Pagbabarkada

132 10 0
                                    

Kakarating lang ni Yuan galing trabaho. Saktong pababa naman si Borj ng hagdan.

Borj: Uy, pare nandito kana pala. Kamusta trabaho?

Yuan: Okay naman pare, ito pagod. Gimik kaya tayo ngayon Borj.

Borj: Sige ba pare. Teka, anong klaseng gimik naman?

Yuan: Inom tayo dito sa bahay

Borj: Gusto ko yan pare. Tsaka, ayain natin buong barkada. Tutal hindi ko pa naman sila nakikita, miss ko na yung mga yun. Surprise natin sila pare - excited na Borj

Yuan: Sige sige pare. Wait, chat ko ang mga unggoy sa gc - sabay kuha ng phone

Yuan POV
Matagal tagal narin nung huli kaming uminom ng barkada. Palagi kasing busy sa trabaho at magkakaiba rin ang mga day off namin.

*GC ng mga Kupal sa Cottonwood (pamilya daw pero may magjowa)*
iMessage
Today 5:01pm

Guys!: Yuan

Junjun: Di ako pwede pare, overtime ako sa work

Jelai: Same! May ginagawa akong plan😁

Tonsy: Same here! I need to review my case study.

Epoy: Nako pare! May exam kami bukas, kailangan ko mag-aral.

Missy: Sorry babe. Kuya won't allow me lumabas eh 😢

Mga langhiya, wala pa nga eh. : Yuan
Tara, gimik tayo dito sa bahay: Yuan

Junjun: Di talaga ako pwede pare

Missy: Next time nalang babe

Jelai: Oo nga Yuan

Tonsy: Need ko talaga magreview

Epoy: Pasensya kana pare

Sige na, libre ko! : Yuan

Epoy: Yun, sakto pare. Kakamessage lang ng teacher namin, cancel daw yung exam namin.

Junjun: Okay na pala ako pare. Di nalang daw kami mag oovertime kasi uuwi na yung mga artist.

Jelai: Haha! Nakalimutan ko, tapos na pala yung plan ko kahapon. Pwede narin pala ako😂

Missy: Babe, pinayagan na pala ako ni kuya lumabas. Buti nalang napilit ko sya❤️

Tonsy: Me too. Nareview ko na pala tong case study. No need na ireview ulit.

Yan, ang gagaling ninyo. Paglibre, okay kayo. Bilis magbago ng mga isip nyo noh. : Yuan
Sige na mga buraot, antayin ko kayo dito. : Yuan
Missy, hunnybunch, susunduin na kita dyan sa inyo: Yuan

Missy: No need na babe, kasi idadaan nalang daw ako dyan ni kuya sa bahay nyo. See you😘

Okay hunnybunch, ingat ka. I love you. See you😘❤️: Yuan

Tonsy: Gc po ito noh, baka nakakalimutan nyo.

Epoy: Huwag kanang mainggit pare, nandito pa naman ako eh 😂

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon