Mula noong araw na iyon, gusto kong nakikita siya araw-araw. Thank heavens we're attending the same school. Kahit pa sa malayo, nabubuo ang araw ko. Ninais ko na ring magpapansin sa kan'ya kaso walang epekto iyon. Totoo ngang naka-glue na ang mata niya kay Azurin. Unfortunately, that rumor is true.
I think she likes the color green. Ang bag niya ay color green. Minsan, ang ginagamit niyang panyo ay color green. How loyal to that color, huh? I wonder if she's like that to her relationship. Thinking of her being loyal is a non-sexual turn on for me. Damn Avo, nababaliw ka ng talaga.
Magkalayo ang building ng department namin kaya kung nakikita man ako sa kanila, maraming nagtataka.
"Hi, Avo. I heard lagi ka dito sa building ah?" ani Halaina, ang na-link sa akin noon dahil nakapartner ko siya sa isang club activity. Humupa rin dahil na rin sa kawalang komunikasyon namin.
Napatingin ako kay Vincent dahil gusto niya si Halaina.
Tumango ako at nginitian siya saka ko siya nilagpasan. Naglakad na kami nina Colin at Finn pero naiwan si Vincent, didiskarte ata.
Sa bawat pagdaan namin ng room ay maraming napapatingin.
Simula noong sumali kaming apat sa battle of the bands noong first year college kami dito sa university ay biglaan ang sikat namin. Ngayong fourth year, 'di pa rin humuhupa iyon.
Hindi naman kami seryoso sa pagbabanda. Katuwaan lamang ang pagsali namin doon pero hindi namin akalaing mananalo kami doon.
Mga kababata ko silang tatlo. At hanggang ngayon, kami pa rin ang magkakasama.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Kaia, papalakad papunta sa aming direksyon.
Kapag talaga nakikita ko siya ay kinakabahan ako. Kaya rin siguro wala akong epekto dahil nerbyoso ako?
Napalunok ako nang magsimula ulit maglakad.
Kung dati ako lang mag-isa ang nagpapapansin, ngayon ay humingi ako ng tulong sa kanilang tatlo.
I asked them to line up so that she can't ignore me anymore. Desperate move, Avo!
Ngayon nasa harap niya na kami, liliko na sana siya pero pumwesto si Vincent doon. Sakto!
"Hi, Miss," lakas na loob na sabi ko. "I just wanna know your name."
Napatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
There's really no need to ask because I already know it. Kaia Emmeline Montero. It's not hard to know her name because she's kinda popular in her batch. Papansin lang talaga ko.
Her poker face is what only she can give me. Tinignan n'ya rin isa isa ang mga kasama ko.
Napatingin siya sa paligid kaya napagaya ako. Ang daming nakatingin sa amin.
"Kailangan ba talagang maglalakad kayo ng isang linya? Nahaharangan n'yo yung mga dadaan." She said, ignoring what I just said. She also raised an eyebrow.
Nagpigil ako ng ngiti.
"We're helping a friend. Do you know him?" Tanong ni Colin.
"Dapat ba kilala ko kayo?"
She has a point. Ang suplada naman pala nito!
Natawa ako kaya napatingin muli siya sa akin, ngayon naman ay humalukipkip siya.
"Masyado bang gwapo si Azurin at sa kan'ya ka lang lagi nakatingin?"
Kumunot ang kanyang noo dahil sa aking sinabi.
"Sayang..." Tunog-panghihinayang na sabi ko saka na nagbigay ng espasyo. Nilahad ko pa iyon.
Nilagpasan niya kami nang walang sabi-sabi.
Tinapik ni Vincent ang balikat ko. "Suko na?"
"Hindi," sabi ko at naglakad na kami. "She'll know me eventually. You'll see." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Green Dress
Teen Fiction"The moment I first saw her, I fell. And I know if I keep seeing her, I will fall deeper and deeper until no one can reach me. Only her. Only the girl with the green dress." -A. Allegre 1st | Girls Series, 20 parts [ March, 2019 ]