naman.
Bulong dito, bulong doon. Yung iba, nagpaparinig pa. Aish (><)
Mula dito sa kinauupuan ko, kitang-kita ko si Athena. Katabi lang kasi ako ng bintana. Mukhang masaya naman siya. Haynako, nakakahiya talaga yung sinabi ko! (-_-)
"Kyle." si Diane, yung girlfriend ko. First time nya akong tinawag sa pangalan ko. Kuya kasi ang tinatawag nya sa akin.
"Kyle? Ano ba yung mga sinasabi nila?"
"Totoo yun."
"Kyle ano ba talagang nangyari? Bat mo sya hinabol?"
"Hindi ko sya hinabol."
"Magpaliwanag ka nga ng maayos Kyle."
"Sorry. Pero Diane, wala akong ipapaliwanag sayo."
"Talaga? Sige, tatanungin nalang kita, gusto mo ba sya?"
"Ano bang tanong yan!?"
FYI, nagsisigawan na kami pero yung kami lang ang nagkakaintindihan at expression lang namin ang labanan.
"Gusto mo ba sya?!!"
Gusto? Oo. Yun lang.
"Hanggang dun lang yun."
"Edi sinabi mo din! Magbreak na tayo. Alam ko namang madali ka lang ma-fall. Konting gusto lang, bukas liligawan mo na. Well, ayan ka eh!"
Mangiyak-ngiyak syang tumayo at umalis sa tabi ko. Oo nga, madali nga lang siguro akong ma-fall. Siguro.
"Wala na kami ni Kyle! Kaya pwede ba, tigilan nyo na ang pagsusumbong sa akin ng mga walang kwentang istorya about sa paglalandian nila!?"
Di ko inexpect pero biglang sinigaw ni Diane habang.. naiyak? Arghhh ang korni talaga!! (><)
ATHENA'S POV •
"Ms. Alba, pakipuntahan nga ang section Morning. Sabihin mo pumunta na ng ICT room."
UGH. Ako na naman nautusan neto ni Ms. Torres.
Sa section pa talaga na yon! Asaaaaaaar.
"Okay ma'am." as usual, dakilang alipin ako eh. Wala akong magagawa!! Sus. Pupuntahan lang naman eh. Ang big deal naman nun sayo Athena.
"And make sure na walang maiiwan. OK?"
"Opo ma'am." (-_-)
Pumunta na ako sa section na sinasabi ng teacher ko. Teka, bat ang tahimik ata? Ano meron sa klase nila? Hahaha. Bat ba curious ka Athena?
*KATOK KATOK*
Nagtinginan silang lahat saken at,
NAGBULUNGAN. Potek, nakaka-ano ha!
"Ahm, excuse me pumunta daw po kayo sa ICT room."
Okay, agad naman na silang nagsi-alisan. Then, nakita ko yung girlfriend ni Kyle, nakatingin sa akin habang nakangiti. Pero bakit mugto yung mata? Woah! Ang awkwaaaaard.
At yun na, wala ng natira. Ay meron pa pala, si Kyle. Nakatungo lang sya sa desk nya. Okay, anong drama nento?
"Ahh, wala daw pong maiiwan."
Hindi man lang gumalaw?! Hays. Bahala na sya jan.
Paalis na sana ako ng bigla nya akong tinawag.
"Athena..."
"Yes? Need something?" HAHA Gora english lang! Push pa Athena ;D
"Kausap."
"Ahhhh, wag ako iba nalang ha? May klase pa ako eh."
"Ikaw gusto ko."
Owww! Ano daw? Sige give him a chance. Pumasok ulit ako sa loob ng classroom nila. Three chairs away ang layo ko sa kanya.
"Oh? Ano kelangan mo ba?" tanong ko.
"Naramdaman mo na bang ma-inlove?"
"Ha? Anong tanong yan?"
"NBSB ka diba?"
"Oo."
"Bakit?"
"Kasi maliit ako."
"Sapat na ba yung dahilan?"
"Eh bakit? Gusto mong dagdagan?!!"
"Tsk."
"Ano bang kelangan mo?"
"Kausap."
"Nakausap mo na ko diba? Oh tapos na. Mamaya ehhhh-"
"Wala na kami."
Muntik ko na malunok lahat ng laway ko. "Ha? Bakit?!"
"Dahil... Parang may gusto na akong iba."
"Huwaaaaaaat? Tapos nakipagbreak ka agad?!!?"
"Siya kamo."
"Nye? Dahil dun lang ha?"
"Oo. Alam nya naman kasi na madali lang akong ma-fall."
"Ehhhh? Di mo man lang pinigilan at nagpatalo ka agad sa tukso?"
"Di ko magawa."
"Bakit?! Akala ko ba forever kayo?! HA?! Pasabi-sabi ka pa saken na true love mo na siya tapos papayagan mo lang makipagbreak sayo girlfriend mo dahil sa impaktang babaeng nagugustuhan mo?! Huwaw.", wag niyo na ako tanungin, di ko rin alam bat ko sinabi yan sakanya.
"Wag mo laitin sarili mo."
"Sarili ko? Bat ako nadamay ha?!"
Teka, parang ang OA ko na ata? HA HA HA
"Kasi ikaw yung sinasabi ko."
SHET.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^