Nakarating na ko sa tapat ng room namin pero natatakot akong pumasok. Nagtuturo na kase yung strikto naming teacher. Remember yung teacher na nagpalabas sakin dahil tulala ako? Siya. Siya yon! Jusq.
"You're late Ms. Alba."
"Ah sorry po sir. Natra-"
"Let's talk later. For now, just get out."
"Pero sir--"
"I said, get out Ms. Alba."
Di na ko nakipagtalo pa. Sumunod nalang ako, dahil baka lalong madagdagan init ng ulo niya saken. Kalmado nga siya ngayon eh. Naks!
Wala na akong choice kundi umalis sa tapat ng room at maghintay ng 45 minutes para makapasok sa next subject. Sana pala di nalang ako nagmadali kanina. (-_-)
As usual, sa canteen ako pumunta. Wala naman akong pedeng ibang puntahan at ikutan dito. Pumwesto ako sa pinaka dulo ng canteen. As in dun sa walang gagambala sa akin na kahit sino man!
Tumungo nalang ako habang nagha-hum. Psh. Ang loner ko tignan. Kadiri. Bumangon na ko sa pagkakayuko. Then, nagkaroon ng nilalang sa harap ko! And guess who? Edi yung halimaw na impaktong lizard. (-_-) Sabi ko na nga ba e, siya lang yung kayang gumambala sakin maliban kay Ian.
Nakatitig pa siya sakin, aba! Bakit di ko rin naman naramdamang umupo sya?
"Anong ginagawa mo dito?", maangas kong tanong.
"Wala :)"
"Umalis ka nga dito!!"
"Eh pano kung ayoko?!"
"UMALIS KA NGA SABI EHH!!" sigaw ko. Ewan ko ba, biglang uminit dugo ko at sobrang naiirita ko sakanya ngayon!
"EH. AYO---" naputol yung sasabihin nya ng biglang may nagsalita..
"Both of you go in the guidance office now!"
Sht. Si Mrs. Lopez. Isa sa mga pinakastriktong teacher dito sa school. Kilala bilang matalim ang dila. Masakit magsalita.
Ayokong masample-an kaya sumunod nalang ako. Hindi ko alam kung sumusunod saken yung mongoloid na lizard na yun. Basta, iniisip ko, ayoko mapagalitan at masumbong kay mommy. (T_T)
DUGDUG. DUGDUG.
Waaaaahh! Nasa tapat na ko ng guidance office!!
Inhale.
Exhale.
First time ko eh. Pag nagka-record talaga ako dito paktay ako kay Mommy! Huhu
Teka, nasan na kaya yung lizard na Kyle na yun? Ano? Ako lang papasok dito?! Both of us daw sabi pero bat ako lang??! Mukhang natakasan ako ng mokong na yun ah! Palibhasa yabang eh.
"Oh baket di ka pa pumasok?"
"Ay puteka!"
"Hmm?", sabay tinaasan nya ko ng kilay!
"Hmmm?!", syempre di ako nagpakabog at tinaasan ko din sya ng kilay. ;D
SIYA. I mean si Kyle.
"Hmmmm?" aba! Mas tinaas nya pa yung kilay nya. Ang bakla talaga nento. Medyo nakakaturn-off. Haha!
"Pumasok ka na kaya?" sabi pa nya.
"Eh kung ikaw kaya unang pumasok?! Inuutusan mo pa ko!"
"Eh sa gentleman ako eh (^_^)", takte. Nakakamatay ngiti nento!!
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^