Sa kani-kaniya nilang bahay natulog sina Vincent samantalang si Tita Romana at Louiella ay sa guest room natulog.
Tanghali kinabukasan kami bumiyahe pabalik ng Maynila. Sina Louie at Tita Romana ay kanina pang umaga nakaalis. Hindi na namin sana papasukan ang panggabing klase namin ngunit habang nasa byahe, nagdesisyon kaming pumasok na lang. Masyadong traffic kaya hindi na kami umuwi sa condo namin at diretso kami papuntang Manila. Good thing we are dressed appropriately.
We are so exhausted because of the happenings last night and the trip but we managed to get along with the class. Mind you, that's a three-hour class.
Alas nuebe nang matapos ang klase. At alas diyez kami nakauwi. At dahil kotse ko ang gamit namin, hinatid ko sila sa kanya kanya nilang building. These motherfuckers are lucky.
Matapos kong mag hot shower ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Mommy, kasama niya si Ate.
"How is Louiella? 'Di ba? She's kind and beautiful pa." Si Mommy.
"Mom, Louiella and I already talked about this. We will remain friends, that's all. So I hope we are already clear." Ngumisi ako.
"E kasi parehas lang kami ng naiisip ng Tita Romana mo. Wala pa akong babaeng nakikilala sa buhay mo bukod sa kay Ate Emma mo, at sa Tita at sa mga pinsan mong babae," she said. "I am also thinking na you're hopeless na rin."
Natawa kami pareho ni Ate Emma kaya ngumuso si Mommy.
"And now you two are thinking I'm funny."
"Mom, you need to relax, Avo will find a girl. Just... not right now." ani Ate.
Tumigil din si Mom sa pangungulit tungkol sa amin ni Louiella sa gabing iyon.
Kinabukasan, nasabik ako sa pagpasok. Ngunit naalala ko na kailangan ko na ring tumigil sa paghihintay kay Kaia sa parking lot. I should stop what I'm doing.
Ngunit pagdating sa school, nanatili ako sa loob ng aking kotse. Damn it! Hindi ko rin talaga mapigilan. Pero hindi tulad noon, tinanaw ko lang ang labas, thankful that my car is tinted. Kahit nakita ko na rin ang pagparada ng kotse ng tatlo at pagdaan nila, hinintay ko pa rin si Kaia.
Mga sampung minuto simula noong pagdating ng tatlo, dumating na rin si Kaia. She's alone today.
Tumingin si Kaia sa banda ko at nagulat siya kaya nagulat din ako. What? Nakita niya ako?
Napatingin ako sa likod ng kotse ko na pwedeng dahilan kung bakit siya nagulat ngunit wala namang tao doon o kung ano mang pwedeng tanawin.
Pagtingin ko ulit sa kanya, nakangiti na siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ilang saglit pa ay lumabas na ako sa kotse. Pumunta ako sa kinatatayuan ni Kaia kanina at sinubukang tignan ang kotse galing dito. I really can't see anything from the outside.
So what was that?
Pagpunta kong room ay sabay sabay na napatingin sa akin yung tatlo.
"Saan ka na naman galing, Alvaro?" Tunog-paratang pero nakangisi si Vincent.
"Wala, pumunta lang akong cafeteria. 'Di ako nag-almusal." Sabi ko at naupo.
"Ang galing mo talaga magsinungaling. Masyado kang halata." Si Finn kaya natawa sila.
Hindi naman nila pinilit itanong kung saan talaga ako galing kaya payapa akong nakaupo.
Habang naglelecture ang professor namin ay nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. I secretly got it and saw Mom calling.
"Sino?" Tanong ni Colin, nakita atang may tumatawag sa akin.
"Mom," sagot ko at agaran ng lumabas.
Nang masagot ay narinig ko kaagad ang boses ni Mommy.
"Avo, anak, are you busy?"
"Yeah, Mom. I'm in the middle of a lecture. What is it?"
"Oh, gosh. I'm sorry. Si Tita Romana mo kasi may pakiusap sa akin."
I chuckled softly.
"What is it?"
"Well, sabi niya kasi Louiella needs help. Not that Louiella told her she needs your help. Si Tita Romana mo lang ang may idea na ikaw sana ang tumulong. W-Well, as of the plan, 'di niya pa ata alam na you and Louiella are already settled na. Nahihiya ako magsabi."
Tumawa ulit ako. Oh these ladies.
"I'm fine with it. I'll do it. What is it?""Okay. Louiella needs five kartolinas. Any color will do. Romana told me Louiella can't buy kasi wala raw silang break ngayon."
"Did you ask her if what time Louiella needs it?"
"I think any time before three P.M."
"Okay, Mom. Tell Tita I'll do it. Bye, I need to go. I have class."
Pagkatapos ng first subject ay bumaba ako para bumili ng kartolina. Gusto akong samahan nung tatlo pero hindi na ako pumayag. Baka ma-late lang din sila sa second subject.
Dumiretso na agad ako sa building ng kanilang department hawak hawak ang limang kartolina. Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante doon. May iilang bumabati na nginingitian at binabati ko pabalik.
Saktong lilipat na ata sa next class kaya nagsisilabasan na ang mga estudyante sa room nila. Naghintay ako sa labas pero si Kaia ang una kong nakita.
Nakita niya rin ako at medyo gulat siya. Nagpigil ako ng ngiti. Pero nang makita kong lalapitan niya ako ay napauwang ang aking bibig.
"What are you doing here?" Mataray niyang tanong at humalukipkip pa.
After two days, she's still like this. But unlike her other tones, this one's have a mixture of accusation and excitement. Or is it just me?
I thought she was going to ignore me. Pero nilapitan niya ako. Kaya hindi ko na napigilan ang pagngiti.
"I'm looking for Louiella. Is she still there?" Ang tanong ko ang nagpawala ng pagtaas ng kanyang kilay.
Eksakto naman ang paglabas ni Louiella sa room at nang makita ako, nagulat siya.
"Oh, Avo–" ani Louiella ngunit nang makita si Kaia ay natigilan siya sa pagsasalita.
"I was looking for you. Mabuti nandito ka pa. Here," sabay lahad ko ng mga kartolina sa kanya.
"How did you— did Mom ask you to buy this?" aniya habang kinukuha ang mga kartolina.
Napatingin ako kay Kaia na nakatingin sa mga kartolina.
"Uh, no. Tita told Mom, so Mom called me."
"Si Mommy talaga, naku, I'm sorry." Nahihiyang sabi ni Louiella.
"It's okay. Kukulitin din ako ni Mommy."
She chuckled.
"So, I go ahead." Paalam ko na.
"Oo sige. Salamat, Avo!"
"Don't mention. See you around," tinignan ko si Kaia. "Bye, Kaia." Bahagya siyang nagulat sa pagtawag ko sa kanya.
"Okay, Bye." Sagot niya. "Halika na, Louie." At nauna na siyang maglakad.
Ngumiti si Louiella sa akin at nginuso si Kaia. Bahagya akong natawa at sinundan niya na rin si Kaia.
Oh, Kaia. You're giving me mixed signals now.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Green Dress
Genç Kurgu"The moment I first saw her, I fell. And I know if I keep seeing her, I will fall deeper and deeper until no one can reach me. Only her. Only the girl with the green dress." -A. Allegre 1st | Girls Series, 20 parts [ March, 2019 ]