Got drunk

158 6 0
                                    

Borj's POV
Masaya ako dahil nakita at kasama ko na ang buong barkada. Ngunit curious parin ako kung ano ang dahilan ba't naghiwala si Roni at Basty at palagi itong bumabagabag sa akin isipan. Kaya hindi ko maiwasan na magtanong sa barkada tungkol dito.

Borj: Nga pala mga pare, nakwento sakin ni Roni na wala na sila ni Basty. Matanong ko lang, ba't sila naghiwalay?

Yuan: Nako! Chong, hindi ka maniniwala, parang pelikula lang pare.

Borj: Bakit? - curious kong tanong

Yuan: Yung g@gong Basty na yun, manloloko yun. Niloko nya si Roni, nahuli siyang may kasamang ibang babae.

Borj: O, talaga? Pano nya nagawa yun? Eh, di ba nga mahal na mahal nya si Roni? - di ako makapaniwala

Junjun: Eh, sira ulo eh.

Tonsy: And, you wouldn't believe Borj. Buntis yung kasama nyang babae. - umiiling nyang sabi

Epoy: Gusto mong malaman kung sino yung girl na kasama nya?

Borj: Sino? - kunot noo kong tanong

All: Edi si Trisha - sabay nilang sabi

Borj: Trisha? Trisha as in yung ex ko? - gulat kong sabi

Yuan: Tumpak!

Borj: Abay, g@go nga - inis kong sabi

Galit na galit ako sa ginawa ni Basty kay Roni. Parang may namuong galit sa kalooban ko nung sinabi nila iyon sa akin. Naawa at nasaktan ako para kay Roni sa nangyaring iyon dahil alam kong mas masakit para sakanya. Ngayon, alam ko na kung ba't wala itong karelasyon o hindi tumatanggap ng manliligaw.

Epoy: Ang masaklap pa dun pare, si Tito Charlie ang nakahuli sakanya.

Borj: Oh sh!tttt...Eh, anong ginawa nya nung nahuli sya pare?

Yuan: Wala...Ang kapal ng mukha pare. Kinabukasan, lakas loob pa siyang pumunta dito sa bahay kasama niya si Trisha, hihingi daw ng sila sorry.

Junjun: Tapos ang g@go, iyak-iyak pa. Muntik pa ngang masapak ni Yuan eh. Buti nga mahigpit ang kapit namin sakanya, kung hindi, baka umuwi siyang purple ang mukha.

Borj: Kung nandito lang ako nun, nasapak ko na yung g@gong yun.

Epoy: Kaya after nun, di na sya bumalik dito.

Yuan: Di na talaga, kasi ban na sya dito sa bahay. At, hindi na sya pwedeng lumapit pa kay Roni kailanman - inis na sabi

Borj: Kapal ng mukha. Sira ulo sya, pinaubaya ko sakanya si Roni tapos lolokohin nya lang pala. Sasapakin ko talaga yun pag nakita ko, nako sinasabi ko. - galit kong sabi

Yuan: Oo pare, gusto mo reresbak pa ako eh. Teka lang Borj! Eh, ba't galit na galit ka yata? Nakamove on na kaming lahat dun eh. - pagtataka nya

Junjun: Hmm...wag mong sabihin, may gusto ka parin kay Roni? - pang aasar

Borj: Ha? Ah. Eh, wala noh - pagsisinungaling ko at tinignan si Junjun ng masama

Epoy: Weh...! - panunukso

Borj: Alam nyo kasi mga pare, parang kapatid ko narin yan si Roni eh. Syempre, magagalit ako pag may umaway sakanya - palusot ko

Tonsy: Napakadefensive mo masyado Borj.

Yuan: Pare, magtapat ka nga samin tol, gusto mo parin ba si Roni? - habang nakaakbay sakin

Epoy: Tayo-tayo lang naman nandito pare eh. Sabihin mo na - pagpipilit nya

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon