Fourteen

32 3 0
                                    

Athena's POV •

Monday again! Isang linggo na ang lumipas mula nung prom. Oh well. That was really a night to remember kahit na may konting kadramahan lang. Eh kasee, I experienced how to be a queen, just for a night. Everybody greets me, 'Hello mahal na reyna' Haha! Feel na feel ko naman din kung minsan.

I did my daily routine. Gising-kain-ligo-sakay-lakad-upo-labas ulet kase bawal ang isang tulad ko sa first subject namin. Eh bat di nalang kaya ako nagpalate? Aish. De, malalaman ni mama. Okay na to.

So again, lakad dito, lakad doon. Napadaan ako sa may bench malapit sa canteen. Haha! Naalala ko yung katangahan ko noon dito. May ala-ala ngang naiwan eh. What I mean is-- peklat.

Pumasok na ako sa canteen. Umupo sa bandang dulo at nagsoundtrip mag-isa.

Isang linggo na ang lumipas after nung prom. ONE WEEK, wala na kaming ugnayan ni Kyle. Sana magpatuloy na at bumalik na sa normal ang buhay ko. Yung walang churvang drama tulad ng ganito.

"Hayyyy..." plus malalim na buntong-hininga.

Lapit na magbakasyon. Ang boring na naman ng buhay ko. Wala yung mga friends ko. Si Yanna, Kate. Mga classmates ko. Wala ng makulit. Wala ng mayabang. Wala na si Kyl----- Shattap Athena! Wag ka ngang mag-emote dyan.

"Athena?" napatingala ako. Akala ko si ano. Si Ian pala.

"Oh, Ian! Kamusta?"

"Eto okay lang. Ikaw?"

"Okay lang din."

"Haha! Congrats pala ha? Mahal na Reyna."

"Ha? Thanks. Tagal na nun eh."

"Haha! Di naman."

"Oo nga pala, bakit ka napadayo dito? Diba may klase kayo?"

"Wala lang. Nagkakagulo na sa room eh."

"Ahh, bakit? Anong meron?"

"Yung dalawang mag-EX."

"Ha?"

"Si Kyle tsaka Diane."

"Ahh. So, sila ba ulit?"

"Ano ka ba. EX nga eh."

"Pero? Hindi ba binalikan ni Kyle si Diane?"

"Ha?! Hindi. Ayaw na nya yun balikan."

"Hala. Pero sabi nya sakin..."

"Ayaw nyang magpakitang-tao."

"Mahal naman nun si Diane. Pa-echoss pa sya."

"Haha! Gagi. Ewan ko sa kanya. Hindi na siguro. Ata?"

"Weh?! Sus, yun pa! PSHHH"

Siraulong yun! Sabi nya babalikan nya yun kapag pumayag ako. Impakto! Napeke ako. ARGHH! Sinungaling, Nakakainis!!

"Ahh, sige bestfri. Una na ko."

"Sge.."

Hayyy. Ano ba naman Kyle!! Sumunod ka naman sa usapan. Tsk!

Yumuko ako at ipinatong yung ulo ko sa lamesa.

**

"A-athena?" napatingala ulit ako.

"Hmm? D-diane?"

"Athena pwede ba tayo mag-usap?"

"A-ano.. m-may..."

"Please?"

"Aish. Sige."

"Dun tayo sa may likod."

At yun nga. Pumunta na kami sa likod ng school. Umupo lang ako sa may malaking bato.

"Athena, may ugnayan pa ba kayo ni Kyle?"

"Wala na. Diba sabi ko sayo tutulungan kita."

"Pero.. b-bakit *sob* a-ayaw nya na *sob* sa akin?"

Umiiyak ulit sya sa akin?! Srsly? Ako lang ba yung taong pwede nyang iyakan?!!

"Diane, alam mo walang permanente sa mundo. Lahat may hangganan. Pati sa love meron. Malalaman mo nalang na walang hanggan ang pagmamahalan sa tamang panahon. Sa ngayon kasi mga bata palang tayo eh. Wala pa tayo sa tamang age."

"Pero alam ko naman sa sarili ko na, totoo 'tong nararamdaman ko para sa kanya."

"Kung kayo, kayo talaga! Tadhana nalang makakapagsabi nyan. Akala mo kase, ngayon palang true love na yan. Pero alam mo maraming nasasaktan o namamatay sa maling akala. Tignan mo nga, ngayon palang umiiyak ka na."

"Hindi ko kayang.. *sob* mawala sya ehh"

"Sinasabi mo lang yan! Kaya mo yan. Wag mo kasing ipilit yung sarili mo sa taong ayaw na sayo."

"Siguro nga tama ka. Pero please, Athena!! Pagniligawan ka nya wag mo sya sasagutin ha? Please? Tulungan mo kong makalimot."

"Asa ka namang sasagutin ko yung kumag na yun! Oh! Punasan mo na luha mo. Wag ka ng umiyak dyan."

"Salamat ha."

"Wala yun. Ano? Tara na?"

"Tara."

Naglakad na kami pabalik sa aming mga classroom. Napadaan na rin naman kami sa room nila kaya nauna na sya. Kaya heto, ako naman ngayon mag-isa. Hays.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon