Boracay Escapade Part 2

119 8 0
                                    

Naging masaya ang activities ng barkada. Nag banana boat, parasailing, jet ski, at marami pang ginawa ang mga ito.
Napag isipan nilang mag buffet nalang for lunch kasi wala ng oras para magluto at gutom narin anng mga ito.

Sa restaurant habang nakaupo, napansin naman ni Borj ang isang waitress at familiar ang kanyang mukha. Agad siyang napatanong sa mga kaibigan.

"Roni, Jelai, di ba kaklase nyo yan dati...?" nagtatakang tanong ni Borj sabay turo sa waitress. Napatingin naman ang buong barkada.

"Ah, oo. Kaklase namin yan nung elementary..." sagot ni Jelai. "Ano nga pangalan nyan sis...?" tanong nya sa kaibigan habang kamot ang ulo.

Pinagmamasdan ni Roni ang mukha ng waitress, tila bang inaalala ang babae. "Ahh...si Sheena. Oo nga..." sagot nya ng maalala.

"Ah yun...Sheena." sabi ni Borj sabay turo kay Roni.

"Teka lang Borj." singit ni Yuan. "Ba't mo sya kilala?" tanong nito.

"Pare naman, parang hindi natin schoolmates sina Roni..." sagot ni Borj. "Nakalimutan mo yatang palagi kong sinusuyo utol mo sa classroom nila dati.." sabay tingin kay Roni at ningitian ito.

"Uy! Naalala ko yun sis yieee...." kinikilig na tukso ni Jelai habang binabangga ang balikat ni Roni.

"Kumanta pa nga daw siya sa harap ng buong klase eh..." singit ni Junjun.

"Is that true, Roni...?" kinikilig na Missy

"Ha? Hindi ko na maalala." nakangiting pagkukuwanri ni Roni at umiiwas sa tingin ni Borj.

"Ay ganun, nagka amnesia ka te...?" biro ni Epoy.

"Effort na effort, di naman pinili..." mahina at natatawang sabi ni Yuan pero narinig ng mga ito. Napa 'ouch' nalang ang mga kasama.

"Kuyaa...! Tumigil nga kayo..." inis na saway ni Roni. "Tara na't kumain, para magkapreno naman yang mga bibig ninyo..." kunot noong iniba ang usapan. Umiiwas pa rin sya sa tingin ni Borj, tila bang nahihiya at di mapakali kung tumingin ito sa binata.

Tumayo at isa-isa silang kumuha ng pagkain sa buffet counter. Pabalik na sana si Roni sa table nila nang makasalubong naman nito si Sheena.

"Roni!?.." gulat na tawag ng waitress.

"Uy Sheena...Hello, kumusta ka na?" nakangiting bati ni Roni.

"Okay naman. Ikaw? Nagbabakasyon ka dito...?" nakangiting tanong ni Sheena.

"Ah. Oo, kasama ko sina Jelai. Actually, buong barkada..." sagot ni Roni sabay turo sa table nila.

"Oh nice." tumatangong sabi ni Sheena.

"Dito ka nagtatrabaho?" tanong ni Roni.

"Yah...actually, best friend ko kasi yung may-ari nito. Eh, para makatulong, kinuha nya ako as manager nya..." sagot ni Sheena.

"Wow, good to know..." tumatangong sabi ni Roni. "O sya Sheena, kakain muna ako. See you later nalang" paalam nya sa kausap.

"Sige Roni. Enjoy your stay..." wika ni Sheena sabay alis at bumalik din si Roni sa mga kaibigan.

After lunch, dumaan muna sila ng convenience store bago bumalik ng villa upang bumili ng alak at pulutan, napagplanuhan kasi nilang mag party-party mamayang gabi.

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon