Roni's POV
Kakatapos lang namin maghapunan. Niyaya ko sina Jelai at Missy upang magpahangin sa patio habang ang mga boys naman ay nasa living nagjajamming."Mga sis, inom tayo." Taas-babang kilay na aya ni Jelai. "Tutal, di naman tayo masyadong lasing nung nakaraan."
"Ay, call ako dyan. Magpakalasing tayong mga girls ngayon..." wika naman ni Missy.
"Okay...Basta kayo ang kumuha ng alak dun sa loob." utos ko.
Mabilis namang tumayo at pumasok si Jelai upang kunin ang alak sa loob.
Pagbalik niya, nakasunod na ang mga boys. Malamang, nakita nila si Jelai na may bitbit na alak.
"Girls, iinom kayo?," bungad na tanong ni kuya.
"Oo kuya. Bakit, bawal ba?" sagot ko.
"Hmm...hindi naman. Ang sa akin lang, hindi nyo man lang kami niyaya..." wika ni kuya.
"Eh, malay namin na iinom din pala kayo.." sagot naman ni Missy.
"Gummybear, kami ba'y tatanggi sa alak?," kuya umupo sa tabi ni Missy.
"Nako! Mukhang sira na atay ko neto pagbalik natin ng Antipolo ah." sabi ni Junjun at tumabi kay Jelai.
"Kung ako sayo pare, palitan mo nalang atay mo after ng bakasyon natin." natatawang biro ni Borj.
"Oo nga Junjun. Basta kami ni Tonsy, walang pakialam sa atay basta ang memories ay pang habang buhay." natatawang dagdag ni Epoy. Natatawang tumango naman si Tonsy dahil sang-ayon din ito sa sinabi ni Epoy.
"Mga tarantado..." mura ni Junjun. "Di naman ako aayaw eh. Nagcacare lang ako sa atay ko noh..."
"Amputek, ang drama mo, Jun." kamot-ulong sabi ni kuya. "Kung ako sa'yo, kumuha ka na lang ng baso dun sa loob para makapag-umpisa na tayo dito." utos niya kay Junjun.
Tatayo na sana si Junjun, pero pinigilan ito ni Tonsy at nagboluntaryong siya nalang kukuha ng mga baso dahil siya ang mas malapit sa sliding door na papasok sa loob ng villa. Sunod namang umupo sina Borj at Epoy malapit kay kuya.
Masaya kaming nagjamming at uminom. Lumabas pa nga ang mga boys upang bumili ng alak dahil mabilis naubos yung alak na iniinom namin. Balak ko sanang magpakalasing ngayong gabi, kaso lang nakakahiya naman sa mga kasama kong ang lalakas uminom. Mukhang may mga tama narin ang mga ito, dadagdag pa ba ko?
Borj's POV
Hindi ako masyadong uminom ngayon. Simula kasi nung umuwi ako, napapadalas na ang inom ng barkada, kawawa ang atay ko. Although, medyo nahihilo-hilo ako, alam ko parin ang mga kaganapan at ginagawa ng barkada. Natatawa nalang ako kasi wasak na wasak na yung iba. Itong si Yuan nag-eenglish na, kaya nahawa narin kaming ibang boys. Sina Junjun at Jelai ay naglalambingan sa gilid, at si nama'y Missy umiiyak ng walang dahilan habang pinapatahan ni Roni."Sige inom lang kayo ng inom dahil madalang nalang itong mangyari pagkauwi natin." sabi ni Tonsy.
"Thank you Borj for giving us the opportunity to explore the world." lasing na sabi ni Yuan habang nakayakap sakin.
"Yes Borj. We as your barkada are very happy and lucky to have you." dagdag ni Epoy na may tama narin.
"Don't worry Borj. I'm giveaway something on you when we go home." sabi ni Junjun at natawa kaming lahat. Mana nga siya kay tita Elsie.
Makalipas ang ilang minuto, nagulat nalang kaming lahat nang biglang umiyak si Yuan ng walang dahilan, bagay nga sila ni Missy.
Buti nalang at nahimasmasan na si Missy sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
It's Always You
RomanceHello po. This story is all about the lovestory of Borj and Roni with other gmik characters❤️ Hope magustohan nyo po, kikiligin kayo and sana mag enjoy po kayo. Open for suggestions and feel free to comment po🫶🏻🫶🏻 #TeamDiMakaMoveOn