19th #TGWTGD

51 1 0
                                    

Pagkalabas ng cafeteria ay hindi ko na siya makita kaya half-running ako habang hinahanap siya.

I can't see her everywhere. Ngunit hindi ko alam kung bakit dinala ko ang sarili ko sa parking lot. Sinuyod ko ang buong lote at nang mahanap siya ay kumalma ako.

Naroon siya sa waiting area ng parking, nakaupo at nakatulala.

Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya. Nagulat pa siya nang makita niya akong umupo doon.

"W-What are you doing here?" Tanong niya.

Hindi ko na napigilang ngumisi. Napatingin ako sa malayo at kinagat ko ang labi ko para matigil sa kakangisi. Damn, Avo. Magtigil ka nga sa kakiligan mo.

"What are you smirking at? At bakit ka ba nandito?" aniya at lumayo.

Tumawa pa ako. Pero nang makita ang kunot ng kanyang noo ay napawi ang aking tawa at napalitan ito ng ngiti.

"Why are you here? Why did you go?" Tanong ko.

"W-Wala," aniya at umiwas ng tingin.

"I have something to tell you,"

"Oo na nga, alam ko na ang sasabihin mo. Okay lang ako do'n." aniya.

"Eh ikaw? Anong sasabihin mo sana sa akin kahapon?" I asked.

Tumikom ang bibig niya.

"Tungkol naman kay Gael 'yon. Why would you tell me that?" Sabi ko at bumuntong-hininga.

"Kalimutan mo na iyon, wala na rin namang sense iyon." aniya.

I chuckled.
"I think so, huwag mo na lang sabihin dahil masasaktan lang ako."

Napatingin siya sa akin.
"Bakit ka masasaktan do'n? Pero, nevermind, meron ka naman ng ibang mahal ngayon, why would you even care?"

Nagpigil ako ng tawa. Damn!

"Kaia, I think we had a misunderstanding."

Kumunot ang kanyang noo. "Misunderstanding?"

"Okay, please tell me what do you want to say?"

Umiwas siya ng tingin.

"It will be nonsense now." aniya.

"Walang sense o meron, please tell me."

Inabot pa ng ilang segundo bago siya umirap at nagsalitang muli.

"Gael told me everything. From when he talked to you about courting me to when he talked to you the other day."

Tumango ako.
"Sinabi niya rin ba na gusto ka niya?"

Kumunot ang noo niya.
"No, he didn't. He just offered me friendship. Alam kong 'di niya ako gusto. Iyon lang din naman na ang gusto ko, ang magkaibigan na lang kami."

I sighed.
"There's your chance, why did you let it go?"

"I let it go because I know it is not for me. Alam kong may ibang para sa akin. Iyon naman ang kumawala sa akin," ngumisi siya. She sighed and shook her head. "I'm going now." Tumayo agad siya ngunit agad kong inabot ang kanyang kamay kaya natigilan siya sa pag-alis.

"The girl with me today isn't my girlfriend. Louiella didn't tell you who she is?"

I saw how her forehead creased.

"H-Huh? Kilala iyon ni Louie?"

Tumango ako.

"Ang sabi niya sa akin may kinukwento si Finn sa kan'ya na may bago ka raw."

Napamura ako ng mahina. Anong pinaggagagawa ng mga 'yon?

Pero nang mapagtanto ay natawa ako. Plano ba nila iyon?

Wait!? Is Ate part of that plan?

"Remember when I told you about my family? That I have a sibling?"

Nanlaki ang mata niya.

"D-Don't tell me..."

"Yeah, that sibling is an older sister."

"W-What?"

Tumawa ako at hinila siya palapit sa akin. Nakatingala ako sa kanya habang siya'y nakadungaw sa akin.

"T-That's your sister? Bakit 'di mo agad sinabi?"

"You didn't let me tell you, umalis ka bigla."

"Baby boy kasi ang tawag sa'yo e." aniya at kinagat ang kanyang labi. She saw Ate's text earlier.

Tumawa na ako at tinignan ang mga kamay naming magkahawak. Damn, it feels so right.

"That's what she calls me," ngumisi ako. "Are you saying now Kaia... that you like me?"

Kumalas siya sa magkahawak na kamay namin at inirapan ako.

"Tss, ang yabang..." aniya at humalukipkip.

Tumawa ako at tumayo na rin. I towered over her, siya naman ngayon ang nakatingala sa akin. Hinawakan ko ang kanyang dalawang braso para kumalas iyon sa pagkakahalukipkip.

"Now, can I call you my girl?" I tenderly asked.

"M-Manligaw ka muna, ano." aniya.

I chuckled and reached for her right hand.

"Right, that's a better idea," I said and kissed the back of her hand. "Now I'm the privileged suitor."

Ngumuso siya pero hindi pa rin niya napigilang ngumiti. Humalakhak ako dahil doon.

The Girl With The Green DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon