Feelings ko for you

127 9 0
                                    

Kinaumagahan, maagang umalis si Yuan dahil may trabaho ito at si Tito Charlie naman pumuntang restaurant.

Borj POV
Paggising ko, wala na si Yuan sa tabi ko. Kaya bumangon na ko, nagtoothbrush, at bumaba. Naabutan ko si Roni at Tita Marite na nag aalmusal.

Tita Marite: O, Borj, gising kana pala. Tara, sabayan mo na kami ni Roni dito. - aya nya

Borj: Ah, good morning po tita. Sige po - nahihiyang sabi ko

Kumuha ako ng plato ko sa kusina at umupo malapit sa tabi ni Roni.

Borj: Uhm, good morning Roni - ngumiti ako sakanya

Roni: Ah, goodmorning din - naiilang at di makatingin sakin

Borj: Tita, si Yuan po?

Tita Marite: Nako Borj, maagang umalis eh, may trabaho kasi sya ngayon. Di nya ba nasabi sayo?

Borj: Ah, hindi po eh pero okay lang po. Hintayin ko nalang hanggang sa makauwi sya. Magpapatulong sana ako magbuhat ng mga maleta ko papunta kina lolo.

Tita Marite: Edi, si Roni - suggest nya

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Roni nang tumingin siya kay Tita Marite. Tsaka, di rin ako sang ayon sa sinabi ni Tita kasi ayaw kong mapagod at ipagbuhat ng maleta si Roni.

Borj: Ay! Wag na po. Mamaya nalang po

Tita Marite: Okay, ikaw bahala.

Roni POV
Naiilang at di ako makatingin kay Borj. Oo, aminin ko, sobrang namiss ko sya. Ilang taon ba naman na hindi kami nagkita at nag-usap. Dati, araw-araw kong kinukulit si kuya dahil nga may communication sila ni Borj, kung kamusta na ito, kung okay lang ba ito. Ngayon na nandito na sya parang nahihiya naman akong kausapin sya, ni tingin nga naiilang pa ko. Nung niloko ako at naghiwalay kami ni Basti, araw-araw kong iniisip si Borj dahil nagsisisi ako na hindi sya ang pinili ko. At, base sa mga naririnig ko dati, umalis daw si Borj papuntang Italy dahil gusto nyang dun mag-aral pero para naman sakin may mas malamin pa na dahilan kung ba't ito umalis. Hindi basta-basta aalis si Borj, kilala ko siya.
Kakaisip ko, nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Mommy.

Mommy: Ronii.....! - tawag nya sakin

Roni: Ay Borjjj ka... - gulat

Borj: Bakit Roni? - napatingin sakin. Gulat at nagtaka

Roni: Ha? Eh, wala, sorry! Bakit po mommy? - palusot ko at ibinaling ang tingin ko kay mommy

Mommy: Sabi ko, ikaw muna ang bahala dito kasi sasamahan ko ang daddy mo sa restaurant.

Roni: Mommy, wala po akong kasama dito. Sama nalang po ako sa inyo

Mommy: Roni, parang di ka naman sanay. Magpahinga ka nalang dito, enjoy your vacation noh. Tsaka, nandito pa naman si Borj ah. Diba Borj?

Borj: Ha? Ah, opo tita - napatingin sakin

Mommy: O, ayon naman pala eh, sasamahan kana ni Borj.

Roni: Okay po - kunot noo ako

Umoo nalang ako kay mommy kahit hindi ko gusto. Wala na kong magawa kundi magbantay na naman ng bahay. Pagkatapos namin mag almusal, pumasok si mommy sa kwarto nila para mag ayos. Agad ko namang niligpit ang mga pinagkainan namin.

Borj: Ako na dyan Roni - suhestiyon nya at pilit kinukuha ang mga pinagkainan

Roni: Ah, hindi. Ako na Borj. Maupo ka nalang dun - turo ko sa sala gamit ang bibig

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon