Pagkikita

123 7 0
                                    

Borj POV
Nakarating na kami ng subdivision. Grabe! Sobrang namiss ko tong lugar at daming memories na nabuo dito.Marami ng bagong nakatira at nagpatayo ng bahay.

Borj: Wow! Namiss ko to ah. Pero, ba't tahimik na dito sa subdivision pare?

Yuan: Wala na kasi yung maingay na magbabarkada dito pare lalo na ikaw kaya tahimik na haha - natatawa

Borj: Yabang mo ah. Di lang naman ako yung maingay dito pare, si Tita Elsie rin kaya haha. - natawa kami pareho

Malapit na kami sa bahay nina lolo at lola at excited na kong makita sila. Miss na miss ko na ang mga ito kahit na palagi kaming nag vivideo call, iba parin pag kasama mo sila.
Nandito na kami sa harap ng bahay ngunit bakit parang walang tao at wala ring ang kotse ni lolo.

Yuan: Pare, parang wala ata sina lolo dito ah

Borj: Baka nagpapahinga lang pare. Wait, magdodoorbell ako.

Nagdoorbell ako ngunit walang sumagot o lumabas.

Yuan: Baka umalis sina lolo, Borj. Kasi nung isang araw, nakita ko sila sakay ng kotse palabas ng subdivision, baka may pinuntahan.

Borj: Siguro. Tawagan ko nalang pare, para sure. Pwede bang pahiram ako ng phone mo?

Yuan: Ito pare - inabot sakin ang phone nya

Tinawagan ko si lolo Miyong at agad naman nitong sinagot. Dahil nga phone ni Yuan ang gamit ko, akala nya si Yuan ako.

*phone call

Lolo: Hello Yuan, napatawag ka? - sa kabilang linya

Borj: Uhm. Hello lolo, si Borj po ito

Lolo: Borj?

Borj: Opo lolo, Borj Jimenez po. Asan po kayo? Ba't wala po kayo dito sa bahay?

Lolo: Nandyan ka ngayon sa bahay? Umuwi ka? - gulat

Borj: Opo lolo. Isusurprise ko po sana kayo, kaso mukang ako ata yung nasurprise eh, wala po kayo dito sa bahay hahaha

Lolo: Ikaw talagang bata ka. Ba't di mo sinabi sa'min na uuwi ka? Edi sana hindi nalang kami umalis ng lola mo dyan

Borj: Lolo naman. Eh, pagsinabi ko po, edi hindi na yun surprise, di ba? haha. Teka lang po lo, asan ba kayo?

Lolo: Nako! Nandito kami ngayon sa probinsya. Nabored kasi kami ng lola mo dyan sa bahay, kaya binisita namin yung kapatid ng lola mo.

Borj: Ah ganun po ba. Kailan naman po kayo uuwi dito?

Lolo: Oh sya, ngayon na kasi nandito sa'min yung susi eh, di ka makakapasok dyan.

Borj: Ngayon? Wag na po lolo baka gabihin po kayo sa daan. Mahirap na't medyo malayo pa naman yung probinsya. Bukas nalang po kayo umuwi dito lo. Okay po ako dito, tsaka kasama ko naman po si Yuan.

Lolo: Sure ka ba apo? Pasensya ka na ha, di mo kasi agad sinabi eh. Babawi nalang kami ng lola mo pagdating namin dyan ha

Borj: Sure po lolo. Kita nalang po tayo bukas. Message nyo po ako sa messenger at mag- ingat po kayo dyan at bukas sa byahe. Regards nalang po kay lola

Lolo: Sige Borj, apo. Mag ingat ka rin dyan.

Borj: Sige po, bye

*end call

Pagkatapos kong tawagan si lolo, sinauli ko na yung phone ni Yuan.

Yuan: Oh, anong sabi Borj? - inabot yung phone nya

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon