1st #TGWTGD

242 4 0
                                    

Unang kita ko pa lang sa kanya, nahulog na agad ako. Sounds crazy, huh?

I don't know how it happened. It was so fast. Maybe because when I looked at her, she literally caught my attention. By her looks? The way she smiled? The way her eyes twinkled? Maybe... yes.

Naalala ko pa ang araw na iyon. Umaga noon at kasama ko ang mga kaibigan kong sina Vincent, Colin, at Finn papuntang Batangas para sa party ng Ate ko na gaganapin doon. Kagabi palang ay naroon na si Ate kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. That night was strictly for just her and her closest friends. Ngayon naman, pwede na kami pumunta. Ang call time ay dapat naroon na kami ng alas otso ng umaga at alas otso na, bumibyahe pa lang kami. Great!

"Mga kulokoy talaga kayo, dalian nyo na." Sabi ni Ate Emma sa phone nang tumawag siya para makumpirma kung pupunta pa ba kami o hindi.

Nagtawanan kami nang marinig namin 'yon. It's in loudspeaker. Si Vincent ang nagmamaneho at ako yung nasa front seat. Si Colin at Finn ang nasa likod, pumapapak ng nachos.

"Oo, Ate. On the way na, sorry." Sabi ni Vincent.

Tumawa na lang si Ate at pinatay ang phone.

Ang party na iyon ay para sa birthday nya sa isang beach resort. She wants her 25th birthday to be a big celebration because she said she's already half of fifty. Ang dami niya ngang alam e. Ang sabi pa niya, ang fifty daw kasi ang pinakaimportanteng birthday dahil sa edad na 'yon mo tuluyang makakamit ang milestone at accomplishments mo. So being half of fifty, it is something to her. And not really achieved in a physical way, but you'll feel that you have achieved something extravagant in life that you feel contented.

Just when we were singing happily in the car, nabigla kami nang unti-unting namatay ang sasakyan namin.

"What the hell?" ani Colin.

Nang tuluyang tumirik ang kotse ay natahimik kami.

"Hin...di pala ako nakapagpagasolina." ani Vincent at napakamot ng ulo.

Kinuyog namin siya ng suntok. Tumatawa kaming tatlo nina Colin at Finn habang ginagawa sa kanya 'yon at lumabas na lang para itulak ang kotse sa pinakamalapit na gasolinahan.

"Assholes! Ginulo n'yo buhok ko!" Si Vincent nang lumabas na rin habang inaayos ang buhok. We only laughed at that.

At sa kabutihang palad, sa halos sampung minuto naming pagtutulak, may nagpakita agad na gas station.

Nakarating kami at sinabi agad ni Vincent ang kailangan. Naghubad pa talaga ng mga t-shirt ang mga ito dahil daw sa pawis na tinamo sa pagtutulak.

Narinig ko ang bulung-bulungan nina Colin at Finn kaya napatingin ako sa kanila.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Mga schoolmates natin." ani Finn, nakatingin lang sa malayo.

Napatingin din ako sa kanilang tinitignan, kakaparada lang ng isang kotse at puro babae ang nasa loob. Kinakawayan na iyon nina Finn at Colin, napatango lang ako dahil wala naman akong kilala sa kanila.

Pero nang magawi ang tingin ko sa car wash area ng gas station na nasa line of vision lang namin ay napaawang ang bibig ko.

Hawak niya ang hose at binabanlawan ang may sabong kotse.

She's wearing a green deep v-neck spaghetti strap dress and heels on her feet. I learned how to appreciate dresses. Tuwing magsa-shopping si Ate, ako ang kasama niya at tinutukoy niya isa isa ang mga bibilhin na tila interesado ako.

Basa ang kanyang buhok at iilang parte ng dress niya kaya lumapat ito sa kanyang katawan.

"Never seen a girl that hot." Sabi ko, tulalang nakatingin pa rin sa kanya.

Her complete set of white teeth showed when her friend, I guess, went to her. May pinag-usapan sila kaya nagtawanan sila. Sinuklay niya ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang kamay at binigay ang hose sa kasama. Pumunta siya sa counter para siguro magbayad ng expenses.

Naramdaman ko ang akbay ni Vincent sa akin at napatingin na rin siya sa tinitignan ko. Siya lang ata ang nakarinig dahil abala na yung dalawa sa pakikipag-usap sa mga schoolmates naming babae.

"Sino d'yan?" aniya.

"The girl with the green dress." Sagot ko.

Ngumisi siya. "Bakit Tol? Type mo?"

"Oo." Sabi ko.

Nagulat siya sa diretsahan kong sagot pero kalaunan, natawa.

"You don't see her at school? Schoolmate natin 'yan." aniya.

"What?" Gulat kong tanong. "Niloloko mo ako."

Natawa lang siya. Yung dalawa ay nakiusyoso na sa amin.

"Sino d'yan?" Si Colin.

"Yung may hawak ng hose?" Singit naman ni Finn.

"Hindi, yung nasa counter. Natamaan si Avo." ani Vincent at tumawa.

"What the? Seriously, Alvaro!?" Sabay na sabi nina Finn at Colin.

Napangisi ako sa pang-aasar nila. When I said "never seen a girl that hot" earlier, I meant it. Ngayon palang ako natamaan ng ganito.

"Hindi mo nakikita 'yan sa school? There are some rumors that she's into Azurin." Dagdag ni Finn kaya tumaas ang kilay ko nang nilingon ko siya.

"What are you talking about?" I asked.

"What a coincidence." Tumawa si Colin matapos niyang sabihin iyon.

Azurin is a second-year medical student. Students in the university are under the impression that we have this competition. It started when we both played in a basketball match at school and it was a heated one.

"Mas gwapo naman ako doon." Sabi ko at humalukipkip.

"Woah!" Sigawan nila sabay tawanan namin.

Dahil doon, yung mga female schoolmates namin sa kabilang kotse ay nagsilabasan at pumunta na sa kinaroroonan namin.

May mga bumati sa akin pero tinanguan ko lang ulit at tinignan kong muli iyong babae.

"Paula, you know that girl? Yung naka green? She's our schoolmate too." Walang alinlangang tanong ni Vince sa isa sa kanila kaya nagulat ako.

Napatingin silang lahat sa tinuro nya.

"Agri-biz siya. She's Kaia Montero. Why?"

Kaia.

"Close nyo?" Si Finn.

"Nope, pero we know them through friends din. Why?"

"Wala lang." Si Vince at sumulyap sa akin.

"May pupuntahan kaming party sa Batangas at alam ko invited din sila. You all wanna come?" Sabi noong isa.

Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil natulala na ako kay Kaia.

Ngumiting muli siya dahil sa pinag-uusapan nila noong kasama n'ya kaya pati tuloy ako ay napangiti.

The Girl With The Green DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon