Tinanghali ng gising ang magbabarkada. May hangover pa yung iba, lalong lalo na si Junjun na naparami ang inom kagabi. Napag-isipan nilang dun nalang ulit kumain sa buffet na kinainan nila last time. Nasarapan kasi sila sa mga sinuserve na food doon at every day iba-ibang dishes kaya hindi magsasawa ang kumakain.
Nang makarating sa buffet restaurant, dumiretso kaagad si Roni sa washroom at hindi na nakapagpaalam dahil naiihi na ito, hindi sya nakapag washroom sa villa bago umalis.
Pinili nilang doon kumain sa second floor ng restaurant para mas maganda ang view at malakas ang hangin. They sat down at the assigned table when they noticed that Roni was not with them.
"Teka, nasaan si Roni?" nagtatakang tanong ni Yuan. Napakibit-balikat lang ang mga kasama.
Agad namang tumayo si Borj at bumaba. Hinanap niya si Roni. Bumalik pa ito sa villa nila pero wala siyang nadatnan na Roni doon.
Pabalik na siya ng restaurant nang makasalubong nya si Sheena. Nahihiya siyang magtanong dito, pero baka may idea o nakita nito kung nasaan si Roni. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na lumapit at magtanong.
"Uhm...Sheena..." tawag ni Borj.
"Borj..?" gulat na Sheena. Ngumiti lang si Borj. "Uy, kumusta?" bati nito.
"Okay naman", nahihiyang sagot ni Borj. "Uhm...nakita mo ba si Roni?" tanong nito habang nakahawak sa batok.
"Hindi eh, baka nandun sa taas. Nakita ko sina Jelai dun", sagot ni Sheena. "Teka lang, asawa mo na si Roni..?" nakangiting tanong nito.
"Hindi pa pero malapit na...siguro..." nakangising sagot ni Borj.
"Grabe! Hanga ako sa pasensyang binibigay mo sakanya. Until now, hinihintay mo pa rin sya." wika ni Sheena.
"Wala eh. Siya talaga ang gusto ko, kahit bali-baliktarin pa ang mundo, siya pa rin." Borj said proudly.
"Nako! Goodluck nalang sa relationship niyo ni Roni. Looking forward to your wedding" masayang sabi ni Sheena.
"Thank you Sheena ha", sabi ni Borj. "Iyong kaklase mo kasi pakipot pa eh..." biro ni Borj at natawa naman silang dalawa.
Roni's POV
Mahaba ang pila sa washroom kaya ako natagalan. I looked around sa lower floor ng restaurant pero hindi ko nakita sina kuya, they're probably upstairs. Paakyat na ako ng hagdan nang makita ko sina Borj at Sheena na masayang nag-uusap sa labas. 'Aba, ngingiti-ngiti pa ang loko'. Nakaramdam ako ng kirot sa puso at naiinis habang pinapanood silang nagtatawanan. I don't understand why I feel and act this way. Maybe because I have feelings for him, again..., kaya nagseselos ako? Ewan ko ba. Napairap na lamang ako at padabog na umakyat.Wala sa mood at nakahalukipkip akong lumapit sa barkada.
"Finally!" sigaw ni kuya nung makita nya ko.
"O sis, ba't ganyan mukha mo? Did something happen?" nag-aalalang tanong Missy.
Hindi ako umimik at napairap na lamang.
"Hay nako, may tuyo na naman." mahinang sabi ni kuya. "Roni, nasaan na si Borj? Akala ko hinahanap ka nya?" kunot-noong tanong nito sakin.
"Ewan ko!" pagtataray ko sabay irap. "Ba't di nyo itanong dun sa Sheena na yun, baka alam nya." inis na inis kong dagdag.
"Ahsus...nagseselos naman itong sister ko..." lumapit si Jelai sakin at umakbay. Hindi na lang ako nagsalita. Sino ba kasi ang hindi maiinis dun sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
It's Always You
RomanceHello po. This story is all about the lovestory of Borj and Roni with other gmik characters❤️ Hope magustohan nyo po, kikiligin kayo and sana mag enjoy po kayo. Open for suggestions and feel free to comment po🫶🏻🫶🏻 #TeamDiMakaMoveOn